Karina Montefalcon (Part 9)

29 09 2008

(Basahin ang Part 8 dito.)

Nagulat ang dalawa sa nangyari. Hindi inaasahan ni Jonred na makakahalikan niya sa labi ang kanyang kaibigang si Ronnie, isang kaibigang hindi hiyang sa mga bakla. Ngunit malalim na ang pinagsamahan ng dalawa, mas pinili ni Ronnie ang kaibigan higit sa kanyang konserbatibong paniniwala.

Hindi makaimik ang dalawa. Hindi makapagsalita. Sa isang iglap, biglang bumitaw si Jonred mula sa pagkakayakap kay Ronnie.

“Sorry hindi ko sinasadya,” mabilisang sinambit ni Jonred. Nakayuko ang kanyang ulo sa hiya’t takot sa kung anuman ang magiging reaksyon ni Ronnie.

Ilang sandali pa’y sumagot din si Ronnie. “O… okey lang. Hindi mo naman sadya eh.”

Pinilit ibahin ni Jonred ang diskusyon. “So, hanggang kailan ka dito sa Santa Praxedes?”

“Bukas ng gabi,” sabi ni Ronnie. “Babalik uli ako ng Mindanao.”

Mula sa takot at hiya, napuno naman ng pag-aalala si Jonred sa kanyang kaibigan. “Ingat ka lagi, huh?”

“Oo naman,” sagot ni Ronnie. “Hindi naman ako tatagal sa giyera kung hindi ako maingat.”

“Siya, hinihintay na ako ng mga nasa party. Siguradong nag-aalala na sila,” sabi ni Jonred.

Nilagpasan ni Jonred si Ronnie, naglakad patungo sa party na inihanda ng alkalde sa kanya. Subalit hindi man siya nakakalayo’y hinatak ni Ronnie ang braso ni Jonred. Napalingon si Jonred.

“Bakit,” tanong niya.

Tumitig nang matagal si Ronnie, tila malungkot. “Ingat ka rin,” sabi niya. “Alam kong magiging mas mapanganib sa giyera ang haharapin mo.”

“Naiintindihan ko,” sabi ni Jonred.

“Lalo akong natatakot kasi wala ako sa tabi mo para protektahan ka,” sabi ni Ronnie.

Napangiti si Jonred. “Ronnie, ang tanda ko na. Kaya ko nang alagaan ang sarili ko.”

Dahan-dahang hinaplos ni Ronnie ang mukha ni Jonred. Nanginginig ang kanyang kamay sa kaba, hindi niya mawari kung bakit niya ginagawa ito. Tila may kakaibang puwersa na humihila kay Ronnie, at mula sa paghaplos sa mukha ay sinundan ng mabagal na paglapit ni Ronnie sa mukha ni Jonred.

Kinabahan si Jonred, tila hahalikan siya ni Ronnie. Gusto niyang umayaw, ngunit umiral ang kanyang binabaeng pag-iisip: Bakit mo tatanggihan ang grasya?

Tinanggap ng mga labi ni Jonred at paglapat ng malambot na bibig ni Ronnie. Marahan ang kanilang halikan, halikang ginagawa ng mag-asawa na dahan-dahang nagiging mas marahas at agresibo. Hinaplos ni Ronnie ang balingkinitang baywang ni Jonred, habang humawak ang kahalikan sa matikas na mga braso ng lalaki. Bumitaw mula sa pakikipaghalikan si Ronnie at hinila si Jonred paikot sa likod ng kapilya, kung saan walang makakakita sa kanila sa ilalim ng madilim na gabi.

Isinandal si Jonred sa pader ng kapilya, binakuran ng mga braso ni Ronnie. Naglapatan muli ang kanilang mga labi, mas agresibo kaysa sa unang halik. Binaba ni Ronnie ang kanyang labi at sinimulang halikan ang leeg ni Jonred na nakaramdam ng matinding kiliti. Humaplos naman ang mga kamay ni Jonred sa dibdib ni Ronnie pababa sa kanyang tiyan. Hinatak niya ang suot na t-shirt ni Ronnie at inihubad ito, habang nakasilid na ang mga kamay ni Ronnie sa ilalim ng blouse ni Jonred at hinaplos ang kanyang malusog na dibdib.

“Para ka talagang babae, Jon,” sabi ni Ronnie.

Tila nagpaalab sa apoy ni Jonred ang mga salitang binitawan ni Ronnie. Bumaba ang kanyang mga kamay sa pantalon ng sundalo, hanap-hanap ang sinturon upang hubarin. Pinigilan ni Ronnie si Jonred, hinawak sa balikat at pinadapa sa pader ng kapilya. Itinuloy ni Ronnie ang planong paghubad ni Jonred sa kanyang pantalon.

Samantala, sa di-kalayuan, maririnig ang mga sigaw ng mga taong malapit kay Jonred. Hinahanap na siya ng kanyang ama, ni Mylene, ni alkalde, at ilang mga kaibigan.

“Jon, nasaan ka,” sigaw ni Mang Berto. Karina naman ang tawag ni Mylene.

“Hayun si Jon,” sigaw ng isang kaibigan, sabay turo sa kapilya.

Mula sa kapilya, naglakad patungo sa kanila si Jonred na may ngiti sa kanyang mga labi.

“Ano nangyari sa ‘yo,” tanong ng ama.

“Hindi ka ba inano ni Ronnie,” tanong ni Mayor Marga.

“Nagkaayos na kami ni Ronnie,” sabi ni Jonred. “Magkaibigan pa rin kami.”

(Wakas ng Kabanata 1)

(Abangan sa susunod na linggo ang umpisa ng Kabanata 2)

Advertisements

Actions

Information

4 responses

29 09 2008
Karina Montefalcon (Part 8) « Empress Maruja

[…] (Basahin ang Part 9 dito.) […]

29 09 2008
mariko

soft porn! ang saya!!! chos! ituloy ang ligaya!

30 09 2008
eiwow

Kakabitin!

3 10 2008
chuchucaracas

“Hindi ka ba inano ni Ronnie” tanong ni Mayor Marga.
“Inano nga po” Jonred

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: