Empress Balita: Warlahan on da Dance Floor!

29 10 2008

Naku, mga Marce. Medyo on hold muna ang aking Empress Balita Podcast Edition dahil sembreak ng bunso at naritets siya sa balaysung. Najiya lola niyo bigla, pero don’t worry dahil resume classes itets next week!

In da meantime, maloka tayo sa mga nag-iinit na balita na umuugong sa maliit, tsipangga, at ubod ng babaw na mundo ng showbiz. Headline ngayong linggo ang napabalitang umbagan between Richard Gutierrez at Aljur Abrenica.

Sinetch si Aljur Abrenica, tanong ni Kumareng Kiks. Si Aljur ang isa sa winners ng fourth season ng StarStruck, ang artista search ng GMA na siyang pinanggalingan nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Iwa Moto, at Marky Cielo. Itets siya oh!

Oh, bakla magnet devah?

Anyway, heto ang balita: Muntikan raw magkajumbagan sina Aljur at Richard Gutierrez sa isang susyal-susyalang bar sa Makeddi. Galing diumano ang dalawa sa enggrandeng opening party ng mga bagong studio ng GMA Network nang magtungo sila, in separate groups, sa Fiamma Bar. Ayon sa mga seksing saksi, kasama diumano ni Aljur ang kanyang StarStruck co-winner na si Jewel Mische, at tila may intention daw ang gerlalou na paselosin si Asero. One thing led to another hanggang binatukan daw ni Richard ang ulo ni Aljur at doon na raw magsimula ang tulakan, abutan ng manggas, at kung anu pang kacheapan between two guys. Buti na lang at pinag-awat sila ng kani-kanilang mga kaibigan.

Wa pa ring statement si Aljur, ngunit inamin naman ni Chard na may “di-pagkakaunawaang nangyari.” Kaya lang, ibang-iba ang kuwento niya sa mga salaysay ng mga nakaseksi. Ayon kay Richard, magalang daw niyang pinaaalis si Aljur na nakikiinom mula sa kanilang mesa dahil hindi siya invited sa grupo ni Chard. Itinanggi rin niya na naroon sa eksena si Jewel.

Ang say ni Empress: Bakit hindi nagsasalita si Aljur? “Roxanne Guinoo” rin ba ang kanyang drama, na tatahimik na lang sa isang tabi para walang makabanggang artista na knows ng lahat ay buo ang suporta ng mga dingga sa GMA? Naku huh, knowing Richard and that The Fort incident, wiz na tayo magtaka.

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: