(Ang susunod na kuwento ay hango sa aktuwal na e-mail.)
Isang gabi, naghihintay ng masasakyan papuntang Cubao si Matet (di-tunay na pangalan). Mula roon, tutungo siya ng Antipolo kung saan siya umuuwi. At dahil nagmamadali si Matet, sumakay siya sa isang gray na MEGA FX taxi na may plakang PWL-471 sa halip na maghintay pa ng nakagawian jeep. Puno naman ang FX, kaya lang pagdating ng MRT nagsibabaan ang lahat ng sakay…maliban sa kanya.
“Saan ka bababa,” tanong ng driver.
“Sa Cubao po,” sagot ni Matet. Akala niya ililipat siya ng ibang FX. Karaniwang gawain ito ng mga driver na tinatamad maghatid kapag kakaunti lang ang pasahero.
“Ah ganoon ba? Dito ka na lang sa harap umupo.”
Bahagyang nag-isip si Matet. Kinilatis niya ang driver na disente ang bihis at mukha naman siyang matino sa kanyang paningin. Sinunod niya ang suhestiyon ni Manong at tumabi si Matet sa kanya.
“Sino naman ang pupuntahan mo sa Cubao,” tanong ng driver. Kadalasang nakikipag-usap sa mga pasahero ang mga nagmamaneho ng taxi o FX. Pampatanggal daw ito ng lumbay.
“Wala ho. Pauwi na po ako,” tipid na sagot ni Matet.
“Saan ka ba umuuwi,” tanong ni Manong. Tila nanghihimasok na ang driver, pero hindi ito pinansin ni Matet.
“Antipolo po,” sagot ni Matet. Kahit na wala siyang interes kausapin ang driver, pakiramdam niya’y kailangan niya itong gawin para hindi siya ibaba sa kung saan mang kanto. Wala nang makukuhang pasahero kasi ang driver habang binabagtas niya ang EDSA, at mukhang nararapat lang na hindi siya dapat mabagot.
Pumarada ang FX pagdating sa may kanto ng Kamuning Avenue, malapit sa gasolinahan. May mga naglalakad pang mga tao sa kalsada, kung kaya naisip ni Matet na walang masamang mangyayari sa kanya.
Mayroon pala.
WORDS FOR MARUJA