NO! This cannot be! First runner-up lang ang aking betchiwang si Lucas Gil ng Braziu sa kakatapos lang na Mr. World 2007. I demand recount! RECOUNT! Chos!
Commercial Break/ Patalastas
1 04 2007Before we continue with my new posts, let’s pause for a commercial break.
Promise!
Comments : 2 Comments »
Categories : Blog Life, Imperial Resolutions, So Random
Empress Maruja, ang Usisera ng Philippine Blog Awards
1 04 2007Kakarating ko lang galing Makati. Salamat sa mga bumubuo ng Philippine Blog Awards at nakakuha ketch ng ticket ilang oras bago ang event. At least, may magandang ganap na nangyari sa akin kesa naman sa patulan ko pa yung booking kong hanggang pecking on the lips lang ang kaya noh! (Pangit naman kasi na pupunta ako sa isang malayong probinsya para lang ibigay ang lahat ng akin at halik sa labi lang ang mapapala ko. Gusto ko rin namang makaranas ng malaplapan!)
So siyempre, idol ko talaga si Azenith Briones ng Temptation Island dahil “late entrance, early exit” ang drama ketch. Ako yata ang huli sa registration, at ako rin yata ang huli sa pila. Saan ka pa?
Sad nga lang dahil hindi nakapunta si Svelte dahil may-offset nga ang sister. Dapat din sana may isa pa akong officemate/ blogger na sasama, kaya lang pagtawag ko sa funang kakagising lang daw niya. Yes, solo flight ang Empress. Good luck sa akin!
Mabilis namang naraos ang Awards Night. Masaya ang pa-raffle, happy ang mga winners, kaya lang hindi maiiwasang mapunahan ang low energy ng crowd. Bakit nga ba? Dahil ba likas lang talaga tayong mahiyain?
Alam niyo, may naisip akong dahilan…
Comments : 29 Comments »
Categories : Blog Life, Self
WORDS FOR MARUJA