Karina Montefalcon (Part 6)

8 09 2008

(Basahin ang Part 5 dito.)

Hinihingi ni Ronnie ang cell phone number ni Jonred. Ilang metro na lang at bababa na ang huli sa palengke. Nagsinungaling na siya noong una nang hindi siya nagpakilala bilang si Jonred at sa halip ay ibinigay ang kanyang pangalan sa gabi. Sa pagkakataong ito, lubos ang kanyang pag-aalangan.

Huwag ko kaya ibigay, tanong ni Jonred sa sarili habang nakatingin sa maamong mga mata ni Ronnie. Determinado siyang magsinungaling muli’t magbigay ng phone number ng iba, ngunit pakiramdam niya’y hindi dapat nagsisinungaling ang isang kaibigan.

“Heto ang number ko,” sabi ni Jonred habang itinatayp ni Ronnie ang mga numerong ibinabanggit na inaakala niyang bagong kaibigan. Nagmiskol naman ang lalake upang matanggap ni Jonred ang kanyang cellphone number. Sumagi na rin sa isip ni Jonred kung aaminin din niya ang kanyang tunay na katauhan kay Ronnie.

Huwag na muna, naisip niya. Ayokong makita ang kanyang reaksyon kapag inamin ko. Balak niyang aminin kay Ronnie na ang kanyang bagong kaibigan na si Karina at ang kanyang matalik na kaibigan na si Jonred ay iisa sa pamamagitan ng pag-text.

“Dito na ako bababa,” pumara si Jonred sa konduktor ng bus at bumaba sa pamilihang bayan ng Claveria. Minasdan niya si Ronnie na nakadungaw sa bintana habang papalayo ang bus.

Text mo ako ha, ganyan ang pagkakaintindi ni Jonred sa pagbuka ng mga labi ni Ronnie sabay senyas ng tila dinudutdot ang isang cellphone. Ngumiti na lamang si Jonred at kumaway hanggang tuluyan nang malayo ang bus.

Hindi Claveria ang pupuntahan ni Jonred kundi ang katabing bayan nitong Santa Praxedes. Nalungkot na lang si Jonred nang mapagtanto niyang bahagi rin ito ng kanyang pagsisinungaling kay Ronnie at napilitan siyang panindigan ito. Pinara ni Jonred ang unang bus na nakita niya sa daan at ipinagpatuloy ang kanyang biyahe patungo sa kanyang bahay. Sana talaga hindi kami magkasalubong ni Ronnie, dasal ni Jonred.

Ilang kilometro rin ang layo ng biyahe mula Claveria patungong Santa Praxedes kung kaya minamasdan na lamang ni Jonred ang mga lumilipas na mga puno’t bahay bilang pampalipas-oras. Subalit, may napapansin siya sa loob ng bus, na tila may tumitingin sa kanya. Luminga siya ng kaunti at napansin niya ang isang babaeng halos kaedad niya. Nakangiti siya’t kinakamusta.

“Jonred, ikaw ba ‘yan,” tanong ng babae.

“Mylene,” nagulat si Jonred. Hindi niya nakilala ang kanyang kaibigan noong high school. “Ang payat mo na!”

“Oo nga eh,” pasasalamat ni Mylene. “Todo diet din ‘yan. Pero ikaw, anlaki ng pinagbago mo. Totoo nga ang sabi ng Itay mo na nag-anyong babae ka nga.”

Nagkahiwalay ang dalawa noong kolehiyo. Habang sa Maynila nag-aral si Jonred, sa Baguio nagtungo si Mylene at madalang umuwi sa kanila.

“Ngayon ka palang uuwi,” tanong ni Jonred.

“Hindi, noong nakaraang linggo pa. Nagkasalubong kami ni Mang Berto sa poblasyon minsan at kinumusta kita. Mabuti na lang tanggap ng Itay mo na bakla ka pala.”

“Noong una nagulat siya,” sagot ni Jonred. “Sa Maynila ko napalabas ang aking tunay na pagkatao kaya akala niya mga demonyo ang nag-impluwensya sa desisyon kong magpakababae.”

“Pero paano niya natanggap?”

“Anak niya ako, at mahal niya ako,” sabay ngiti ni Jonred.

Malapit na sila sa hintuan ng bus sa Santa Praxedes at may naaninag si Mylene.

“Jonred tignan mo.” Luminga palabas ang bakla at nagulat siya sa kanyang nakita. Isang malaking lupon ang nag-aabang upang salubungin siya, kumpleto pa sila ng mga banner na bumabati sa kanyang pagiging cum laude. Naroon ang kanyang mga kapitbahay, mga konsehal, ang alkalde, si Itay, at si Ronnie.

Patay, naroon si Ronnie at tila galit na galit.

Huminto ang bus at nagsibabaan ang mga pasahero. Huling lumabas sina Mylene at Jonred na mainit na sinalubong ng mga kababayan. Sinabitan pa siya ng mga sampaguita sa leeg na tila isang turistang banyaga. Niyakap siya nang mahigpit ni Mang Berto habang nagpalakpakan naman ang ibang mga kasama.

“Anak, heto nga pala si Ronnie,” pagpapakilala ng ama ni Jonred at bumaling naman kay Ronnie. “Malaki na ang pinagbago ni Jonred kaya hindi mo siya makikilala sa una.”

Hindi umimik si Ronnie, ngunit napansin ni Jonred na umangat ang kanyang kanang kamao na tila nagbabalak manuntok ng bakla. Sa halip, lumayo na lang mula sa grupo si Ronnie at lumisan nang walang paalam.

“Ano’ng problema nun,” tanong ni Mylene.

**********

Ano ang dapat gawin ni Jonred sa susunod na tagpo?

a) Tawagan si Ronnie at magpaliwanag.

b) Huwag tawagan si Ronnie.

Mag-comment para sa inyong kasagutan.

**********

(Basahin ang Part 7 dito.)

Advertisements

Actions

Information

6 responses

8 09 2008
Karina Montefalcon (Part 5) « Empress Maruja

[…] (Basahin ang Part 6 dito.) […]

11 09 2008
Kiks

tawagin si ronnie.

11 09 2008
chuchucaracas

i-kebs na si ronnie. there are other fish in the sea sabi nga nila

13 09 2008
yffar

Proposed Names:
A. Pink Bloggers Community
B. The Pink Chronicles
C. Rainbow Blogs Philippines
D. Other suggested names that may arise

Goal:
To create a united community of Filipino LGBT Bloggers, that may act as an organization for aspiring LGBT writers and hone their skills by guiding , recognizing their works, and inspiring them to pursue an inner motivation for blogging whether it’s personal, informative or other reasons why they created their blog.

Functions:
a. Making a LGBT Bloggers Directory
b. Providing Weekly Reviews
c. Creating a weekly/ Monthly Award
d. Organizing a Monthly/Weekly chat conference
e. Gathering in an Annual/ Quarterly Eyeball
f. Participating in LGBT Advocacies

Proposed Committees:
a. Marketing and Networking. A separate committee shall search for potential blogs that can join the community and communicate with possible allies such as organizations, publications, etc. that may help in pursuing the goals of the said community.

b. Membership. A committee shall handle possible members of the community and review the contents of the blog whether it is related to the LGBT category or not. Upon approval of the committee, the blog shall now be placed in the Directory.

c. Reviews. A committee will have to conduct weekly reviews on a certain blog about the good features of the blog. Negative feedbacks to improve the blog shall not be posted on the review, it will be discussed in a private manner such as a personal mail to the author by the reviewer. The committee must ensure that all blogs shall be given a review. A member of the committee shall not create a review of his own blog.
d. Events. The committee shall create monthly events that will focus on the interactions between memb ers of the community. Such activities may be held online, via chat/conference, or in a general assembly/ eyeball gathering.

e. Awards. This committee shall conduct a surveys/poll sor other contest s that may recognize the LGBT blogger and his site, e.g. Pink Blog of the Week, or annual LGBT Blog Awards. The committee must have no bias in giving out awards.

f. Web Masters. This committee shall be composed of the committee heads of each team that may discuss on the overall design of the website, input necessary information, create posts, and act as the executive heads of the said community.

g. Other committees shall be created and some proposed above may be dissolved depending on the actual need of the community.

Provisions
a. As a part of the LGBT community, ethical principles must be upheld and violators of the community rules shall cause a member’s blog be out of the directory and he/she will be removed as a member of the said community. Possible violations: Plagiarism, Libel, etc.
b. It will be the discretion of the committee heads if they will include a blog that contains pornography or simple nudity. Proper judgment shall be applied.
c. Other provisions that might arise shall be discussed upon the completion of the said community.

Bloggers that agreed on the creation of the community:
a. Kiks of ABBA
b. Lyka Bergen of The Lyka Bergen Show
c. Mrs J of The Reigning Mizis
d. Jericho of Kape’t Yosi
e. Wilberchie of Wilberchie’s World
f. Yffar of The Rainbow Halohalo Project
g. other bloggers are all welcome to help in building this new community.

comment @ http://rainbowhalohalo.blogspot.com/2008/09/pink-bloggers-community.html

14 09 2008
Bryan

magpalit si Jon ng brief… chus

B po

15 09 2008
Karina Montefalcon (Part 7) « Empress Maruja

[…] Karina Montefalcon (Part 7) 15 09 2008 (Basahin ang Part 6 dito.) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: