Empress Balita: Annabelle Rama, Warla Kay Wilma Galvante

28 08 2008

Feeling talaga ng Monster Mom na si Annabelle Rama na dapat sa kanya at sa kanyang mga anak umikot ang mundo ng GMA Network, kaya naman warla mode na naman ang lola niyo dahil itinapat ang birthday concert ng prized talents ng GMA na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa first day of showing ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion na “For the First Time” ng Star Cinema.

Ayon kay Tita Annabill, “desperado” raw ang may pakana ng pagtatapat ng birthday concert nina Marimar at Sergio sa pelikula ng kanyang anak.

“Ayaw ba nilang makipagkaibigan? Ayaw nilang makipag-peace? Birthday ni Dingdong, August 2, at si Marian, August 12. Ano ba ‘yan dong! Ang layo ng (August 27) para mag-celebrate. Puwede naman 14, 15, 16, 17. Bakit tumapat sa playdate (nina Richard at KC)… tapos free (concert) pa? Puwede namang weekend dahil Araneta ‘yun. Sinadya talagang araw ng showing, hindi ko maintindihan,” warla mode ni Monster Mom sa radio program nina Ogie Diaz at Fernan de Guzman.

“Ano’ng nangyayari, giyera ito? Nagpo-promote sina Richard at KC, may nagpo-promote naman na kasabay doon? Ang reason, wala nang playdate sa Araneta. Puwede naman sila umiwas lalo’t may pinirmahan ang Star Cinema sa GMA. Puwede namang hayaan muna ang mga bata. Huwag sumawsaw sa playdate.”

At heto ang pinakabrutal na ibinitaw ni MM: “Sana makarma ang may kagagawan nito! Iba’ng magalit ang mga Bisaya! May devil diyan sa GMA na isa! Alam ko ‘yang babaeng ‘yan na executive ang may kagagawan! ‘Yan ang inggitera at kontrabida! Marami na ang nagagalit diyan!”

Undeniable na ang pinaparinggan niyang “devil” ay ang Senior Vice President for Entertainment ng GMA Network na si Wilma Galvante. Pahayag naman ni Galvante na nataon talagang wala nang ibang bakanteng araw ang Araneta Coliseum.

“‘Let’s Celebrate’ (the birthday concert of Dingdong and Marian) was originally set for August 29 and 30, but the Big Dome was not available on said dates. We didn’t look for another venue because GMA 7 has an existing agreement with the Araneta group,” sey ni Galvante.

Bilang response naman sa pagsaring sa kanya ni MM bilang “devil,” nakatanggap daw siya ng text message mula kay MM na nagbabalang, “Paglalaruan kita ng isang buwan.”

Naku huh, bago pa man magkalat ng tsismax na gawa sa Tide ang shampoo na ginagamit ni Wilma Galvante (gaya ng sinabi niya laban kay Fanny Serrano), sagutin muna niya ang report ng Box Office Mojo na (after 48 years) nagsasabing hindi man lang umabot sa P25 million ang first week gross ng kanyang pelikulang “My Monster Mom” at naungusan pa ng pelikulang “Wanted” na claiming niya ay tinalo ng comeback movie niya.

Anyway, karam rin ‘yan sa GMA. Masyado nilang binigyang importansya si Richard Gutierrez kaya naman nang magkaroon ng iba pang leading men ang network gaya nina Dennis Trillo, Mark Anthony Fernandez, at Dingdong Dantes, feeling ni MM wala nang puwang ang kanyang guwapong junakis.

Kung lilipat man sa ABS-CBN si Richard, gaya ng matagal na itinatakot ni MM, masisigurado bang si Richard ang magiging “Hari ng ABS-CBN” eh mas marami pa ang leading men doon gaya nina Pioling, Samantha, John Lloyd adeek, at ang paboritong boy toy ngayon ng mga baklang executive na si Jake Cuenca. Baka naman matulad din siya sa isang ring dating Reyna ng GMA na napanis nang lumipat sa Dos. ‘Yun na teh!

Advertisements

Actions

Information

3 responses

28 08 2008
eloiski

ay tamaaaaa ka!!!!

asar talaga ako sa MM na yan.
talak ng talak!
gusto nya ang kanyang junakis lagi ang nangunguna at laging bida.

pwes, pasensya na lang sya. hindi naman dapat lagi na lang sya ha.

kung lumipat sya eh di lumipat. sure na pag lumipat yan, gaya ng sabi mo, panis din kalalabasan niyan. Kahit anghel nga eh hindi nakakalagpas sa kapanisan.

29 08 2008
Maldito

ilipat nalang si Richard sa IBc 12!!lols…o di kaya sa RPN8!!may libre din sa cartoon network!

1 09 2008
bryan

basta maganda si KC

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: