UAAP Cheering Competition 2008: Winner Na, Bitter Pa?

8 09 2008

(Bawal ang pikon at asar-talo.)

Dahil mas pinili ni watashi ang puntahan ang Wordcamp Philippines 2008, hindi ko na pinuntahan ang UAAP Cheering Competition 2008 na ginanap sa Araneta Coliseum kahapon.  Kung mapapansin ng mga matagal nang sumusubaybay sa event na itet, “cheering” na ang title at hindi “cheerdance.”  Kumbaga, ang focus ngayon ay pabonggahan ng stunts at less priority na sa sayaw.  Pinanood ko na lang siya sa TV habang minomonitor ang mga reaksyon ng iba pang mga fan sa online forums.

Defending champion ang UP Pep Squad, habang pinakamaraming cheerdance awards ang UST Salinggawi Dance Troupe.  Nabasa na siguro ng ilan dito ang matinding pagbabangayan ng mga panatiko nito, lalo na sa mga forum.

At dahil Cheering competition na nga ang labanan, siyempre bago na rin ang criteria for judging.  Halos kapareho na ito ng pag-judge ng cheering routine sa America, with matching line judge (na taga-UP) at technical judge (na taga-UP rin, may naaamoy na kayo?).

Unang sumabak ang De La Salle Animo Squad.  Bago ang grupo at kailangan nila ng isang malinis na routine upang pambawi sa kanilang (aminin na natin) nakakahiyang performance last year.

Nagawa naman nila nang matino in fairview.  Pero siyempre sila ang unang nag-perform, expected na natin na may iba pang mga squad na uungos sa kanila.  Kung sino man pala ‘yung mga nagpapalakpakan habang bumabagsak ang pyramid ng La Salle, bastos kayo.

Sumunod naman ang aking paboritong squad, ang 8-time Cheerdance Champion UST Salinggawi Dance Troupe.

Pagpasensyahan na ang requirement ng bawat na sumayaw sa saliw ng Samsung Jingle.  Bakit walang ganito ang La Salle?

Anyway, masaya ako dahil napakalinis ng kanilang routine.  Walang major errors, at least sa napanood ko sa TV.  Pero ayon daw sa mga nakapanood nang live, may isang tumbling pass daw na lumagpas sa blue mat.  Minus 5 points ‘yun.  Nevertheless, sa hirap ng mga stunt na ginawa ng UST Salinggawi Dance Troupe, hindi kataka-taka kung bakit sila ang tinaguriang “Benchmark of Excellence” pagdating sa cheering.  Very confident ang Empress na mataas ang magiging puwesto nito, hopefully maging first.

‘Yan ay depende na lang sa magiging routine ng UP Pep Squad.

Ay sorry, maling video clip.  Heto pala.

Malinis ang choreography at nagawa nila ang Tick Tock na isang napakahirap na cheering stunt.  Hindi lang talaga ako komportable sa pag-incorporate ng cultural chuva sa cheering.  Kahit noon pang gumagamit ang UP Pep ng malong at sakuting, naniniwala ako na hindi dapat babuyin ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paghalo nito sa ibang uri ng sayaw o sa kaso nito, sa sports.  Nakakita na ba tayo ng mga Japanese gymnast na naka-kimono?  Hindi ‘di ba?

Pero for sure, mananalo ang mga ito.  Naaamoy ko lang.

Inuulit ko, bawal ang pikon at asar-talo.

Sunod naman ang FEU Cheering Squad, na laging 3rd place ang beauty, at ang kanilang fire-inspired routine.

Maganda sana ang routine ng FEU, kung hindi lang dahil sa major error sa huling pyramid nito.  Sayang talaga.

NU Pep Squad ang susunod.  Sabi ng sister ko minsan na dapat daw huwag nang sumali ang mga ito.  Ang harsh naman niya.

Ito na marahil ang pinakamagandang routine na ginawa ng NU.  Napakalinis, close to perfect kahit simple lang ang stunts.  Ang laki talaga ng nagagawa ng SM sa pag-boost ng kanilang morale.

Adamson Pep Squad naman.  Gagawin uli nila kaya ang carousel toss?

Wow! Isang malaking WOW! Pinakapaborito ko ang kanilang pyramid transition habang umiikot.  Nalaglag ang panga ko doon, I swear.  Mukhang may bagong Top 3.  Scared ako.

Second to the last ang Ateneo Blue Babble Battalion.  Makakapasok na ba sila sa wakas sa Top 3?

Makikita mo talaga na all out na ang Ateneo sa stunts maging sa dancing na rin.  Mukhang magkakaroon ng bagong Top 3.  Mukhang may mga malalaglag mula sa mga palagiang pumupuwesto.  Scared ako…

Last performer ang UE Pep Squad, representing the school na laging inaakusahan ng nangongopya ng cheer ng may cheer.  Hindi ako nagsabi niyan.

Naloka ako sa mga payong huh.  Anyway, naawa ako sa mga nahulog.  Hopefully hindi ganoong kagrabe.  Nevertheless, maganda ang routine nila.

After one hour pa ang ginugol bago pa inannounce ang mga winner.  Hindi pa raw kasi luto ang sinaing.  Nang sinabi ng host na FEU ang third place, doon na ako nadismaya.  Alam ko na’ng second ang UST, at first na naman ang UP.  Tama ang hinala ko.

Masaya man ako sa second place finish ng UST, may mga bagay na nakakahinayang.  Adamson (and to some extent, Ateneo) was robbed of a Top 3 finish, at ang squad na may maraming mali ang nanalo.  Congratulation, UP Pep Squad! Happy Centennial na rin sa UP.

Pero bakit ganoon?  Nanalo na nga ang UP Pep Squad lahat-lahat, andaming posts na mababasa sa mga online forum na nagpapakilalang mga taga-UP na nagrereklamo kung bakit second ang UST sa kabila raw ng kanilang “napaka-boring” na routine.  Ano ba ‘yan, winner na nga, bitter pa rin ba?  Tanggapin na lang ninyo ang back-to-back championship at pasalamatan ang mga huradong nagpapanalo sa inyo, okey?

Sa aming ginigiliw na UST Salinggawi Dance Troupe, salamat at ipinamalas ninyo ang inyong galing sa cheering.  Pinatunayan ninyo muli kung bakit kayo lagi ang hinahangaan ng bawat batang nangangarap na maging isang cheerdancer.  Hanggang sa susunod na taon.


Actions

Information

24 responses

8 09 2008
Empress Maruja, Umeksena sa Wordcamp Philippines 2008 « Empress Maruja

[…] Linggo naman ay pakabugan ng stunts at kembot ang naging happening sa Araneta Coliseum dahil sa UAAP Cheering Competition.  At dahil tight ang budget kets (bad timing lang dahil naganap ang mga itets bago magkasuweldo), […]

8 09 2008
Bb. Siling Labuyo

Paano pagiging pagbababoy ang ginawa ng UP na isalin ang kultura ng Pilipino sa sayaw nila? Wala ngang Hapon na gymnast na nakakimono kasi katangahan na yun diba? Pero bakit nag-silver medal sa Sydney Olympics ang Japanese synchronized swimming team nang sinama nila ilang piling galaw mula sa kanilang martial arts? Diba pagbibigay-pugay ito sa isang napakamayamang kultura? Ewan ko sa unibersidad ninyo, pero sa UP, tinuturo ang pagmamahal sa bayan. Baka kailangan mong puntahan ang website na nilagay ko at mukhang barado ka sa passive-aggressive bitterness.

8 09 2008
jericho

hmm… co-comment ba ako? kaso malalaman ang bias ko. anyway, hindi ako judge kaya i can be biased. go U.P.! hehehe😉

8 09 2008
Empress Maruja

@ Bb. Siling Labuyo – I respect your opinion, pero sana kapag mag-comment ka huwag gumamit ng spam site.

9 09 2008
ganns

You were at WordCamp?? I didn’t see you! Sayang!😀

9 09 2008
Kamote

Not to offend the author, but UST’s routine was really boring, halos walang pinag kaiba sa ginawa ng La Salle. For UP’s routine, it’s not pambababoy, showing that our culture is not lost but being revive to show youths of today (marami na ang di nakakaalam). in my opinion, Ateneo or Adamson should be in the top three. FEU fair enough, meron kasi error sa huli. By the way i’m a Tamarraw if you may ask.

9 09 2008
Dyan

Medyo marami errors ng UP. Hindi halata sa TV yung iba. Kaya medyo nalalakihan ako sa 8 point gap ng scores between UP and UST.

10 09 2008
johnnypanic

i also liked Adamson, and of course biased din ako kasi nga taga UP din ako. although mas gusto ko ang routine nila this year compared to last year. UST i think needed something strikingly new to edge UP this year. pero yeah, they were technically excellent. i guess the rivalry between the two squads is good for both. (ang safe naman ng comment. hehehehehe.)🙂

10 09 2008
gbrew

I think something went wrong with the judging.

If we’re going to be strict about the rules and scoring, UP cannot pull away that much (8 points)? They had so many errors (even the full twist tosses they take pride of). I saw three who did not execute it properly (bumaliko ang mga paa), dapat tuwid na tuwid ‘yun.

In terms of pageantry, I give it to UP.

And I don’t understand why UE is two notches higher than NU.

As with UST’s routine, it’s still the best in the league. Very controlled and well-choreographed. The only problem is that you have to keep a quick eye to catch all the details and how exact each movement was. I had to watch the routine twice to see all the intricacies.

10 09 2008
Empress Maruja

@ Johnnypanic – Okey lang ‘yun, Mare. Hindi naman moderated ang comments dito. May binura lang akong isang comment, bastos kasi.

@ gbrew – Mare, mas maloka ka kung hindi binawasan ng puntos ang UP Pep nang may performer silang lumabas sa blue mat para magbihis bilang Oblation.

10 09 2008
Gold

ano kaya ang pnagkaiba ng cheerdance sa cheering?…

……….uhmm..

CREATIVITY, elements of surprise, spontaneity.

Yan ah. Nilista ko na ung pwede nyong i-incorporate sa entry nyo next time.

10 09 2008
Gold

ngayon ko lng na-realize. Kaya pala nakaktulog ako when i watch cheerdance compet’s ng US.

10 09 2008
Empress Maruja

@ Gold – Ano? Nakakaantok ang American cheering? Patawa naman ito oh!

10 09 2008
aliping binabahay

cheering compet na pala at hindi na cheerdance. kung hindi ko pa nabasa sa post mo di ko malalaman, hehe.

actually, yung routine lang ng UP yung napanood ko kaya hindi ako makapag-comment tungkol sa UST. pero napansin ko nga na may mga errors ang UP sa ibang execution nila. akala ko 2nd lang sila this year. nagulat ako nung nanalo sila. MAS nagulat ako nung malaman ko ang agwat ng scores, hehe. pero yun nga, hindi ko napanood yung sa UST. Ako nga pala ay alagad ni Pepay, hehe.

tingin ko rin ang pag-introduce ng cultural elements sa ganitong klase ng kompetisyon ay isang muling pagpapakilala ng tradisyong malapit nang makalimutan dahil sa modernisasyon. kaya tingin ko ok lang yun.

10 09 2008
eNocH

isang malaking kalokohan ang di pagpasok ng adu sa top 3. pesteng mga judges!

11 09 2008
bluesclues

taga UP ako at medyo matagal na ring tagsubaybay nitong masayang blog mo.

akala ko di ka tatanggap ng comments sa amin (from past year’s posts ah).

nakipagkuwentuhan ako sa barkada kong taga-uste, pareho kami ng observations (na i-sha-share ko kahit wala kayong pakialam)…

boring, mabagal and safe yung sa UST. malinis talaga yung stunts, pero hindi impressive (unlike some of Adamson’s or FEU’s). tsaka yung tumbling pass… nag-agree kami (ng barkada ko) na di pang number 1. this was his words ha: “ewan ko ba, pa-pangit ng pa-pangit yung sa amin”. sabi ko, “pare pasensyahan mo na host kami at centennial pa. sa 400 nyo, malamang.

yung sa UP – halos kapareho nung last year (same elements halos) pero na-iba ng konting konti. may mga mali- pero nadaan siguro sa bilis ng transitions, kaya di na-obvious??? galaw kasi sila ng galaw (kahit yung mga props, 5 seconds lang in one place yata? exag.)

i think our school deserved it naman.

though, i was really disappointed on your comment about the mix of the cultural aspect in cheering. because you were one of the advocates of the use of our language (native and modern gayspeak) in wikipedia. aren’t these two cases similar (if not really bearing the same motivation and logic)? yun pa naman yung isa sa mga posts mong favorite ko.

thanks for listening.

11 09 2008
Gean

I cannot believe na yung AdU hindi nakapasok sa top 3. Ang galing nila. They were very impressive. UP, magaling din naman.🙂

13 09 2008
Dyepri Budoy

haha. yaw ko na nga magcomment.
UP Fight!

14 09 2008
Usapang Santo’t Itlog with Svelte « Empress Maruja

[…] Santo’t Itlog with Svelte 14 09 2008 Right after magwatchiley ng UAAP Cheering Competition, nag-text si Kumareng […]

15 09 2008
wapoink

ang head judge ay hindi magbibigay ng score.

at ang BAGONG CRITERIA ay napagdesisyunan ng LAHAT ng CAPTAINS AT COACHES ng participating schools.

26 09 2008
cyrille

teka nalalag ung salamin(reading glass) ko!!!
mali ako ng pindot.
aminado ako ng bonggang bongga na hindi ako kahit san man sa 8 exclusive skul na naka enroll. peo proud to be earistian aq at thomasian bkt dream skul ko un kealng hndi kya ng parents. by the way, sa gnwa ng U.P. pep mdaming mali peo remarkable. sa Salinggawi New stunts at routines peo ang clean but hindi raw tumatak sa mga manunuod!!(ewan q qng bakit??). pero ewan q n lng nxt year qng meron pang tema magagawa ang UP pep tapos na ang panahon ng rocks at kultural dancing gud luck tlaga!!!!!!!!!proud to be thomasian at 400 GO USTE!!!

30 09 2008
giebhoy

all i can say is… UP id UP and UST is UST. Cla ang Ateneo at La Salle ng CDC. Agre ako n dapat ADMU or AdU and nsa 3rd place ndi ang FEU. For DLSU and NU good job!!! nag improve tlaga cla ng bongang bonga.

Anu kya ang mangyayari nxt yr??? Abangan

Go ALTAS!!!

18 10 2008
Alee

hmm,
first Up Pep Squad:
actually i had been there in the compettion and i witnessed how did the unibersidad ng pilipinas pep squad amazed the crowd( c’mon admit it)
they did a great tossess, matatas ang level ng difficulty ng mga astunts and pyramids. the theme was great “tribo”. ang ganda, na remind sakin ang kultura nating mga Pilipino. transition, awesome and the way they moved was very energetic.. in general, they deserved to be the champion.
second is the UST SDT:
we all know that the zigzag pyramid is their trademark, but u hav to show it only once and not trice.. nakakasawa nakaya, anu yun? wala na ba silang maisip na iba? playing safe nga sila. Parang mga tensyonado ang mga dancers ngayon unlike nung 2007 CDC. di sya impressive and di remarkable ang mga stunts. sensya di ako gaanung makapagbigay ng comment sa mga stunts, transition and tosses kasi nga, just like what i’ve said, di ko maalala ung mga ginawa nila. sorry. but i was fun before, during the 2007 CDC.
last but not the least, FEU Cheerong Squad:
mganda ang synchronization and transition. Malibis ang mga galaw and maganda naman so far ang dance routine. Blazing tamaraws, is a nice concept. i like it! tosses, malanis. ang pyramid bago hindi recycled. mataas din ang level ng difficulty ng pyramid and stunts. Da-da-dance floor anu nga? Edi “ASTIG”…. sayang nga lang, masyado silang naging confident nung last part and they failed to end it in a nice way. laki 2loy ng points na nabawas..
my classmate in HS who is currently studying in UST, told me that they were threatened by the FEU Cheering Squad.. kinabahan sila. If they had done it perfect, they would have won the first runner-up

by the way i came from one of the participating schools in the uaap, much better if i will just keep my mouth shot. bka sabihin ng iba bias me..hehe

18 10 2008
Alee

syempre, di maiiwasan ng iba dyan na punahin ang mga mali sa spelling Ko, lalo na kapag agrabyado ang school nila,

kaya eto ang masasabi ko, “TYPOGRAPHICALLY ERROR” LANG PO ANG TAWAG DYAN( PARA SA MGA HINDI NAKAKAALAM)

tao lang nagkakamali

peace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: