Empress Maruja, ang Usisera ng Philippine Blog Awards

1 04 2007

Kakarating ko lang galing Makati.  Salamat sa mga bumubuo ng Philippine Blog Awards at nakakuha ketch ng ticket ilang oras bago ang event.  At least, may magandang ganap na nangyari sa akin kesa naman sa patulan ko pa yung booking kong hanggang pecking on the lips lang ang kaya noh! (Pangit naman kasi na pupunta ako sa isang malayong probinsya para lang ibigay ang lahat ng akin at halik sa labi lang ang mapapala ko.  Gusto ko rin namang makaranas ng malaplapan!)

So siyempre, idol ko talaga si Azenith Briones ng Temptation Island dahil “late entrance, early exit” ang drama ketch.  Ako yata ang huli sa registration, at ako rin yata ang huli sa pila.  Saan ka pa?

Sad nga lang dahil hindi nakapunta si Svelte dahil may-offset nga ang sister.  Dapat din sana may isa pa akong officemate/ blogger na sasama, kaya lang pagtawag ko sa funang kakagising lang daw niya.  Yes, solo flight ang Empress.  Good luck sa akin!

Mabilis namang naraos ang Awards Night.  Masaya ang pa-raffle, happy ang mga winners, kaya lang hindi maiiwasang mapunahan ang low energy ng crowd.  Bakit nga ba?  Dahil ba likas lang talaga tayong mahiyain?

Alam niyo, may naisip akong dahilan…

WALA KASING “BEST GAY AND LESBIAN BLOG.”  I’m sure hindi lang si Bryanboy ang magbibigay-buhay sa awards night na ‘yan kapag may ganyang category (at malamang kinarir ko talagang pumunta sa awards na naka-ball gown…huwag na lang, walang kakasya).

Biruin mo, ang category na ito ang magdadala ng sandamakmak na palakpakan, tawanan, tilian, hiyawan, kutsyaan, at bulyawan (“Bakla salot!”) all in one venue.  Saya nun ever!

Seriously, ang isang puna ko lang kung bakit medyo low batt ang mga utawski ay dahil hindi maramdaman ng ibang guest (gaya ko) ang “sense of community”.  Hindi ko naramdaman na nag-reach out ang mga organizers, maliban na lang siguro kung kilala ka nila.  Sayang, wala pa naman halos akong kilala.

So akechiwa na lang ang mag-effort.  Para ano na lang ang silbi ng pinasulat ko sa ID card na “Empress Maruja” imbes na tunay kong pangalan?  After ng awards night, nilapitan ko na lang ang mga blogger na binabasa ko at nagpakilala ako.  Nagulat si Jove nang malaman niyang katrabaho niya ang daddy ketch, habang gulat naman si Rick dahil akala niya all along babae ako.  Hindi na ako nagulat.

Hinanap ko si Joms pero mukhang hindi pumunta (napaka-unfair naman kasing isipin na kilala niya ako since college tapos ako hindi ko siya mamukhaan).  At, nagpa-picture ako kay Bryanboy gamit ang aking primitivong Motorola L6.  Kahit madilim ang pic, nakakatuwang tignan na nakayakap siya sa aking malapad na katawang dahan-dahang pumapayat (katas ng Pilates).

Nagkaroon din ako ng mga bagong kilala.  Salamat sa inyo.  Sensya na lang at kailangan kong magmadaling umuwi sa aking kaharian.  Strict ang parents ko kasi…CHOS!


Actions

Information

29 responses

1 04 2007
Philippine Blogging Awards 2007 at Sonnie’s Porch

[…] Empress Maruja Blogging, Pilipinas, The Philippine Blog Awardsspread the word:These icons link to social […]

1 04 2007
Bryanboy

hoy maldita ka sana sumama ka sakin noh solo flight din akis with miss aissa!!!!

deadma sa pilates madame!!!! ang solusyon para maging payat ay…………………………

magpadalaw ka key tita aida!!!

echos😉

1 04 2007
Jove Francisco

it was great meeting you, empress maruja! alam mo ba na ang ama mo ang araw araw nag aasikaso ng magiging dating ko sa mga manunuod. cheers sa kaniyang effort na ako ay papayatin sa telebisyon, hehehehe! payat pa ko at bata, siya na ang direktor ko. obviously matagal na rin yun hahaha!

1 04 2007
empressmaruja

@ Bryanboy – Oh my! Natawa ako! (at siyempre napapigil ako kasi ang Pudjay nasa likod lang) Actually nakita kitang naghihintay ng karu, eh baka may mga important ka pang abala kaya tuloy lang ako sa pag-fly. Glad to meet you!

@ Jove – Salamat, basta huwag mo lang sabihin na isang baklang blogger ang kanyang paboritong junakis. Chos!

1 04 2007
Marcvill

so ikaw pala yung nakita kong nagpapa-picture kay Bryanboy after the event…

maraming salamat sa iyong “feedback”. other than a lot of absent winners, napansin ko rin na at some points low batt ang mga tao.

sayang nga hindi natuloy yung balak ng mga organizers na magkaroon ng Human Bingo sa umpisa so that bloggers can get to know other bloggers… kapus sa oras!! first Blog Awards event ‘toh so next year will be better!!!

kung magkakaroon ng BEST GAY/LESBIAN BLOG AWARD, eh di dapat meron ding gay/lesbian judge!!! wala lang…

1 04 2007
bryanboy

marujabruja: maldita ka talaga. day hindi na ako nakapunta nung afterparty kasi natatae na ako hahahaha

marcvill: diba si manuel l quezon 3rd sisterette of the travelling jeans??? so deruhabits gay judge

1 04 2007
bryanboy

ANG CUTE NI JAYVEEE!!!!!

1 04 2007
Marcvill

@bryanboy: manolo is one of our clients. custom wordpress theme design ni gail yung blog nya… so NO COMMENT na lang ako… hehe

bagay nga kayo ni jayvee eh…

1 04 2007
bryanboy

may jowakels yata na si jayvee lol

1 04 2007
migs the manila gay guy

ay i was there too! sana nagpa-pityur tayo mga friends! i agree with empress, sana next time we have a gay/lesbian categ. si jayvee may jowa? girl ba ito — or…?

1 04 2007
empressmaruja

Mahina pang-amoy ko nung Sabado. Pero in ferlalou biway ang Koya Jayvee noh!

1 04 2007
migs the manila gay guy

mahina pang-amoy mo, empress maruja? may sipon ka nun? hahaha! yung katabi ko kinukulit ako about jayvee… amoy na amoy daw niya. sabi ko, he looks kinda like mr. bean kaya di ko type. hahaha! mas like ko pa si bikoy — soooo cute! hahaha!

1 04 2007
empressmaruja

Shhh…kunwari lang. Chos!

1 04 2007
mauipacquiao

bongga ka day!

1 04 2007
rick

Hey, hindi ako yun! Gibbs thought you’re a girl!

Twas finally nice to meet you.

1 04 2007
Lyka Bergen

Wala bang special number ang awards na toh? Zana meron dahil perform to the max kami kung imbetado.

1 04 2007
bryanboy

I THOUGHT GIBBS WAS A GIRL!!!

1 04 2007
Aileen

@marcvill: Hala ka!!!
@bryanboy: Single po si Jayvee🙂

2 04 2007
Sasha

You’re right, Bryanboy.. Jayvee IS cute, isn’t he? And yes, Jayvee is still single.😉

2 04 2007
empressmaruja

Jayvee’s single? Hmmmm…*grins with matching tapping of fingers*

2 04 2007
Eman

Isa ako sa di nakapunta dahil sa mabigat na dahilan [ family problem na worth seven digits), pero kahit ganun apprehensive ako na pumunta sa event kasi nga me dresscode pa silang gustong implement.

I wanted to see the people, the bloggers themselves, pero yun nga mababaw mang dahilan ang formal-semi-formal na dresscode, di ko maintindihan kasi sa webbie awards, halos come as you are ang mga tao.

Anyway, hope next year will be different.

2 04 2007
jomar

empress, sorry sorry talaga hindi ako masyadong naka-reachout sa iyo, sa inyo. next time talaga mag-wa-walkie-talkie na lang kami! would have been able to chat a lot if I had that para magdirect ng event.

Jomar, your awards night program director.

3 04 2007
Joms

Sayang, sana pala nagpakita ako. Yaan mo mahal na emperatriz, makikita mo rin ako no. Paano ba naman yang pangalan mo eh isigaw mo lang sa corridor ng AB, alam na ng lahat na ikaw yun.

4 04 2007
jayvee fernandez

hello to all! btw hindi na ako single🙂

7 04 2007
AJ Matela

sayang! dapat nagpunta ako. kung hindi lang ako nagcommit sa isang birthday party. hmp. alam ko na maruja, gawa na lang tayo ng Philippine Gay Blog Awards!

15 05 2007
Kuya lumier

maganda po ang blogsite mo. natuwa ako nung binasa ko. Malapit ko na matapos ang web/blogsite ko. tanong ko lang kung papayag kang i-link kita sa web/blogsite pag natapos na sya just like other pinoy gay bloggers. amateur pinoy gay/bi blogger hir. hehe..

u can check my profile sa friendster at http://www.friendster.com/lumier kaso nga lang wala pa kong pic dun. May dahilan yun.. cge po reply ka nalang by email or sa friendster ko.

2 06 2007
zine2hamster

bunny man 5 is here.. ^_^

4 06 2007
Fendi

Iam late again?!!!
Darn!
kiss
fendi

22 04 2008
Fendi

LAte na ba ako sa gyablog award nato? nasaan na ang cosolidation prize ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: