Empress Maruja, Ang Baklang “Punggok”

14 07 2008

Hindi maitatatwa ang katotohanang hindi matutupad ang pangarap ni Empress Maruja na maging isang nyora sa modeling dahil sa kanyang height na 165 centimeters, pero deadma na lang ang lola niyo. Huli na kasi nang ipinakilala ang Cherifer PGM sa Pilipinas.

Anyway, lashweek sodom gumora ang buong family sa Cavite upang dalawin ang balikbayang kumare ni Mujay. Para raw makita kaming magshushupatid, sey ni Pujay. After ng aming two-hour flight, nakarating din kami sa isang shalahang subdivision sa gitna ng isang malawak talahiban sa Bacoor. Wala pa sa balay si Miss Melba nang dumating dami, kaya nag-abang na lang kami sa sala sa piling ng isang boteng Coke.

Hindi ako masyadong enthusiastic sa aming pagdalaw (sarilihin ko na lang ang rason), kaya habang naghihintay ang family ay abala kets sa nilalaro kong race game sa aking cellphone. (Makamasa lola niyo, wang andalou blanco pambaysung ng Nintendo DS.)

Dumating si Miss Melba at nagbeso kaming lahat. Ipinakilala kami isa-isa ni Pujay at naupo muli kami sa sala’t balik-paglalaro naman ang aking drama. Hindi ko masyado naririnig kung aneki ang kanilang pinag-uusapan, pero natatantya ng tenga kets kung si watashi ang kyopik.

“Eto si Maruja, nakarating na rin sa America,” sey ni Pujay.

“Siya pala si Maruja,” sagot ni Melba. “Laging siyang kinukuwento ni Kumare sa akin.”

Dumaan ang ilang sandali nang sabihin ni Melba, “Aba, punggok pala siya.”

PUNGGOK! Kalokah, knows kong 165 cm lang akets pero never akong tinawag na punggok.

“Punggok si Maruja. Yamanin siya!”

At inulit pa!… Wait, ano’ng yamanin?

“Try nating ilibing sa lupa baka tumubo ng ginto,” sey ni Sisterette.

Ako, ililibing nang buhay? At tutubuan ng ginto? Nasa Pilipinas pa ba akets?

Inabot nang ilang oras, nang nakarating kami sa aming local car wash upang mag-family dinner nang ma-realize kets kung ano’ng kapunggukan ang pinag-uusapan nila.

“Tangek, hindi ikaw ‘yung punggok,” sey ni Sister. “‘Yung kuko mo raw ang punggok.”

Napatingin akets bigla sa aking malasutlang mga kamay. Tama nga si Miss Melba, maliliit ang aking mga kuko. Sa susunod nga makikinig na akets sa usapang makokyonda. Che!

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: