Empress Maruja, Biktima ng “Lie Detector Test”

15 09 2008

Buong maghapon ng Sabado, nag-training ang lola niyo tungkol sa Basic SEO (otherwise known as “Paano makaraket nang malaki sa Internet”). Dahil diretso training ang Empress right after ng kanyang shift bilang porn star, walang tulog na naganap hanggang alas-4 ng hapon.

Gabi na nang nakauwi akets sa balay after dumaan sa mall, nagpabali-bali ng mga buto sa Thai massage, at namili ng bigas.  Sinabi na lang ni watashi sa shupatid na tiran akets ng aking takeout order after kong magbihis, pero hindi na akets nakalabas ng kuwarto dahil naborlog na ang lola niyo.  Nagising na lang akets ng alas-8 ng umaga ng Linggo.  Mahaba-habang borlog din ‘yun.

Kanina lang, habang nagba-blog ang Maruja may hinirit ang sister.

“Kuya Maruja, may inamin ka sa amin.”

Ano naman ‘yun, tanong kets.  Pinagtripan pala akets.

“Binuksan namin ang ilaw pagpasok namin ng kuwarto mo.  Bigla kang nagulat, akala namin gising ka pero tulog pa pala,” sambit ng sister habang bungisngis lang ang naririnig sa bunso.

“Tinanong ka namin kung nasaan ang pera mo, sabi mo lang ‘Anyayayananamana.'”

Fine, nagsasalita ako habang tulog so what, sabi ko sa sarili.

“O ano ang nakakatawa?”

“Tinanong ka namin, ‘Kuya may boyfriend ka na ba?’  Sumagot ka, ‘Siyempre naman!'”

Nagtawanan ang dalawa kong kapatid.  Ako naman natawa sa kaka-deny.

“Alam mo naman ang bakla, nahuhuli sa bibig,” hirit pa ng sister, naniniwalang may katotohanan ang sinasabi ng isang tao habang tulog.

For the record, wala akong boyfriend.  Ewan ko ba sa subconscious kets kung sinetchiwa ang pinipilingang niya na boyfriend kets.  Hopefully si Matt.  Charot!

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: