Empress Balita: Charice Pempengco, nakipag-duet kay Celine Dion!

18 09 2008

Natupad sa wakas ang pinapangarap ni Charice Pempengco na makaduweto ang international diva na si Celine Dion.  Si Dion mismo ang mag-imbita kay Charice na dumalo sa kanyang concert sa Madison Square Garden nang kamakailang nag-guest muli ito sa Oprah Winfrey Show.  Inawit nila ang “Because You Loved Me” na isa sa mga mahihirap na awitin ni Dion.

As usual, hindi nawala sa mga Pinoy ang maghanap ng puna, kesyo bakit tila naging “solo number” ang naganap na hindi man lang nakiramdam si Charice na may kaduweto pala siyang katabi.  Hay naker, deadma na noh, minsan lang mangyari ‘yan sa tanang buhay niya.  Pagbigyan na lang natin siya.  Eh tayo nga, hanggang pangarap pa ring makaduweto si Celine Dion.

On a side note, isang malaking kabogera si Oprah Winfrey! Sa sobrang wili niya sa talento ni Charice (yes, ‘yan ang screen name ni Pempengco sa Amerika), si Oprah na mismo ang nagprisintang manager ni Charice sa Tate! Kalokah ka, Oprah! Tinalo si Ellen DeGeneres na siyang unang pinag-appearan ni Charice sa US!


Actions

Information

9 responses

18 09 2008
Reyville of Simply Manila

Gosh, I love it.

18 09 2008
ocap

i was an ofw here in caribbean and im really really proud of charice because i’m a filipino. just one comment lang sa mga kababayan nating pilit na hinihila sya pababa. about the words na “solo number” & di man lng sya nakahalata na may kaduweto syang katabi. Hey! di nyo ba alam na before that duet, celine first performed that song to give way for charice performance and before that concert also we are so sure na there is a rehearsal na nangyari and celine give that number to charice for her big exposure sa buong mundo. Let us thank celine for that and we must be proud that we have this charice who’s making history in american music and around the world. let us pray and support her always instead of criticizing her because she is a filipino and we must be proud. mabuhay po tayo.

18 09 2008
girard

thanks for posting this. ang bongga ng bata!

18 09 2008
Chico

Kanina nasa opisina ako, hindi ko alam sasabihin ko. Kasi hindi ako ang nagkwekwento tungkol kay Charice kundi yung coworker kong Americana na gandang ganda sa boses niya.

She just made every Filipino proud.😛

18 09 2008
The Zen Bitch

oo nga, empress, teynks for posting this. panalo si charice! mabuhey!

18 09 2008
akosimakoy

oo nga eh. napanood ko na sa TV Patrol World. dabest talaga si Charice… sinapawan niya nang bonggang-bongga si Celine. hahaha! pero magaling talaga siya no?

19 09 2008
reyna elena

kaloka naman wid all these negative comments pa! ano pa ba ang dapat gawin nung bata? haller! uber na ngang national pride ang binigay saten, dapat full support na lang ever tau! besides, sabi mo nga, hanggang dream na lang tau hahaha! keep on dreaming guys! hahaha!

20 09 2008
Mer Pints

Isa ako sa mga tagahanga ni Charice. Pray ko lang na sana ay lalo pa siyang makilala sa buong mundo.

22 09 2008
mavid_a_wakay

di naman sinapawan ni Charice si celine. Mabait lang talaga si Celine Dion kaya she practically “gave the floor” to Charice. AT di naman pinahiya ni Charice si Celine.

Sana yung mga negative comments tigilan na kasi may ibubuga naman talaga yung bata e.

Let’s just support Charice kasi kung meron mang mas dapat magbigay ng support sa kanya, tayo munang mga kababayan nya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: