Mandaya Moore-Orlis, Revealed by Empress Maruja

23 09 2008

Nasa itinerary ni Empress Maruja na makipagkita kay Kiks na ilang linggo na nandito’t rumarampage sa Metro bilang bahagi ng kanyang R&R (bakasyon nga ba ‘yun Mare o part ng work mo?). Sa mga wa pa knows, nakabase sa Hong Kong ang Lola Kiks at itets ang magiging first time naming magkita.

Pero habang nasa balaysung akets nagwatchiley ng Startalk, nagtext si Kiks. Naritets din pala sa Manila ang mga Mindanao blogger na sina Bananas at ang ever famous bayot sa bukid na si Mandaya Moore-Orlis.

Si Mandaya na marahil ang isa sa pinakainiidolo ng mga bayot bloggers sa Pilipinas at kabilang na ang watashi. Imagine, Empress na nga akets sa kalagayan ko pero knowsung kong may mga bloggerang mas bengga pa ang status kumpara kay watashi. Reader na ako ni Mandaya kahit noong wala pang Orlis ang kanyang surname, at matagal-tagal rin ‘yun.

Very intriguing kasi ang mga kuwento niya na kadalasang kasangkot ang iba pang mga bayot sa bukid na kanilang kinatitirhan. Kung first time reader ka, magtataka ka: “Totoo ba ang mga kuwentong ito?” Pero habang tumatagal matatangay ka na rin sa kanilang mundo, makaka-relate ka sa kanilang mga kachuvahan hanggang sa puntong hindi mo na iniisip kung totoo ang bukid, si Sister DJ, ang iced water na pinanghugas sa condom, ang backless gown na binili sa ukay-ukay sa halagang 5 piso, ang sexcapade sa CR ng barangay hall, at iba pang mga elementong animo’y hinalungkat sa kailalimlaliman ng utak.

Paminsan-minsan I wonder ang drama kets, sino ba si Mandaya Moore-Orlis? Bakit never niyang nire-reveal ang kanyang identity? Nai-imagine ng lola niyo, base sa kanyang mga post at mga comment sa ibang mga blog, na isa siyang NGO worker at malamang dati ring aktibista.

Nagkita kami ni Kiks sa TriNoma, naglaro ng Super Trivia at nawalan ng freshness sa Dance Dance Revolution sa Timezone. Afterwards, sumakay kami ng MRT at pinag-usapan ang pinapalano nilang bagong gay blogging community na hindi isang directory lamang. Malakas ang interes ng lola niyong makasali ditets.

Nagtungo kami sa Greenbelt 3. Mas convenient kasi kina Bananas at Mandaya kung sa Makati kami magkikita-kita. Nakaabang kami sa second floor, sa itaas ng Cafe Havana, tanaw ang malawak na fountain area. Makalipas ng ilang minutong paghihintay at pakikipagchikahan kay Kiks, dumating ang dalawang Mindanao blogging beauties.

“Kita namin kayo mula sa baba,” bati ng isa sa dalawa. Siya pala si Mandaya Moore-Orlis.

Na-excite ang lola niyo. Napayakap bigla kay Idol. Mahabang getting-to-know-you ang sumunod.

“Nakakapanibago ang lapag dito sa Greenbelt,” sabi niya. “Nasanay ang paa kong nakaangkla sa lupa,” with matching hand gesture na parang kuko ng Philippine eagle.

Nagpiktyuran kami pero dapat by threes lang. Hindi raw puwedeng group picture dahil hindi raw dapat mabisto ang identity ni Mandaya. Hindi ko maintindihan kung bakit noong una. Marahil siguro’y nagtatrabaho si Mandaya sa gobyerno, baka konsehal.

Lumaps ang mga bakla sa Kitchen, at naghanap ng taxi papuntang Malate para doon naman magnomoan. Habang papalakad kami patungo sa pila ng taxi, ibinigay ni Mandaya sa akin ang kanyang calling card. Nanlaki ang mga mata ko. Siya pala’y walang iba kundi si…

si…

si…

quiet na lang ako.

Advertisements

Actions

Information

14 responses

23 09 2008
ate sienna

kakaloka! bitin pa rin. hehehehe

23 09 2008
Lyka Bergen

Tse! Inggit ako sa EB na toh!

23 09 2008
mrs.j

kaloka! e asa glorietta lang din me ng mga oras na iyon!

grrr!~

sayng nmn.. o well d bali mgkakaroon nmn ulit diba ng grand eb?

23 09 2008
reyna elena

leche! kala ko me litraks! hahaha! nakaisa ka!

wen ba ang gay blogging community na to? just let me know! kaya lang di kaya mapawarlu ako nang todo sa community na yan? ewan ko ba! magnetized ang lola nang mga guerillas! i mean, if it’s ok with you guys na umuusuk minsan ang entries ko, ok lang hahahaha i mean, not all the time naman me topak ang entries ko hehehe

23 09 2008
Empress Maruja

@mrs j – hopefully within the year, pero paplanuhin ko pang pumunta ng bukid sa December. Baka gusto mo ring mag-join?

@ reyna – Mare, motto nga ng community na itets: We discriminate those who discriminate.

23 09 2008
gibo

na sya talaga si goldilocks na may ari ng malaking oven?

23 09 2008
Kiks

na sya si Mandy Moore talaga!

Namisspell nya lang and hindi nya nakayang mapalitan pa.

For integrity!

23 09 2008
reyna elena

Mare, motto nga ng community na itets: We discriminate those who discriminate. BWAHAHAHA!!! ME LOVE IT LONG TIME NA! hahaha! Mukhang tinamaan mo! hahaha!

24 09 2008
mandayamoore

hahahaha!

24 09 2008
Mugen

Waaah bitin.

Alam mo ba na sobrang nadala mo ako sa iyong protesta doon sa “directory,” hanggang ngayon eh nananaig pa rin sa akin ang mapariwara sa blog space. Ngayong alam ko na kung ano ang iyong stand, may paninindigan na rin ako.

24 09 2008
bananachoked

ikaw pala si empress…
nice meeting you.
char.

25 09 2008
alasais

Hello Empress,

Ako nga pala si Tem-i, miyembro ng bagong blog boyband na ALASAIS. Impressed naman ako sa mga sulatin mo. Keep writing with your own style. Madaming humahanga sa mga blogs mo.

Tem-i of Alasais

P.S. If you have some time, feel free to read our weekly blogs at alasais.wordpress.com

1 10 2008
The Zen Bitch

kakainggit!

4 10 2008
Ang Naudlot na Press Conference, Starring Empress Maruja « Empress Maruja

[…] Empress Maruja 3 10 2008 Bago gumora ang mga bekla sa Malate para sa continuation ng aming eyeball-slash-chikachika, nagpapiktyur muna ang mga hitad. At dahil shy si Mandaya, siya ang aming naging official event […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: