Karina Montefalcon: Ang Huling Pa-gurl ng Pilipinas (Part 2)

27 07 2008

(Basahin ang Part 1 dito)

Nagtilian ang dalawa hanbang lumalapit sa isa’t isa sina Jonred at Tanya. Nagyakapan sila’t nagbesobeso…

“Aaaah…”

at chikachika.

“Mmmm!”

“Kamusta na ang aking cum laude,” tanong ni Tanya sa kanyang anak-anakan.

“Heto po’t magpapaganda kay Mama para sa kanyang graduation,” sagot ni Jonred.

“Hay naku, andali lang ‘yan noh,” sabi ni Tanya habang pinapaupo si Jonred malapit sa isang lababong pambanlaw ng buhok. “Gusto mo pa bang magpagupit?”

“Hindi na po, Mama,” sago ni Jonred. “Blowdry na lang at make-up.”

Umapaw ang usapan ng dalawa, tila bang hindi sila nauubusan ng paksang pag-uusapan.

“Ilang araw na lang pala’t eleksyon na, Mama,” sabi ni Jonred. “Boboto ka ba?”

“Alam mo anak, matagal na akong hindi bumoboto pero ngayon gagawin ko,” sagot ni Tanya. “Iboboto ko kahit sino, huwag lang manalo si Rosales.”

“‘Yung pastor,” tanong ni Jonred.

“Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kagabi sa TV,” bumalik sa alaala ni Tanya ang panonood niya ng telebisyon noong gabing iyon. Nakatipon ang mga reporter kay Ginoong Carlito Rosales, isang pastor ng pinakamalaking Simbahang Kristiyano sa Pilipinas, ang Church of the New Israel. Kandidato siya sa pagkapresidente.

“Ngayon na ang panahon ng pagbabago sa ating minamahal na bayan,” ani Rosales. “Nababalot ito sa samu’t saring kasalanan at imoralidad. At sa aking pamumuno, sinisigurado kong magbabayad ang lahat ng mga makasalanan.”

“Baka naman ibig sabihin ni Rosales sa mga makasalanan ay mga kurakot sa gobyerno,” alinlangan ni Jonred.

“Anak, kapag naging presidente si Rosales, manganganib tayong mga bakla,” sabi ni Tanya. “Alam mo naman ang mga palasimbang ‘yan, sa palagay nila sila lang ang malinis. Kaya siguro wala na’ng sumunod sa iyong yapak.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, Mama?”

Natapos na ang pag-shampoo kay Jonred. Nilagyan ng tuwalya ang kanyang buhok at pinatungo naman sa upuan ng salon. Sinaksak ni Tanya ang blowdryer. Sinindi ito’t sinimula niyang patuyuin ang basang buhok.

“Nag-iiba na ang panahon,” sagot ni Tanya. “Pansin mo nga, ikaw pa rin ang tinatawag kong ‘Bunso.’ Paano kasi ‘yung mga batang bakla ngayon, nagkukunwaring mga lalake. Bisexuals daw sila, pero if I know ni isang kepyas wala pa silang nasisibasib.”

Natawa si Jonred. “Mama talaga, baka uso lang ‘yan. Baka paglipas lang ng ilang taon, I’m sure balik-parlor din ang mga ‘yan.”

“Malamang natatakot sila sa statement ni Rosales. Sino ba naman ang hindi takot masunog sa impyerno? Kaya ikaw, anak, bumoto ka rin gaya ko,” paghikayat ni Tanya. “Hindi natin dapat hinahayaan ang mga katulad niya na ipagbawal ang karapatan nating maging maganda. Aba, tayo-tayong mga bakla dapat united laban sa pastor na ‘yan.”

“Mama, uuwi ako pagdating ng eleksyon. Hindi naman ako registered doon.”

“Ay oo nga pala, uuwi ka sa probinsya mo,” sabi ni Tanya. “Saan nga ba ‘yan uli?”

“Santa Praxedes, Cagayan. Pinakadulo ‘yung bayan namin.”

“Ikaw lang ba ang uuwi sa inyo,” tanong ni Tanya. “Hindi ka ba sasamahan ng Itay mo sa graduation?”

“Nag-text ang Itay kanina, sabi niya hindi raw siya makakarating dahil kapos sila sa pera,” kasuwal lang ang pagkakasabi ni Jonred.

“Hindi ka ba nalulungkot?”

“Kasi at least,” sabay tingin ni Jonred kay Tanya. “Ikaw ang magsasabit sa akin ng medalya.”

Natigilan si Tanya sa sinabi ni Jonred. Napakagat ng labi, inilagay ang kanang kamay sa dibdib.

“Kaya dapat pagkatapos ng make-up, magpaganda ka na rin at magbihis. Malayo rin ang PICC mula dito, noh?”

(Basahin ang Part 3 dito.)


Actions

Information

9 responses

27 07 2008
Karina Montefalcon: Ang Huling Pa-gurl ng Pilipinas (Part 1) « Empress Maruja

[…] (Basahin ang kasunod dito.) […]

30 07 2008
rimewire

hakhak

grabe naman oh

hakhak

elyens

XXXxx

2 08 2008
lotho

hahaha!!! ateng, this is so nakakatawa true. i love that our parlor is there. Ferpek!

2 08 2008
yffar

xlink po..????

blog hopping here..😀

6 08 2008
Marti

Sorry for not being around much, my husband had a stroke and I’ve been busy taking care of him. Hope all is well with you. Best wishes in all your endeavors.

14 08 2008
Sirena Down Under

hoy, Kumaru, nawawala ka na naman. Inaabangan ko pa naman ang ending nito! Hope all’s well, kafatid!😉

17 08 2008
reyna elena

off topic mare: hinahanap ko yung tag mo nung june (hehehe sori, me alzheimers ang lola) di ko na masight as in ngayon ko pa lang gagawin ang tag! hahaha

19 08 2008
Karina Montefalcon (Part 3) « Empress Maruja

[…] Karina Montefalcon (Part 3) 19 08 2008 (Basahin ang Part 2 dito.) […]

26 08 2008
akosimakoy

mukhang ma ganda ito ah… hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: