Karina Montefalcon (Part 8)

22 09 2008

(Basahin ang Part 7 dito.)

Napuno ng tensyon ang party.  Natahimik ang lahat, ang iba nama’y nagtataka kung sino ang lalakeng nasa gate na nag-aanyaya sa Jonred na makausap nang silang dalawa lamang.

“Yikeee,” nagsimula namang manukso ang mga dating kaklase ng dalawa.  Pinatahimik sila ni Mylene.  “Seryoso ito,” sabi niya.  Nakatingin lang kay Ronnie si Jonred, walang kaimik-imik.  Nasa likuran niya ang kanyang si Mang Berto, handang protektahan ang kanyang anak.

“Huwag mo na munang kausapin, Karina,” sabi ni Mylene.  “Lasing ang tao, baka mapaano ka.”

Huminga nang malalim si Jonred, ipinikit ang kanyang mga mata’t tinignan muli si Ronnie.

“Sasama ako.”

“Pero Jon,” sinubukang pigilan ni Mang Berto ang anak.

“Ayoko lang magkagulo,” sagot ni Jonred.  “Marami rin akong gustong ipaliwanag sa kanya.”

Dahan-dahan siyang lumapit patungo sa gate kung saang naroon ang kanyang kababatang nakasalamuha niya sa bus paluwas ng Santa Praxedes.  Nais niyang ipaliwanag na ang kanyang itinuturing na matalik na kaibigan ay nagbago na ng anyo.  Na si Jonred noon ay isa na ngayong nilalang na kinamumuhian ni Ronnie.  Sa kasamaang palad, hindi niya ito inamin kaagad.

“Tara,” sabi ni Ronnie kay Jonred sabay lumakad palayo.  Naging sunud-sunuran naman si Jonred habang naglalakad sa likuran ng kanyang kababata.  Nagtungo sila sa tabi ng isang maliit na kapilya di-malayo mula sa pinangyayarihan ng party.

Sumandal sa pader si Jonred, kaharap niya si Ronnie na puno ng galit at pagkalito.

“Ano’ng ginawa mo,” tanong ni Ronnie.  “Ano’ng ginawa mo sa sarili mo?”

“Sariling desisyon ko ito, Ronnie,” sagot ni Jonred.  “Kahit noong bata pa tayo, alam kong hindi ako katulad ng ibang mga lalake.  Wala akong mapagsabihan, wala akong malapitan kahit ikaw.”

Tahimik lang si Ronnie, nakikinig.

“Pakiramdam ko nakakulong ako at napakalungkot ng kulungang iyon.  Nang magkolehiyo ako sa Maynila, doon ako nakaramdam ng kalayaan-”

“Kalayaan sa pamamagitan ng pagkukunwari,” tanong ni Ronnie.

“Ronnie, hindi ito pagkukunwari,” sagot ni Jonred.  “Nagpapakatotoo ako.  Oo, heto ang totoong Jonred.  Patawad kung hindi ko ito sinabi sa iyo kaagad.  Ayokong mabigla ka.  Planong ko talagang sabihin sa iyo ang totoo, pero hindi sa ganitong paraan.”

Hinintay ni Jonred kung may sasabihin si Ronnie, ngunit tahimik siya.

“Alam kong marami tayong pagkakaiba noon pa man at lalo lang tayong naging magkaiba ngayon, ngunit sana hindi magbago ang pagkakaibigan natin.”

Hinintay muli ni Jonred kung may isasagot si Ronnie.

“Kahit noong bata pa tayo, napapansin ko na hindi ka katulad ng iba nating mga kaibigang lalake,” sabi ni Ronnie.  “Mahinhin ka, iyakin, lampa.  Pero akala ko noon ‘yun ay dahil mahina ka lang.  Nakakarinig na ako noong ng mga tukso laban sa ‘yo, pero hindi ko pinansin ang mga iyon.  Kaibigan kita, at alam ko mas kilala kita kumpara sa mga sigang iyon.  Huli na nang malaman kong totoo pala ang mga iyon, na isa ka ngang bakla.  Naisip ko, ‘siguro kaya hindi niya inamin kaagad kasi alam niyang hindi ako hiyang sa mga bakla.'”

“Tama ka,” sabi ni Jonred.  “Natatakot lang ako na baka…”

“Kaibigan kita, hindi kita sasaktan,” sabi ni Ronnie.  “Oo, hindi pa rin ako hiyang sa mga bakla, maliban lang sa ‘yo.”

Napayuko sa hiya si Jonred.  “Salamat, Ronnie, at naintindihan mo ako kahit papaano.”

“Nakakapanibago lang,” sagot ni Ronnie.

Niyakap ni Jonred si Ronnie nang mahigpit bilang pasasalamat.  Aktong hahalikan niya ito sa pisngi nang lumingon sa kanya si Ronnie at nagkahalikan sila sa labi.

**********

Ano ang dapat gawin ni Jonred sa susunod na tagpo?

a) Manatili sa pagkakayakap kay Ronnie

b) Bumitaw mula pagyakap kay Ronnie.

Mag-comment para sa inyong kasagutan.

**********

(Basahin ang Part 9 dito.)

Advertisements

Actions

Information

9 responses

22 09 2008
vincent

naku naman ang haba ng novela m….nabibitin aq….tapusin n kc kng anu nangyari sa kwento m…

22 09 2008
chuchucaracas

in fairness kinikilig ako ahihihi

22 09 2008
Kiks

a.

22 09 2008
mariko

B!

23 09 2008
Binibining Pilipinas Universe

b!
girl! dapat pakipot muna noaaahhhh!

24 09 2008
Kotsengkuba

hahaha, eto pala yung Karina Montefalcon dun kay Reyna. kala ko current events, nobela pala. ayos!

dun ako sa B. bumitaw at magkunwaring nalaswaan sa mga nangyari 😉

25 09 2008
jase

Mananatili sa pagyakap kay Ronnie… at ituloy ang labi to labi ….

27 09 2008
alasais

http://alasais.wordpress.com/cubao/

Magugustuhan mo ‘to.

-Tem-i of Alasais

29 09 2008
Karina Montefalcon (Part 9) « Empress Maruja

[…] Karina Montefalcon (Part 9) 29 09 2008 (Basahin ang Part 8 dito.) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: