Mga Tawag ni Direk kay Empress Maruja

30 09 2008

Inspired ang post na ito sa mga totoong pangyayari. Hindi ganito ang aktuwal na pag-uusap namin ni Direk.)

16 na oras bago ang deadline…

DIREK: Hi Maruja!

EMPRESS: Hello Direk!

DIREK: Kamusta na ang storyline na binigay ko?

EMPRESS: Direk, may mga dinagdag sana akong mga element. Naisip ko kung puwede ‘yung flashback parang theatrical.

DIREK: Paanong theatrical?

EMPRESS: As in nasa stage ‘yung mga actor habang nangyayari ‘yung nakaraan.

DIREK: Parang Dogville?

EMPRESS: May ganoon na ba?

DIREK: Kasi doon ‘yung set nila parang puro mga white lines lang.

EMPRESS: Well, hindi naman po ganoong kaminimalist.

DIREK: At saka, paano natin madya-justify ang ganyang flashback?

EMPRESS: Kunsabagay.

DIREK: Gawin na lang natin kayang parang komiks?

EMPRESS: Maganda po ‘yun, Direk!

DIREK: Tipong mahilig magbasa ng komiks ang bida.

EMPRESS: Tapos po kada eksena, isang frame na po ‘yun ng komiks.

DIREK: Tell me honestly, maganda ba vibes mo dito?

EMPRESS: Honestly Direk, mas gusto ko ‘yung una nating sinabmit.

DIREK: Ako rin, kaya lang baka hindi ‘yun ang mapili. So kailan mo matatapos ang sequence treatment nito?

EMPRESS: Hopefully matapos ko po siya bago mag-lunch mamaya, kaya lang siyempre may work pa ako ngayon.

DIREK: Kasi ako aalis ako from my place bandang 11:30 a.m. Sana madala mo siya sa e-mail mamaya bago ako umalis.

EMPRESS: Sige po. Direk…

DIREK: Bakit?

EMPRESS: Sorry nga po pala kung ngayon ko lang ito inasikaso.

DIREK: Okey lang ‘yun.

**********

8 oras bago ang deadline…

DIREK: Hello Maruja

MARUJA: Direk, ako na lang po ang magsasabmit nito. Hindi ko po ito matatapos ng alas-11.

DIREK: May sample work ka na ba?

MARUJA: Well, tumawag ako sa kanila kanina. Ang sabi nila, indicate ko na lang daw sa application form na writer ako, pero kapag napili daw ang entry natin, papahingan ka na lang nila ng sample work mo bilang direktor.

DIREK: Hmmm… handa na kasi ang sample work ko dito, saka kung okey lang sa ‘yo ako na lang ang mag-submit ng entry natin?

MARUJA: Okey lang, Direk. Naintindihan ko.

DIREK: So ano’ng oras mo matatapos ang sequence treatment?

MARUJA: This afternoon na, pero definitely hindi tayo male-late sa deadline. Ise-send ko sana sa ‘yo by e-mail, kaya lang kakaputol lang ng Internet ko.

DIREK: Oh great!

MARUJA: Don’t worry! Pupunta ako diyan.

**********

5 oras bago ang deadline…

DIREK: Maruja…

MARUJA: Hi Direk!

DIREK: Matatapos ka na?

MARUJA: I’m in the zone, Direk. Nagpo-flow na ang utak ko for this.

DIREK: Okay, so what time tayo magkikita?

MARUJA: I’ll be there at around 5 to 5:30.

DIREK: Sige, text mo lang ako kung papunta ka na. Nandito na ako sa venue.

**********

4 na oras bago ang deadline…

DIREK: Tapos ka na, Maruja?

MARUJA: Malapit na po akong matapos, Direk! Ilang sequence na lang.

DIREK: Paano ka nga pala pupunta sa venue? Ang layo ng inyo mula dito.

MARUJA: Sasakay ako ng MRT, Direk. Tapos kukuha na lang ako ng taxi pagdababa.

DIREK: Hindi ka magdyi-jeep?

MARUJA: Direk, may pera na ako kahit papaano.

**********

2 oras bago ang deadline…

DIREK: Nasa MRT ka na, Maruja?

MARUJA: Tapos na po ako, Direk! Pini-print ko na lang.

DIREK: Okay. Pasensya na kung nangungulit ako. Excited lang.

**********

1 oras bago ang deadline…

DIREK: Nasaan ka na?

MARUJA: Nasa MRT na ako, Direk.

DIREK: Ows, talaga?

MARUJA: Oo nga.

DIREK: Bakit parang hingal na hingal ka?

MARUJA: Kasi hinabol ko ang MRT bago magsara ang pinto.

DIREK: So saang station ka na?

MARUJA: North Avenue. Heto nga’t umaandar na.

DIREK: Mga 5:30 nandito ka na?

MARUJA: Definitely!

**********

40 minuto bago ang deadline…

DIREK: Nasaan ka na?

MARUJA: Guadalupe Station na, Direk.

DIREK: Ayan, malapit ka na.

**********

20 minuto bago ang deadline…

DIREK: Nasaan ka na?

MARUJA: Heto’t kakasakay ko lang sa taksi.

DIREK: Nasaan na ‘yung taxi?

MARUJA: Nasa tapat na siya ng World Trade Center.

DIREK: Tumatawid na ba kayo ng intersection?

MARUJA: Tumatawid na, Direk.

DIREK: Pasensya kung nangungulit, excited lang ako.

MARUJA: Okey lang po, Direk.

DIREK: Nasaan ka na ngayon?

MARUJA: May nakikita na po akong Legend Hotel.

DIREK: Malapit ka na ba sa intersection?

MARUJA: Heto kakatawid lang ng taksi.

DIREK: Nandoon na ba kayo sa papaliko?

MARUJA: Papaliko pa lang. Heto kakaliko lang.

DIREK: Okey, papaunta na rin ako sa entrance ng venue. Ako ‘yung naka-pink na guwapo.

MARUJA: Ang hirap namang hanapin ‘yun.

DIREK: Ako lang naman ang guwapo doon. So nasaan ka na?

MARUJA: Nakikita ko na ‘yung “pulis.”

DIREK: Aling “pulis?”

MARUJA: ‘Yung signboard na may “PULIS.”

DIREK: Heto, tumatawid na ako. Malapit na ako sa venue.

MARUJA: Nakikita na kitang tumatawid.

DIREK: Nakikita na rin kita.

**********

Naisumite namin ni Direk ang aming pangalawang entry 10 minuto bago ang deadline.


Actions

Information

One response

30 09 2008
JOHN

i have no idea what they are talking about but im pretty sure that it is something interesting!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: