Empress Balita: Tabloid Kaloka #1

5 01 2009

Kaloka talagang magbasa ng tabloid! Bukod sa nakakatanggap ka ng pinakasariwang manufactured na tsismis mula sa mga pinakatsipanggang bayarang writers, lumalawak talaga ang iyong knowledge about how our third-world showbizlandia works.

Kaya keto ang bagong segment ng Empress Balita, ang Tabloid Kaloka na naglalaman ng mga nakakaaliw na sidelights hatid sa inyo ng ating D-listed celebs. Hawak ni Empress Maruja ngayon ang Enero 5-6 issue ng Pinoy Parazzi, ang hottest tabloid this side of town, at narito ang mga ginintuang aral ng showbiz.

“Kung manlalait ka rin lang, sabayan mo ng promote!”

Mainit ang butsi ng former Mister Gay Philippines na si Robby Tarroza na narinig niyang kachuvahan ni Mo Twister na kesyo misleading ang kanyang ad campaign para sa Glutamax kung saan image model (of all people) ang komedyanang si Jinky “Bale” Oda.

(Image courtesy of Pep.ph)

O devah? Parang nagsasabing “Habang may Glutamax, may pag-asa?”

So siyempre hindi lahat kumbinsido (ako naniwala huh), at hetong si Mo Twister nagpasaring sa kanyang radio program na diumano hindi naman daw talaga si Bale ang nasa “before” photo.

Natural may magre-react at ito ay walang iba kundi ang brainchild ng ad campaign na si Robby. May-I-text siya kay tsismis-maker Pilar Mateo ng kanyang tirada:

“Aawayin ko ang Mo na ‘yan. Asikasuhin niya muna ang pagpapaputi sa maitim niyang singit at bayag bago niya pakialaman si Jinky. Try niya muna Glutamax at baka tumangos pa ilong niya! Under pay roll ba ‘yan ng competitor? Nagpapapansin lang ‘yan para may mag-sponsor ng nose job niya. Baka gusto niya sponsoran ko na rin skin lightening niya.”

Very tactful ang reaction, devah?

**********

“Sam Milby at Piolo Pascual, magkarelasyon sa mata ng Diyos!”

Mula sa panulat ni Julie Bonifacio na pinamagatang “Sam Milby, puntirya ang next level ng kanyang Christian faith!”:

“Bukod sa talent-manager relationship nina Erick (Raymundo) at Sam (Milby), magkasama rin sila sa isang bible study group. Isang leader si Erick sa kanilang Christian church at dini-disciple niya noon si Sam.

“Pero n’ung naging manager na ni Sam si Erick, nagdesisyon siya na ihanap ng ibang magdi-disciple kay Sam as a Christian na very dedicated din sa pagse-serve kay Lord. Alam kasi ni Erick na (in one way or another), posibleng magkaroon ng conflict sa kanila ni Sam bilang manager at nagdi-disciple sa kanya.

At nakita ni Erick who’s fit para i-disciple si Sam at ‘yun ay walang iba kundi si Piolo Pascual na isa talagang man of God. Very dedicated daw talaga si Piolo sa pagse-serve kay God at sa pagbuo nila ng bible study group among showbiz celebrities…”

Panalo sa subliminal message, noh?

**********

“Kahit pokpok man ay may hiya rin!”

Mula sa panulat ni Ambet R. Nabus tungkol sa pag-amin Dr. Hayden Kho sa “for fun” na affair nila ni Katrina Halili:

“Galit na galit si Katrina Halili sa isang new program kung saan nagsalita siya finally laban kay Dr. Hayden Kho.

‘Inilaglag na nga niya ako, pinalabas pa niyang cheap ako sa pagsabi niyang for fun lang ang lahat,’ ang bahagi ng litanya ni Katrina Halili bilang sagot sa napaulat nang pag-amin ni Dr. Kho sa diumano’y naging affair nila.”

Bakit, Katrina, ano ba ang intensyon mo noong nagpatinterong pahalang kayo ni Dok Hayden sa basement ng ospital? Magpa-checkup at baka may love-nat ka’t kinailangan mo ng kiss-pirin at yakap-sul? Idagdag natin ang iwas-libel na “‘Yun ay kung totoo ngang nangyari.”

***********

Abangan sa mga susunod na araw ang iba pang nakakapampabawas ng brain cells na Tabloid Kaloka!


Actions

Information

One response

6 09 2010
edward

NIce chika.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: