Warlahan nina Pepay at Gawgaw

30 08 2008

Ilang araw na lang at magaganap sa Araneta Coliseum ang pinakamalaking showdown sa balat ng collegiate sports, ang UAAP Cheerdance Competition. Itsapuwera muna ang mga rikaloo ng Katipunan at Taft Avenue, talbog muna ang men’s basketball tournament na tadtad naman ng pandaraya’t sugal, dahil sa September 7 magpapakitang gilas ang iba’t ibang cheer squads.

Pero ang highlight of all highlights ang mainit na rivalry ng defending champion UP Pep Squad at ang 8-time champion na UST Salinggawi Dance Troupe. Magkaiba ang estilo sa cheering, magkaiba ang galing sa pagsayaw, kaya naman ang mga fans hindi magkandamayaw sa pagmamayabang sa kung aling grupo ang mas magaling, aling grupo ang mas namumukud-tangi. Pakinggan natin ang pag-uusap nina Pepay, fan ng UP Pep, at Gawgaw, panatiko ng Salinggawi.

(Bago ang lahat, tandaan mga bata: ang pikon talo. Katuwaan lang ito.)

GAWGAW: Sa September 7, babalik ang korona sa Espanya. Tignan mo naman ang kanilang performance, sabay-sabay, maganda, at higit sa lahat, malinis.

PEPAY: Boring. Kahit ilang championship pa ang anihin ninyo, wala pa ring makakapantay sa matatapang at matatalinong UP Pep Squad. Every year na lang, laging may pinapauso, talaga namang UP Sets the Trend. Ialay ang championship sa Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas!

GAWGAW: Sinusuwerte lang kayo’t nahulog ang pyramid ng Salinggawi last year.

PEPAY: Hah, nagsalita. UST ka lang, neh. What’s the use of 400 years of existence compared to 100 years of excellence?

GAWGAW: Naku, off-topic naman ang Ugaling Public na ito. Para namang namumutawi sa “excellence” sina President Marcos at Arroyo?

PEPAY: Kahit ano pa ang sabihin mo, UP pa rin ang number one. 100>400.

GAWGAW: Ipagyabang daw ba ang maling math equation. Kunsabagay, sabi nga sa isang ulat kapos sa math and science skills ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

PEPAY: Ano’ng masama sa pagiging public school student, ha? Mabuti na ‘yung nag-aaral sa pampublikong paaralan na maipagmamalaki mo kaysa naman mag-aral sa isang private school na pinagtatawanan ng madla.

EMPRESS MARUJA: Mga mare, lumilipad ang usapan niyo, kulang na lang magbatuhan ng itlog.

GAWGAW: Eh paano si Pepay, kung ipagyabang ang UP Pep may kakabit na “matalino kami, sa UST lang kayo.” Bakit hindi niya ipagyabang ang apat na championships nila? Ah oo nga pala, walo ang title ng Salinggawi.

PEPAY: Hipokrita, para namang hindi ka nanlait ng public schools. Anyway, talaga namang puwedeng ipagyabang ang creative and innovative na UP Pep Squad. Sila ang laging may pinapauso, laging kakaiba ang pinapakitang routine every year na lang. Kaya lang naman natatalo ang UP Pep dahil dinadaya ang scores.

GAWGAW: Walang kuwentang akusasyon. Para namang hindi nag-effort na bigyan kayo ng grade na 100 mula sa tatlong guest judges mula sa UP noong 2005. At despite sa pandaraya na ginawa ng mga guest judge na ‘yan, panalo pa rin ang graceful and elegant na Salinggawi Dance Troupe. Ikaw, Empress Maruja, kanino ka pumapanig?

EMPRESS MARUJA: Ako? Doon ako sa masaya.  Panig ako sa cheer squad na trademark ang kanilang matatamis na ngiti…

At hindi ang pagsisimangot.

PEPAY:  Buwisit ka, Maruja.

Advertisements

Actions

Information

2 responses

6 09 2008
gbrew

Ooooh… Eerie silence here!

Anyway, bring it back to Espana! 😉

Too bad hindi ako makakapanood ngayon. The first time in many years. 😦

Naalala ko tuloy ang 2005. Sa Pizza Hut Bistro sa Gateway. Hehehe… Will you all meet up again tomorrow? Everyone present? It’s like a family reunion every CDC.

8 09 2008
UAAP Cheering Competition 2008: Winner Na, Bitter Pa? « Empress Maruja

[…] cheerdance awards ang UST Salinggawi Dance Troupe.  Nabasa na siguro ng ilan dito ang matinding pagbabangayan ng mga panatiko nito, lalo na sa mga […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: