Karina Montefalcon (Part 7)

15 09 2008

(Basahin ang Part 6 dito.)

Paliwanag: Naka-sticky ang post na ito.  Mababasa ang mga mas bagong post sa ilalim nito.

Hindi na nagawang magpaliwanag ni Jonred kay Ronnie.  Hindi niya intensyong manloko ng kapwa, ngunit ayaw naman niyang mabigla si Ronnie na ang kanyang kinikilalang matalik na kaibigan ay nagbago na ng anyo.

Nagpapiging ang alkalde sa kanyang bahay kinagabihan bilang pagpugay sa natamo ni Jonred.  Napakaliit lang kasi ng kanilang bayan kung kaya’t kakilala ng lahat ang lahat.

“Siyempre happy ako sa success ng aking inaanak,” sabi ni Mayor sa kanyang mga kausap.  “Iilan pa lang na tagarito ang nakapag-aral sa Maynila, at siya ang unang nakatamo ng mataas na karangalan.”

“Pero Mare, hindi ka ba nababahala sa inaanak mo,” tanong ng isa sa mga panauhin.

“Kahit ako naman nababahala na baka sa Maynila manatili si Jonred,” sagot ni Mayor.  “Pero ang mahalaga’y dala niya ang karangalan ng pagiging isang mamamayan ng Santa Praxedes.”

Hindi na lang umalma ang mga kausap sa sagot ni Mayor na tila iba ang pagkakaintindi sa tanong.

“Ang suwerte mo naman kay Mayor,” sabi ni Mylene kay Jonred habang kumakain ang dalawa.  “Biruin mo, nagpaparty para lang sa ‘yo.”

“Mabait lang si Ninang sa pamilya namin,” sagot ni Jonred.

Dating mangingisda ang asawa ni Mayor.  Minsan sa kanyang paglalayag ay lumakas bigla ang mga alon dahil sa Amihan.  Bumaligtad ang bangka ni Mang Gustin at naghihingalong sumaklolo.  Lumapit si Mang Berto sa kanya’t pinaahon sa bangka.  Nakarating sila sa pampang nang ligtas.

Tumakbo sa pagkaalkalde si Mang Gustin noong huling eleksyon.  Sa kalagitnaan ng kampanya’y napaslang siya.  Ang kanyang asawa na si Aling Marga ang humalili sa pagtakbo at siya’y nagwagi sa kanyang kampanya.

Magarbo ang party para kay Jonred.  Hindi nauuubos ang mga pagkain sa mesa, ilang mga tent ang itinayo para hindi maulanan ang mga panauhin, at may bandang tumutugtog ng mga awiting pampasayaw.

Naroon din sa party ang ilan sa mga kaklase ni Jonred noong high school, karamihan sa kanila’y nabibigla pa rin sa kanyang bagong anyo.

“Nagpaopera ka na ba,” tanong ng isa.

“Hindi pa.”

“Kailan ka magpapaopera,” hirit ng isa.

“Hindi pa ako sigurado kung magpapaopera ako,” sagot ni Jonred.

“Paano naging ganyang kaganda ang kutis mo?”

“Nagpalagay ka ba ng boobs?”

“Ilang lalake na ang naloko mo sa bagong itsura mo?”

“Hindi ka ba natatakot sa Diyos?”

“Awat muna mga classmates,” sabad ni Mylene.  “Mahina ang kalaban.  Kakagaling lang sa mahabang biyahe si Jonred.  Sayaw na lang muna tayo!”

Inanyaya ni Mylene ang mga dating kaklase na makisayaw sa tugtog ng banda.  Mahiyain sa simula si Jonred dahil nakapaligid ang lahat sa kanya, ngunit sa kalauna’y bigay-todo rin siya sa pagsasayaw.  Lumapit sa kanya ang dating kaklaseng si Danny at nakisayaw sa kanya, pinalitan naman siya ni Arnold, at ni Rene, at ni Harold, at ni Carl.

“Bawal manghipo ha,” paalala ni Jonred sa mga lalaki.  “Kung ayaw niyong madurugan ng bayag.”  Nagsitawanan ang mga naroon.

Sa kasagsagan ng kasiyahan ng mga magkakaibigan, biglang dumating sa piging si Ronnie.  Medyo paika ang kanyang lakad, halatang nakainom.  Lumapit siya sa mga nagsasayawan.

“Jonred, samahan mo ako,” sabi ni Ronnie.  “Mag-usap tayo.  Tayo lang dalawa.”

**********

Ano ang dapat gawin ni Jonred sa susunod na tagpo?

a)Tanggapin ang alok ni Ronnie na makipag-usap

b) Huwag tanggapin ang alok ni Ronnie

Mag-comment para sa inyong kasagutan.

**********

(Basahin ang Part 8 dito.)


Actions

Information

11 responses

15 09 2008
Karina Montefalcon (Part 6) « Empress Maruja

[…] (Basahin ang Part 7 dito.) […]

16 09 2008
Bombero King

empress..!
pahingi naman ako…
nang kumentaryo sa aking bagong post..!
salamat..!😉

16 09 2008
Jay

B! Huwag tanggapin ang alok ni Ronnie : Read: Bahala siya sa buhay niya. he he he

17 09 2008
Binibing Pilipinas Universe

b.

17 09 2008
yffar

mare, sept19,2008, 7:00pm
robinsons ermita…

kitakits

18 09 2008
mariko

tanggapin! baka kaya galit si ronnie e dahil matagal na nyang gusto si jonred, tapos ngayon lang nya na-confirm na bakla din ang kaibigan. nasayang ang ilang taong pagtitiis sa kanyang pagnanasa sa kababata. chos!

18 09 2008
Kiks

Tanggapin!

18 09 2008
eiwow

Kaloka! Di na ako makapaghintay sa part 8!!!

18 09 2008
chuchucaracas

dapat makipag-usap siya para magkaron siya ng closure eklavu

20 09 2008
Source

daan lang.

comment muna. i’ll go back to the earlier parts.

bloghopping lang po.

22 09 2008
Karina Montefalcon (Part 8) « Empress Maruja

[…] Karina Montefalcon (Part 8) 22 09 2008 (Basahin ang Part 6 dito.) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: