Empress Maruja, Buwiseet sa Discreet!

19 07 2008

Discreet, straight-acting gay looking for friends possibly more. No gays and effems.

Kung bekla ka’t nagbabasa ng sandamakmak na mga personal ads mula sa Guys4Men at Craigslist, malamang nadaanan mo na ang mga linya na itets. Say ng mga discreet na “it’s all a matter of preference” kuno. Kesyo mas tipes nila na sila ang pa-gurl sa relasyon o dili kaya (dili talaga oh!) ayaw nilang mabisto na sila rin pala ay tubo ang hanap. Para naman sa baklang magaganda’t namumukud-tangi ang mga katangiang pambabae sa isip, salita, at sa gawa gaya ng inyong lingkod, ang mga katagang ito’y halimbawa lamang ng diskriminasyon sa mga bakla ng mismong mga bakla.

Pero para sa nag-iisa’t kakaibang si Empress Maruja, kailangan dapat politically-correct ang lahat para maging mapayapa’t peaceful ang gay society na hati sa mga nagpapakatotoo’t mga hipokrito (ay alam niyo na kung sinu-sino binabanggit kets).

Tignan niyo naman, paano ka maituturing na “discreet” kung ang t-shirt mo’y sumisigaw na pink, o ‘di kaya’y daig pa ang babae sa pagiging banidoso. Pumapasyal sa mall na may kasamang “isang” kapwa lalake na sa sobrang close ay halos kakiskisan na ang mga braso. Discreet bang maitatawag ‘yan kung kulang na lang maglagay ng karatolang nagsasabing “Baklang Walang Palda?”

Kung itatanong niyo kay watashi, ano ba para sa kanya ang discreet na bading? Ito ay walang iba kundi ang katulad ni Robin Padilla. Bakit? Dahil kapag inamin ni Robin Padilla na bakla siya, magugulat ang lahat, matatakpan ng ulap ang kalangitan, kukulog at kikidlat, yayanig ang lupa sa kanyang rebelasyon. ‘Yan para sa akin ang discreet.

Pero kung nakasuot-lalake ka nga pero nakikinig kay Kylie Minogue o bumuboda sa pampublikong lugar gaya ng gym o nanonood ng Miss Universe taun-taon, hindi Discreet Gay ang tawag doon kundi Masculine Gay.

At heto pa ang malala, ang kapal talaga ng fez ng mga Masculinity na ‘yan na magsabing hindi sila naghahanap ng “gays.” Hoy ungas, naghahanap ka ng lalakeng mabobodabelles ano ang tawag sa iyo kung ganoon? Tiborcia? Naku huh, balde-baldeng Memo Plus Gold ang kailangan mo, pamparami ng brain cells. Che!


Actions

Information

28 responses

19 07 2008
JHVRothschild

I don’t like that word “discrete” either. I think some are just more flamboyant than others. I, for one, can still be mistaken for a straight man even in a gay club. That can suck lots of times because instead of guys coming up to me, they get intimidated.

Maybe I’m just intimidating.

What’s funny with those ads is the ones who discriminate look exactly like the ones they’re discriminating against. Ah! the perils of internet dating!

19 07 2008
mandayamoore

Amen!

19 07 2008
mink

ano yung mabobodabelles? , haha. hindi ko alam yun

19 07 2008
Joms

Mink: Makakasex.

Empress: Kaya ako, binabasa ko talaga sa profile. Madalas dun mo makikita ang difference. Ahaha.

Pero tama ka. Ang totoong masculine, tanungin mo tungkol sa Miss Universe eh maghahang ang utak. Ehehe.

19 07 2008
luisbatchoy

hayaan na natin sila sa kanilang mga “preferences” at wag na gaiwng isyu…kung ayw nila sa yo, wag ka sa kanila…pamarket market laang yan. Kaya agree ako kay Dr. Margarita Go Singco Holmes nung sinabi nyang “lets do away with labeling because it hurts.
Meron pa jan … no to chubs
works for me…
ayaw nyo sa chubs, akin na lang sila
mwahahaha

19 07 2008
luisbatchoy

ay nga pala…I forgot
tanong lang po
ikaw po ba ate…bet mo ba maka date ng “baklang magaganda’t namumukud-tangi ang mga katangiang pambabae sa isip, salita, at sa gawa?”
nagtatanong lamang po…
peace. mwah!

19 07 2008
Empress Maruja

@ luisbatchoy – Loka ka! Babae ako noh, nararapat sa macho’t matipunong lalake. Pero in ferlalou, andami kong amigang pa-girl at transgender.

19 07 2008
jericho

ay imbyerna ang empress. hehe. i heard from someone that gays are too much in a hurry to get down to business (whatever that is) and that’s why they go to straight to the point on what they prefer. thus the labels. i’m not sure how true it is. it’ll make our life easier if we don’t have our own labels. but for now, i’ll be contented to just fight against discrimination against gays of the general society …😉

20 07 2008
Momel

Hayz, basta, sawa na kong pag usapan yang mga yan. Walang ibang tawag sa lalaking gustong maka-experience ng ibang nota kundi bakla. Hindi kung anu anong klaseng pabangong double dead na diction gaya ng “discrete bisexuals.”

Cheers!

20 07 2008
themiseducationofzapped

Uu nga empress… Pasok lahat sa banga ang mga sinabi mo. Teka nga… natatawa tlga ako sa sinabi ni Luisbachoy sayo… hahahahahha…..

20 07 2008
Bombero King

panalo ito..!
i agree..!
shotang inis ang mga yan..!
kunwa kunwaring lalaki..,
pero..,
pag naka sight nang hombreng guwapo..,
nag mamadali nang takbo sa kubeta para…
pag salsalan yung biway..!
mga ulol..!
stop me ha..!
afiktid ako..!
hate ko ang ganyang drama..!
discreet kuning kuning..!
bakla din ang category ninyo..!
yun lang..!😆

20 07 2008
Geisha

discreet daw! tsehhhh! basura!😆
i dont beliv in such!

we may be pink of different shades pero bakla pa rin yun kahit anong preference!

panalo ang post na ito!😀

20 07 2008
gugmagiatay

i understand why some gays are calling themselves as discreets even if they are not. sa “paminta world” kasi eh specially if ur into chatting (mirc), wen u confess that u are gay, people have this generalization that u are a crossdresser or parlorista looking or screaming fag. so ang ending backstage ang beauty mo day sa mga chatters. lalabas ang gay discrimination nyan! this scenario is quiet different if u wud say that u are discreet or the other most misunderstood and abused word “bisexual”. im sure magiging accomodating ang target market mong yan. magkakaroon sila ng pantasya bigla tha u might be the person that they are looking for. alam mo naman ang uso ngayon girl…bakla sa bakla (yung di scream fag ha!).

20 07 2008
Baklang AJ

Discreet now, Effem Later!

20 07 2008
luisbatchoy

tinatry ko lang talaga na di masaktan at wag personalin…bakit ba galit kayo saming mga bisexuals eh tutoo naman talagang nasasarapan akong kumain ng monay eh…huhuhuuhu…pero honga naman, kahit ako nakaka encounter din ng ganyan…hehehhe…wag naman natin lahatin…ang rule ko…respetuhin na lang kung ano mang “labels” ang gustong i-attach ng isang tao sa sarili nya kahit pa gaano ka ilusyonada lang talaga sha…kanya kanyang diskarte ito… mashadong nakakabit sa panlabas na anyo kasi ang batayan natin at nagiging judgmental tayo… ang alam ko lang sexual preference ang bisexuality eh… kahit pa “magaganda’t namumukud-tangi ang mga katangiang pambabae sa isip, salita, at sa gawa…” kung kumikislot si manoy pag napapasabak sa talab(i)a, bisexual talaga sya, kahit mag sampa ka pa ng reklamo sa korte suprema… pero kahit gaano pa sya ka macho buff gruff testosteronic kung talagang Erectile Dysfunction sha sa moriah carey…baklush sha…yun lang naman.

20 07 2008
mrs.j

very well said ate!

tama yan plz tigilan ang mga pagiging chuzi!!!!!!!!!!

20 07 2008
Kevin Paquet

Greetings Pinoy!

I’m 17yro Kevin Paquet from Davao City, currently blog hopping!
Can we exchange links? My website is pinoyteens.net
Hoping to know you better and that we’ll have a happy blogging relationship!
If you accept our link exchange request, please comment back on us so that we’ll add you then🙂 [hirap mag monitor ng mga responds sa comments namin sa dami ng blogs na dinalaw ko]

ps: you can also add me on ym if you want: i.believe_11

Salamat po!
We’ll leave on topic comments next time, sorry for this offtopic one, kaya nga naghahanap kami ng link exchanges to also exchange good comments in future ^^,) bow

21 07 2008
The Zen Bitch

ako din, amen!

21 07 2008
chuchucaracas

truly. sa tingin ko kung may lakas ka ng loob na kumopas at magpa-uros (kopas t uros talaga!) dapat mas malakas ang loob mong aminin kung ano ka talaga. kung bakla ka tapos ipagpipilitan mong slight lang edi sana naging pusa ka na lang (may ganon!) bwahahaha…

21 07 2008
hitokirihoshi

naku baka maging source kita sa ipo-post ko sanang blog, kahapon kasi ang topic sa “ang pinaka” ay yung ten signs kuno para malaman na bading ang asawa mo.”

mas nakakaloka ang item na ito kaysa doon at bonggang-bongga!

21 07 2008
chuchucaracas

yung mga nagde-deny na bading sila sana hindi na sila makakita, makahawak at makatikim ng nota! bwahahaha

21 07 2008
Kiks

AAAAMZ!

22 07 2008
adurittenhouse

basta pag sasabihin ni butch francisco na straight siya, may sasampal sa kanya. lol…

kung sino yung nagpapakadiscreet eh yun pa nagmumukhang bading. promise! ahehehe at nung niladlad ko na ang kapa eh marami sa mga bf ng mga babae kong kaibigan ay naiinis sa akin kesyo baka nagbabading badingan lang daw ako. ano ba? lol

22 07 2008
reynz

straight looking fag here iso discreet relationship hahaha tigilan ako nang mga straight acting ever na yan, i’ve met a number of these straight acting for only 1 second meyat meya nyan tumatalsik na ang nails hehehe discreet yun pala me mga kaimbudo na! grrr!

23 07 2008
MrCens

greetings from dubai!

aminado akong gay ako pero akward naman kung ipapakita ko dahil sa laki ng katawan ko at di ako natutong ipakita sa lahat ng panahon. may mga tao talaga na kagaya ko na kahit ipagsigawan man sa mundo ang totoong pagkatao, nalalagay pa rin sa alanganin dahil iba-iba ang interpretasyon ng bawat isa. anyway, count me in. minsan galit din ako sa sarili ko dahil may mga pagkakataon na naitatago ko rin….

25 07 2008
mel beckham-atienza

‘straight-acting’, ‘discreet’. my ass!

late reaction akez, ngayon ko lang nabasa eh. hihi

14 08 2008
goddess

galit na galit.

diba sabi, “tough guys wear pink!” – ULOL!

nagpopost pa sa g4m ng “discreet”.. pag-naview na ba ang profile mo, discreet ka pa rin?

so much..!

17 08 2008
huse

hey would just like to advertise:
UP CAST together with UP Babaylan, invites you to a special screening of the WORLD PREMIER of an independent Filipino PSYCO-DRAMA film, “LATAK” by Jowee Morrel at the UP Film Institute on AUGUST 21, 2008 at 7:00 in the evening.

SYNOPSIS

When a young director Andrew Locsin discovers the cruel betrayal of his lover and friends, his vice triggers a destructive entanglement of his dark past. An ordeal that was haunting his unconciousness and graphic memories surface. Thrown into a mix of spine-chilling hallucinations and paranoia he comes face to face with the mysterious ghost of a mother and a girl. With no one to trust, the demons in his nightmares appear in his fight for survival in a horrifying doomed reality. Extracted from tumultuous true to life events, the film will take you into the dark side of grim reality.

tickets @ 100
contact: huse @09166520990
link for more info: http://chador.multiply.com/journal/item/121/watch_the_WORLD_PRMIERE_of_LA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: