Empress Maruja, Umeksena sa Wordcamp Philippines 2008

8 09 2008

(Matt, I think you need a pretty good interpreter for this… haha!)

Dalawang bonggaycious na events ang naganap noong nakaraang weekend.  Noong Sabado, nagtipon ang mga blogger ng WordPress sa College of Saint Benilde para sa kauna-unahang Wordcamp sa Southeast Asia; habang noong Linggo naman ay pakabugan ng stunts at kembot ang naging happening sa Araneta Coliseum dahil sa UAAP Cheering Competition.  At dahil tight ang budget kets (bad timing lang dahil naganap ang mga itets bago magkasuweldo), kailangang pumili ang maganda’t maalindog na blogger ng masang kabaklaan sa kung alin ang dapat puntahan.

Napagdesisyunan kets na sodom gumora sa Wordcamp Philippines 2008.  Tutal, naroon daw si Chuckie Dreyfus bilang isa sa mga speaker at gogora rin sa event si Matt Mullenweg, ang promotor at ang may kasalanan kung bakit isang napakabonggaycious na blogging platform ang WordPress.

Ang problema, nag-umpisa ang Wordcamp ng alas-8 ng umaga at nasa Ortigas pa rin akets ng alas-7.  Kailangan ko pang umuwi ng balaysung sa Kyusi para asikasuhin ang mag pautos ni Pujay na nag-Tour of America na naman.  Wala akong choice kundi gumora sa Wordcamp nang alas-2 ng hapon.  Kebs lang, ika nga ni Suzanne ng Temptation Island, “Late entrance, early exit.  ‘Yan ang dramatic!”

Nasa kalagitnaan ng lecture si Matt nang dumating kets, pero puro kageekyhan naman pala ng discussion ditets:  updates sa WordPress.org, mga demo ng mga sponsor websites, web standards chuva.  Nasaan ang Sexbomb Girls?  Charot!

Intermission muna, mga Mare!

Very laudable ang effort ng mga organizer sa event na itets, pero may isa lang akong reklamo:  Nakakaloka ang pamimigay ng mga major prize. Keri na sana ‘yung pa-raffle para makatanggap ng premiere night tickets para sa “I Trust And Love You” (na ewan ko ba kung bakit pinagtawanan ng naaaaaaaapakasusyal na awdyens), Google mugs, gift packs mula sa Smart etchapuwera etchapuwera; kaya lang pagdating sa enggrandeng libreng .ph domain name (.ph meaning “pa hada” ika nga ni Patrick) Pahirapan sa Trese ang drama.  Hulaan daw kung ano ang laman ng 2D code chuvalu ng mga organizer.  Paano namin malalaman, lalapitan namin sila na para close na kami?  Nasagi minsan sa isip kets na baka type lang nilang harbatin ang premyo, which is understandable.  Kahit nga ang mga maledukadong movie reporter ng mga pipitsuging tabloid, ultimo lechon baboy hinaharbat sa presscon.

O baka naman hindi sila makaisip ng bonggang paraan kung paano mamigay ng mga papremyo.  Aba’y dapat tinanong nila akets.  Years ago nga sa isang event sa UP Manila, kailangang ipamigay ang mga maliliit na mouth wash pero sabi ng sponsor dapat interesting daw.  Ano ang ginawa kets?  Nagpakyuwag ng mga magdyowa, patagalan ng halikan.  Palakpakan ang awdyens habang tuloy lang sa pagtugtog ang banda.

Kaya habang patuloy sa paglektyur chuva ng iba pang mga speaker, naglista si watashi ng mga benggang paraan kung papaano ipamigay ang mga parapol sa Wordcamp 2008:

POP QUIZ

Hindi ‘yun katulad ng mga tinanong ng organizer na “Hulaan ang paboritong food ni Matt sa Davao” o “Ano raw ang totoong pangalan ng organizer chuchu?”  Ang mga tanong ay dapat ‘yung mga tipong “What is the capital of Biliran Province” sabay unahan sa pag-research ang awdyens sa Wikipedia at kung anuman gamit ang kani-kanilang mga laptop.  Ang unang lalakeng makakasagot ay hindi lamang makakatanggap ng premyo kundi makakatanggap din ng halik mula kay Empress Maruja.

BRING ME CONTEST

Unahan ang awdyens sa pagdala sa organizer ng “smallest laptop” halimbawa, o kaya “bring me the shortest blogger,” “bring me Janette Toralba,” etchapuwera.  Ang unang lalakeng makakapagpadala ng pinapa-bring me ay makakatanggap ng halik mula kay Empress Maruja.

WIN A DATE WITH AILYN APOLLO

Mag-bid ang mga contestant ng amount na gusto nila para maka-date si Miss Google Earth Philippines.  Ang mga matatalo ay makakatanggap ng halik mula kay Empress Maruja.

WIN A DATE WITH MATT MULLENWEG

I’m sure papatok ang larong itets, sa dami pa naman ng mga gelay na laglag kyonti kay Matt.  Sagutin lamang nila ang tanong na itets:  “If you were to become the First Lady of WordPress, what will you do to fight poverty in the Philippines?”  Pipiliin ni Matt ang winner, and at the same time makakatanggap din siya ng halik mula kay Empress Maruja.

Napatanong din aket kay Matt noong nagkaroon ng Open Forum.  Tungkol lang itets kung posible na ba niyang payagan ang Javascript sa mga kuriputsinang bloggers ng Free WordPress gaya kets.  Ayaw daw niya, pero undeniable na maraming hit na hit na programs ang nasa javascript ngayon gaya ng Twitter, Last FM, Plurk, at iba pa.  (Add niyo akets sa mga iyan:  empressmaruja)  Ang challenge ngayon ay kung posible bang maging WordPress-compliant kahit man lang ang mga itets.  Abangan na lang daw natin.

Natapos ang event sa isang enggrandeng agawan ng pakikipag-photo op kay Matt.  Naku huh, talagang wala nang hiyaan itraksi! Kebs kung wang digicam ang Empress at isang mumurahing 3G phone ang ginamit ni watashi para kunan ang mga piktyur na itets.

Sa sandaling attendance ng bakla sa Wordcamp, masasabi kong isa siyang malaking success.  Binabatiti niya ang mga organizer dahil umuwing masaya’t may ngiti sa mga labi ang mga umattend.  Hopefully mas bonggaycious ang Wordcamp Philippines 2009, complete with Ati-atihan.  Charot!

Advertisements

Actions

Information

6 responses

8 09 2008
Baklang AJ

Uy sayang hindi tayo nag meet ‘teh! Nasa labas ako nung umeksena ka sa iyong question and answer portion! Sayang!

8 09 2008
arpee lazaro

first time to visit your blog and i find your “eksena” to be mega kwela! i hope to meet you in the blog awards on sept 21. sana makasama kita sa mga blogger events!

8 09 2008
zee

Hi! I saw you in Wordcamp. Nice blog here, very happy and light. In fairness, na gets ng lola mo ang mga ni-litanya mo dinetch. hehe.

8 09 2008
UAAP Cheering Competition 2008: Winner Na, Bitter Pa? « Empress Maruja

[…] mas pinili ni watashi ang puntahan ang Wordcamp Philippines 2008, hindi ko na pinuntahan ang UAAP Cheering Competition 2008 na ginanap sa Araneta Coliseum […]

10 09 2008
Obnoxious Queer

Loaded of good and funny info! empressive talaga si Maraju! Perfect! Did enjoyed reading ur entry!

11 09 2008
reyna elena

amffftaaaaa hahahaha! buti pala dyan ako sayo gomora instead na dun sa bwisit na survivor hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: