Karina Montefalcon (Part 5)

31 08 2008

(Basahin ang Part 4 dito.)

“Miss, okey ka lang,” tanong ni Ronnie kay Jonred. Napansin niya ang gulat at di-makapalagay na mukha ng binibini.

Bumalik sa kamalayan si Jonred. “Ah, okey lang ako. Na… nalimpungatan lang.”

“Nakalimutan ko nga palang ipakilala ang sarili ko,” inialay ni Ronnie ang kanyang kamay kay Jonred. “Ako nga pala si Ronnie. Ronnie Vasquez.”

Hinawakan ni Jonred ang kamay ni Ronnie at kinamayan. “Ako nga pala si…”

Natigilan si Jonred nang sandali. Magpapakilala ba siya sa kanyang tunay na pangalan? Noong kolehiyo lamang siya lumadlad na isa siyang bakla. Paniguradong magugulat si Ronnie kapag nalaman niyang siya si Jonred Buensuceso.

“Ako nga pala si Karina. Karina Montefalcon.”

“Saan ka nga pala umuuwi,” tanong ni Ronnie.

Patay, bigla na lamang naalala ni Jonred na sa Santa Praxedes din ang uwi niya. “Taga-Claveria ako,” pagsisinungaling ni Jonred.

“Eksakto pala,” masayang tugon ni Ronnie. “Tutal magkatabi ang mga bayan natin, sabay na tayo sa biyahe.”

“Sige,” sagot na lang ni Jonred.

Talagang palakuwento si Ronnie. Andami niyang baong kuwento mula sa kanyang pakikipagsapalaran sa Mindanao at maging ang kanyang mahirap na training para lamang maging isang sundalo. Okey lang ‘yun kay Jonred dahil naging pampalipas niya ito ng oras sa kanilang malayo’t mahabang biyahe.

“Excited na akong makauwi sa amin,” sabi ni Ronnie. “Gusto kong makita muli ang mga kaibigan ko, lalo na ‘yung pinakamatalik kong kaibigang si Jonred.”

Hindi nagpahalatang nagulat si Jonred sa kanyang narinig. Matalik na kaibigan pala ang turing ni Ronnie sa kanya.

“Naalala ko nga noong bata pa kami. Ang liit at ampayat ko noon. Walang gustong makipaglaro sa akin kasi mukha raw akong lampa. Si Jonred lang ang interesadong makipaglaro sa akin. Hinatian ako sa teks tapos hayun, araw-araw kaming naglalaro sa eskuwela.”

“Napakabait naman niya,” sagot ni Jonred.

“Ah oo, mabait talaga siya. Minsan nga tinutukso siyang bakla ng mga siga sa eskuwela. Eh kawawa naman kaya ipinagtanggol ko. Sabi naman niya hindi siya bakla kaya wala silang karapatang sumbatan ang tao.”

“Eh paano kung bakla nga si Jonred, ipagtatanggol mo ba,” tanong ni Jonred.

“Malamang hindi,” sagot ni Ronnie.

Hindi pa rin nagbago si Ronnie, naisip ni Jonred. Galit sa mga bakla si Ronnie, iyan ang pagkakakilala ni Jonred sa kanyang kababata. Naalala niya noong minsang pista sa kanila’t may dumayo na musiko. Pinangungunahan ng dalawang bakalng majorette ang parada. Sinundan ng dalawa ang parada, ngunit hindi alam ni Jonred na bubuhusan pala ng buhangin ang likuran ng damit ng isa sa mga majorette. Nagkagulo noon, pero tinawanan lang niya ang nangyari. Hindi na rin nanlaban ang mga dayo dahil hindi sila tagaroon.

“Ganyan dapat ang gawin sa mga baklang ‘yan,” sabi ni Ronnie minsan.

“Heto na ‘yung Claveria, saan ka bababa,” tanong ni Ronnie kay Jonred.

Dumungaw sa bintana ng minibus si Jonred. “Sa may palengke ako bababa.”

“Siyanga pala, maaari ko bang malaman ang cell phone number mo,” tanong ni Ronnie. “Gusto ko sanang maging magkaibigan tayo.”

**********

Ano ang dapat gawin ni Jonred sa susunod na tagpo?

a) Ibigay ang kanyang cell phone number.

b) Huwag ibigay ang kanyang cell phone number.

Mag-comment para sa inyong kasagutan.

**********

(Basahin ang Part 6 dito.)

Advertisements

Actions

Information

9 responses

31 08 2008
Karina Montefalcon (Part 4) « Empress Maruja

[…] (Basahin ang Part 5 dito.) […]

31 08 2008
burrito

wag ibigay! homophobic pala yang ronnie na yan e. chos!

31 08 2008
kalansay

wag ibigay para may conflict na. haha.

31 08 2008
Kiks

Hmmm.

Dahil gusto ko lang maiba, hehehe, ibigay.

1 09 2008
mandayamoore

ibigay pati ang celphone mismo!

2 09 2008
Momel

Ibigay ang cellphone, tas paglaruan ni bakla ung ombre! Yun yon!

2 09 2008
chuchucaracas

taray parang choose your own adventure itoh.

hada muna bago bigay number. ano siya sinuswerte bwahahaha

3 09 2008
sirena down under

ibigay ang number para may susunod na mahalay na kabanata, ‘no? mwaha-ha! ;->

8 09 2008
Karina Montefalcon (Part 6) « Empress Maruja

[…] Karina Montefalcon (Part 6) 8 09 2008 (Basahin ang Part 5 dito.) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: