Gay Word of the Week: Nota Republic

9 06 2008

Sa libu-libong taong may kanya-kanyang inaabala sa isang magulong siyudad, isa sa kanila ang namumukud-tangi. Maliit at may taglay na kayumangging kaligatan, si Emerson ay ilang buwan nang bagong salta sa Maynila bilang isang mag-aaral sa kolehiyo.

Mayroon siyang isang misyon upang mapabilang sa theater guild na inaaplayan niya: Puntahan ang Quiapo gamit ang address na bigay ng isang senior member. Bumili ng “color bars” mula roon at ipakita sa seniors. Ang dali lang, hindi ba?

Ang hindi niya alam, hindi nabibili ang color bars. Ito ang napapanood mo sa telebisyon kapag wala sa ere ang istasyon.

Saan kaya ito, tanong nito Emerson sa sarili. Pabalik-balik ako my kalye pero hindi ko mahanap ang Ginto Cinema.

Native ang kagandahan ni Emerson. Noong nasa high school pa siya, kinoronahan ang balingkinitan na ito bilang Miss BaranGAY sa kanyang hometown sa Pinukpuk, Kalinga Province. Lagi niyang ginagamit si Angel Aquino sa kanyang mga laban. Parang lucky charm kumbaga.

“Learning to love one’s self is the greatest love of all. Good evening, ladies and gentlemen. Standing in front of you is a 16-year-old stunner Merlita Fabulosa, mas kilala bilang nag-iisang anghel na hinding-hindi mapipirata. Ang pinakamagandang morena sa balat ng lupa, si Miss Angel Aquino…”

Napag-isipan niyang wala naman sigurong masama kung magtanung-tanong na siya kaysa naman sa manatiling magmukhang tanga sa Maynila, pero dahil hindi niya alam kung sino ang mapagkakatiwalaan una niyang sinanggunian ang Barangay Tanod.

“Manong, saan po itong Ginto Cinema,” tanong ni Emerson.

Nanlaki ang mga mata ng tanod, tila nagulat sa sinambit ng probinsyana. “Diyan lang,” pagmamadaling turo niya sabay linga sa ibang direksyon. Hindi na siya pinansin. Upang hindi masayang ang oras, naghanap na lang siya ng ibang mapagtatanungan.

“Ah, katabi lang ito ng Isetann,” sabi ng herbolaryang nagtitinda ng mga pamparegla. :”Diretso ka lang, tapos makikita mo rin ‘yung sinehan. Iba na nga pala pangalan n’un, Peace Theater.”

‘Yun pala ‘yun, sabi ni Emerson sa sarili. Kaya hindi ko mahanap dahil iba na pala pangalan ng sinehan.

Hindi na niya ikinataka kung bakit mabibili lamang sa sinehan na ito ang color bars. Baka nga namang mabibili ito kasama ng popcorn at softdrinks. Pagkabayad niya ng tiket, umakyat siya patungo sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang sinehan.

Kapansin-pansin na maraming kalalakihan ang sinehan. Maraming nakatambay sa pasukan. Naisip na lang ni Emerson na baka naman puno ang sinehan.

“Ale, may color bars po ba kayo,” tanong ng probinsyana sa tindera ng softdrinks. ‘Di tulad ng iba pang mga sinehan, walang popcorn dito ngunit sagana ito sa sigarilyo, kendi, tsitsirya, at maging instant pancit canton.

“Wala, saan mo ba nalaman ‘yan,” tanong pabalik ng tindera.

“Ah eh…napagsabihan po ako na may mabibiling colors bars dito,” sagot ni Emerson. “May iba pang lugar kaya na mapagbibilhan nito?”

“Hindi ko alam kung ano ang color bars na ‘yan,” sabi ng tindera. “Ang alam ko lang, taun-taon na lang may nagtatanong dito’t naghahanap ng color bars. Itanong mo dito sa mga nakatambay kung may alam silang mapagbibilhan ng color bars.”

Nagpasalamat na lang si Emerson at nagtungo sa loob ng sinehan. Nang masanay na sa dilim ang kanyang paningin, ikinagulat niya na hindi naman pala puno ang sinehan ngunit maraming lalaki ang nakatayo’t palakad-lakad sa loob. Tila may mga hinahanap.

Napansin niya ang isang matangkad na lalakeng nakatayo lang sa isang kanto.  Nilapitan niya ito upang mapagtanungan.

“Kuya, maaari po ba magtanong,” sabi ni Emerson.

Nakatitig lang sa kanya ang lalake, tila suplado.

Hindi naman ito napansin ng probinsyana.  “Kasi gusto ko sanang malaman kung may mabibili ba ditong color bars.  Saan ko kaya makikita ‘yun?”

Ilang sandali pa’y sumagot ang lalake sa dilim.  “May color bars ako.  Gusto mong makita?”

Ikinatuwa ito ni Emerson.  “Talaga?  Saan?”

“Sundan mo ako,” sabi ng lalaki.  Naglakad ang lalaki patungo sa bandang harapan ng sinehan.  Sinundan ito ni Emerson, nagbabakasakali pa rin na makikita niya ang color bars.  Umupo ang lalake’t sinenyasan si Emerson na tabihan siya.

Pag-upo ng probinsyana, napansin niya na maraming magsingpares na nakaupo sa sinehan.  May isang pares ng lalakeng naghahalikan, ang isa nama’y dinidilaan ang matipunong dibdib ng isa pang lalaki, at tumitirik ang mata ng isa pang lalaki.  Tila may ginagawa sa kanya na hindi makita ni Emerson.

“Gusto mo bang makita kung saan ang color bars,” tanong ng lalake.  Paalinlangang tumango na lamang si Emerson.

Hinawakan ng lalaki ang makinis na kamay ni Emerson.  Pinalapat ito sa dibdib ng lalaki’t dahan-dahang ibinaba hanggang mahawakan ni Emerson ang isang matigas na nangangalit na bareta.

“Pula ang color bar ko,” sabi ng lalaki.

“Ito ba ang color bar,” pagtatakang tanong ni Emerson.

“Oo naman,” kumpyansang sagot ng kanyang kausap.  “Hindi mo ba alam na isa itong Nota Republic?”

Binuksan ng lalaki ang kanyang siper sa pantalon at tumambad kay Emerson ang isang napakalaking color bar.  “Dahil mukha ka namang mabait, libre na ‘yan,” sabi na lang niya.

**********

NOTA REPUBLIC:  (noun) a cruising place for men

Etymology: A play on the term “Notary Public,” from NOTA (penis).


Actions

Information

8 responses

9 06 2008
kalansay

hahahahahahaha wala akong masabi parang gusto ko ring pahanapin ako ng color bars. hehe

9 06 2008
Joms

Hula ko, isa ka sa mga writers sa KK no. Haha.

10 06 2008
ate sienna

kakalurki!!! pero bakit parang bitin??? gusto ko ng sordid details. hehehehe

10 06 2008
reyna elena

Bitin nga Ate Sienna!!! Hahaha! Tapusin mo Mare! Utang na loob!!! Anong ginawa ni Emerson? Me ginawa ba sya? Ano ba sya? Panooooo???!!! HAHAHAHA

11 06 2008
The Zen Bitch

puwede rin na alternate word of the week ang “color bar”🙂

12 06 2008
goddess

kaninong katauhan mo naman hinango ang kwentong ito? kilala ko ba siya? hmm.. ilang color bars na kaya ang nakita nya?

14 06 2008
Baklang AJ

saan yung Peace Theater? Gusto ko rin bumili ng colorbar!

22 06 2008
Gay Word of the Week: Tiya Pusit « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] Gay Word of the Week: Tiya Pusit 22 06 2008 Dahil nawili ang lahat kay Emerson ilang linggo ang nakaraan, narito ang karugtong ng kanyang kuwento. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: