Empress Maruja, Muntikan nang Magtahi ng T-back!

14 07 2008

Sa ikalawang taon ng panghuhulascope ni Empress Maruja sa kung sinechiwa ang magwawagi sa Miss Universe, medyo 50-50 ang naging resulta. Tama ang prediction kets na manggagaling sa South America ang titelera, pero feeling niya mas wagi si Miss Colombia Taliana Vargas. Kaya lang, sinaniban si Taliana ng espiritu ni Miriam Quiambao na pagkagaling-galing sa bimsu’t gowning pero pagdating sa Q. A., sablay.

Kasi naman, kahit sino hindi perpekto ang buhay. For sure mayroon tayong isang pagkakataon na gusto nating baguhin sa ating life. Kung buhay marahil si Princess Diana, halimbawa, malamang sinabi niyang dapat sana’y hindi siya nagpakasal kay Prince Charles. Ang lola niyo naman, dapat siguro sana’y nag-aral siya sa isang all-boys school noong high school.

At dahil diyan, inuwi ni Miss Venezuela Dayana Mendoza ang marahil ay pinakachakang korona sa kasaysayan ng Miss Universe. (Sigaw ng mga bekla: IBALIK ANG PERLAS!)

Maliban sa liksi ng pag-iisip ni Miss Venezuela noong Q.A., may ilang mga sekreto ang nahalungkat si Empress Maruja sa kung bakit wagi ang babaeng mula sa Amazonas:

Pumili ng namumukud-tanging gown. Kung gagamit ka ng gownang sa Miss U, siguraduhing aangat itets sa entablado at hindi jiniram mula sa mga nakaraang beauty queen (gaya na lang ng recycled gown ni Miss Dominican Republic na ginamit na sa Miss Venezuela pageant two or three years ago).

Mabuti na lang ang gown sa itaas ang ginamit ni Dayana sa actual competition at hindi itets…

Ika nga ni ZsaZsa Zaturnnah: “Nag-gown ka pa.”

Kung may gagayahin ka, ‘yung ikagaganda mo. Aminin, ilang kandidata ang umikut-ikot sa stage habang naka-evening gown, tulad ng ginawa ng last year’s Miss Universe na si Riyo Mori? Andyan si Miss Venezuela, Miss Colombia, at maging si Miss Russia Vera Krasova. At dahil diyan, pasok sila sa Tough 5.

Miss USA falls

Hindi tulad ni Miss USA Crystle Stewart. Iba’ng ginaya. Che!

Pero ang pinakawagi sa pageant na itets ay walang iba kundi si…

Riyo Mori wearing a tuxedo for her Farewell Walk! BENGGA KA NIH!

Advertisements

Actions

Information

6 responses

14 07 2008
reyna elena

Shockies to the max nga ako nung nag triple axel si Miss USA hahaha! Kala ko nag-open na ang gymnastics sa Olympics, wala pala to sa Beijing! Agree with you, I really really adore Riyo Mori with her tux, as in uber ang galing!

It’s that interview question at ung sagot talaga ni Venezuela ang nakakatawa kasi parang biro na totoo and am sure ma-cha-challenga ang mga lalaki sa sinagot nya which won her the crown. si Colombia? Weedeee baaaa! Parang yong tanong na “what’s your weakness?” sagot? “wala talaga! walaaaa” hahahaha

15 07 2008
adurittenhouse

huh? sabi ko na nga ba eh ginaya talaga. di na ndala, lumang joke na yan miss USA! hahahahaha buti naman si venezuela nanalo. ewan ko kay miss russia, dulinggerzi ang drama. ewan ko lang. hehehehe…

drama ni miss riyo mori IDEA ko yun! punjata ka talaga! yeah, for real. because i designed a tux for my friend back in our province pag binigay na niya ang crown (lesbian kasi siya) kaya sabi ko sa kanya instead of gown mag tux ka… haaay narinig ata ni riyo iyon (nakakaentende pala ng besaya).

and as usual, gugustuhin ko man di talaga pa rin ang ms philippines, na in fairness sa kaniya maganda pa naman. 8 years nang nakaraan wala pa rin kahit top 15 man lang… haaaay… ikaw na sana maruja ang mag make me a beauty queen na drama. hay!

15 07 2008
Misterhubs

I so love Riyo Mori for wearing that tux. She’s my favorite Ms. U ever.

15 07 2008
BADoy

ang ganda ni Riyo Mori… astig!!!

16 07 2008
themiseducationofzapped

Wow… kakaiba nga sya. Pero di ba yung gown kanina na parang bathrobe lng na yari sa dilaw na kurtina eh…. gaya ng gown ni JLo dati na sinuot nya ata sa grammy award kaso kulay green lng yung kay jlo?

http://themiseducationofzapped.wordpress.com/

17 07 2008
Lyka Bergen

Kalokah nga ang Tux ng Riyo! Bravo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: