Karina Montefalcon (Part 4)

26 08 2008

(Basahin ang Part 3 dito.)

Umupo ang lalake sa tabi ni Jonred, kandong niya ang isang malaking backpack. Tahimik ang dalawa, hindi nga naman sila magkakilala. Ilang sandali pa’y bumiyahe na ang bus panorte.

Paminsan-minsan sa biyahe, napapansin ni Jonred ang kanyang katabi. May katangkaran ang binata, maitim ang balat dahil sa sobrang pagbilad sa araw. Sa tingin ni Jonred sa ahit na ulo ng binata, mukhang sundalo ang kanyang katabi at tila nagpapatoo ang kanyang hinala sa sa suot niyang camouflage na pantalon. Puting t-shirt naman ang pang-ibabaw ng lalake. Hapit na hapit ito sa laki ng kanyang katawan. Pinagmasdan ni Jonred ang mukha ng kanyang katabi. Guwapo siya, singkit ang mga mata’t matangos ang kanyang ilong. Napakunot ng noo si Jonred, tila nagtataka, ngunit binale-wala na lang niya ang kung anumang hinala na nasa kanyang isipan.

Bumaling muli si Jonred sa bintana ng bus, pinagmamasdan ang nadaraanang mga puno’t malawak na bukirin. Hindi niya napansin na nararamdaman na ng kanyang katawan ang pagod sa biyahe. Dahan-dahang napapikit ang kanyang mga mata, at biglang napasandal ang kanyang ulo sa matigas na balikat ng kanyang katabing binata.

“Naku sorry,” nagulat si Jonred. “Pasensya na’t madalas talaga akong nakakatulog sa biyahe.”

“Okey lang ‘yun,” sagot ng binata. “Puwede ka namang sumandal sa balikat ko.”

Kahit na nahihiya si Jonred, nagpaubaya siya sa pagpayag ng binata na sandalan ang kanyang balikat. Dahan-dahang ipinikit ni Jonred ang kanyang mga mata at nagpadala sa pagod.

Naramdaman na lang niyang niyuyugyog ang kanyang katawan. Ginigising pala siya ng kanyang katabi.

“Stop-over tayo,” sabi niya. “Sabay na tayo kumain.”

Sa mga ganitong mahahabang biyahe, karaniwan na sa mga bus ang huminto sa isang kainan upang mananghalian at magparaos ng paltog. Magkasunod na nakapila sa counter sina Jonred at ang kanyang katabi sa bus.

“Ano’ng gusto mong kainin,” tanong ng binata. “Ako na ang magbabayad.”

“Huwag na, nakakahiya,” sagot ni Jonred. Sa isip niya, hindi pa niya ganap na kilala ang binata.

“Kahit softdrinks na lang ang ilibre ko, plis,” pagsusumamo ng binata.

Tahimik si Jonred nang ilang sandali. “Ate, sisig po sa akin,” order niya sa tindera ng karinderya. Lumingon si Jonred sa binata’t pinagmasdan ang kanyang mukha. Tila sinsero naman siya sa kanyang handog.

“Sige, kahit softdrinks na lang ang ilibre mo.”

Magkaharap ang dalawa sa mesa nang inilapag nila ang kani-kanilang mga pagkain. “Salamat nga pala sa softdrink,” sabi ni Jonred.

Isang matamis na ngiti ang sukli ng binata sa kanya. “Mag-isa ka lang bumibiyahe?”

“Oo, pauwi ako sa amin kasi,” sagot ni Jonred. “Antagal na akong hindi nakakauwi, mga limang buwan.”

“Mas matagal pala ako sa ‘yo,” sabi ng binata. “Apat na taon na akong hindi nakakauwi sa amin. Nag-aral ako sa PMA at pagka-graduate sinabak na agad ako sa Mindanao. Sinamantala ko lang ang pagkakataon na makauwi sa amin kasi baka mas matagal pa ang alis ko.”

“Saan ka nga pala uuwi,” tanong ni Jonred.

“Sa bahay ng mga magulang ko, sa Santa Praxedes.”

Nagulat si Jonred sa kanyang narinig. Tama pala ang kanyang hinala, ang binata ay walang iba kundi si Ronnie, ang kanyang kababata.

**********

Ano ang dapat gawin ni Jonred sa susunod na tagpo?

a) Magpakilala siya kay Ronnie bilang si Jonred.

b) Magpakilala siya kay Ronnie bilang si Karina.

Mag-comment para sa inyong kasagutan.

*******

(Basahin ang Part 5 dito.)

Advertisements

Actions

Information

8 responses

26 08 2008
mel beckham

A, para may gulat factor. Hihi

26 08 2008
Kiks

ganda, mare.

hmmm, sa B ako. for more challenge.

26 08 2008
The Zen Bitch

ako, A muna. saka na ang A.

26 08 2008
The Zen Bitch

ako, B muna. saka na ang A.

26 08 2008
Empress Maruja, dot com na! « Empress Maruja

[…] At huwag kalimutang basahin ang karugtong sa masalimuot na buhay ni Karina Montefalcon. […]

28 08 2008
sirena down under

ay, nakakabitin naman. anyway, i go for B! kasi Karina Montefalcon nga ang title ng istorya, eh…establishment pa lang itong bus scene na ito…korek ba, kumareng Maru? so glad at nagising ka uli, Maruja! with matching sariling dot com, tarushhh!!! ;->

31 08 2008
Momel

I go for B, gusto ko lang malaman magiging reaction nung ombre. Mukhang game eh.

31 08 2008
Karina Montefalcon (Part 5) « Empress Maruja

[…] Karina Montefalcon (Part 5) 31 08 2008 (Basahin ang Part 4 dito.) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: