Empress Maruja, ang Usisera sa Chicane in Manila 2008 concert

4 10 2008

Bakit napakalungkot ni Empress? Ganito kasi ‘yun.

Umattend kasi ang Empress sa concert ng Chicane sa World Trade Center noong September 27, eksaktong one week na ang nakakalipas. Sa mga walang idea kung anekchi ang Chicane, ganitets ang sound nila.

Bengga devah? Kaya naman sodom gumora si watashi sa event na itets, together with an officemate and her friend (na wa sa mga pics, I’ll explain later).

Anyway, nagkita-kita kaming tatlo sa venue at pila balde para makabaysung ng tiketam. Day, one-eighth ng suweldo kets ang presyo, kamusta naman?

Puno ng mga utaw ang loob, and as usual halo-halo. Nandoon na ang lahat ng uri ng adik: adik sa clubbing, adik sa dance music, adik sumayaw, adik sa alak, adik magpapansin, adik makabooking ng afam, at kung anik-anik pa.

Umpisa pa lang ng concert, parang may nagbabadya na’ng problem. May fireworks chuva ang letters ng “CHICANE” na hindi naman lumiyab. Well, at least wiz kami matutulad sa Ozone.

Bengga talaga ng performance ng Chicane, kaya lang napapansin na namin na some kinda may kapangitan ang sound system. May time na lumaktaw sa tiyempo, pumuputok ang speakers, at itech ang ultimate.

Dalawang beses namatay ang speakers. Grrr talaga, grrr… Kaya naman nang umakyat uli ang banda, last song na ang kinanta.

As in wala pang one hour silang nag-perform at nagpaalam na sila habang kami naman sa awdyens ay umaatikabo ang pagsigaw ng “NO” at “REFUND” (well, sila… hindi kami).

Ano’ng sumunod na nangyari? Hayun, extended ang duty ng DJ habang pinipilit na buhayin ang mga utaw na dahan-dahang nalalagas. The three of us stayed dahil sayang nga naman ang ticket, hanggang sa wiz na makayanan ng friend ng officemate ang pagod at nagpahinga sa labas. Kami namang dalawa? Hayun, papiktyur galore.

Binabatiti ko nga pala ang aking ex-officemate at ang kanyang juwa na naroon din sa party. Nagbabasa pala sila ng blog kets.

Advertisements

Actions

Information

5 responses

5 10 2008
kengkay

ay, nagwalk out ang banda? bakit naman daw ganun ang nangyari sa concert na ire?

7 10 2008
Empress Maruja

@ kengkay – I guess hindi talaga handa ang organizers sa band set-up. Nasanay na sila kasi sa puro DJ lang ang guest, eh iba naman ang needs siguro kapag banda na devah?

7 10 2008
lykabergen

Isang oras lang? Leche sila! Chos!

I Lyk Chicane….. Especially yung Autumn Tactics and No ordinary Morning. So napasayaw ba ang Mariuja?

11 10 2008
Juwa ni Ex Officemate

korek! bitin na bitin ako nun! di bale, poker night na next week. bawi tayo 🙂

11 10 2008
Empress Maruja

@ Juwa ni Ex Officemate – Yes, Mare. Go ako sa poker night. Magdala na rin kaya ako ng madjong kit? Charing!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: