Empress Maruja, ang Usisera ng (Isang Maulan na) Aliwan Fiesta 2008, Part 1

5 05 2008

Bilang bahagi ng aking “cultural panata,” sodom gumora si Empress Maruja sa Aliwan Fiesta 2008. Itechiwa ang engrandeng pakabugan, pasiklaban, at pabonggahan ng iba’t ibang mga festival sa buong Philippines. Heto dapat ang gagawin namin ni Larra noong minsang napag-usapan namin ang Aliwan, pero sa kasamaang palad ako lang ang natuloy sa planong ito.

Anyway, pangalawang taon ko na’ng may-I-watch-the-festivities ang drama. Kung lascheer medyo kyonga ang bekla dahil pumunta ba naman ng Aliwan 2007 ng alas-4 ng hapon kaya ayan walang maupuan, discheer I made sure na talagang alertness na akets. Nakarating akets sa harapan ng Aliw Theater ng ala-1 ng hapon, pero puno na ang bleachers. Andaming mas alert sa akin huh!

Sinubukan kong kontakin si Charming, ang staffer na nagbigay sa akin ng passes para makapasok sa backstage (pangit man ang view dahil nakatalikod ang mga dansur, at least mas malapit). Nasa Quirino Grandstand daw siya, so kyoksikey ang bekla. (Kung hindi lang ako may lakad, nilandi ko ‘yung drubang, ching!)

Sa kabilang dulo ng Roxas Boulevard, malapit sa Grandstand at Museo Pambata, nakapila ang lahat ng mga delegado at float para sa Aliwan 2008. Dinumog itets ng mga photographer, mga cameraman, mga turista, at mga natisod lang. Agaw-pansin agad ang float ng Panagbenga Festival ng Baguio na may artificial waterfalls pa, habang nasa ibabaw naman ang kanilang kandidata para sa Reyna ng Aliwan.

“Bakla ba ‘yan,” tanong ng isang usisero sa vendor.

“Hindi naman siguro,” sagot ng kausap.

Nagkita kami ni Charming at ibinigay sa akin ang backstage pass, pero dahil tutal nandoon na ako, nakigaya na rin akets sa mga utaw na nandoon at nagkuha rin akets ng mga pictures mula sa aking primitibong cameraphone. Oh well, at least, nandoon ang memories.

Itets ang float ng Kadayawan Festival ng Davao City. Although may mga participant na mega-bigay todo talaga sa pag-pose kapag kinukunan, personally mas gusto ko ‘yung candid lang ang dating. Tipong kunwari hindi sila kinukuhanan, gaya ng susunod…

Itechiwa naman ang float ng Buklod Festival ng Parang, Shariff Kabunsuan. Naku, kung puwede lang maging “akyat-barko” ang drama ng bakla…ching!

Ang mga lalake sa Sa-ad Festival ng Leganes, Iloilo. Mahiyain ‘yung naka-orange kapag pinapa-pose ng mga photographer.

Sa kasagsagan ng mga kodakan at pakitaan ng mga tugtugan at dance step, na-feel kets na medyo some kinda may ambon kahit na hindi naman gaanong maulap. Ilang saglit pa’y biglang bumuhos ang ulan at wala akong ibang mapuntahan kundi ang pinakamalapit na puno para masilungan. Nagsitakbuhan din ang mga participant, pero ang Sinulog contingent ng Carmen, Cebu, mga pasaway. Sumayaw habang umuulan.


(Notang mahaba: Kinunan ko itets after the rain.)

Hulaan ninyo kung ano’ng nangyari. Tama, MAS lumakas ang ulan. Dahil walang payong ang Empress Maruja, isa siyang binabad na bakla. Hindi naman ako makaalis sa kinasisilungan kets, hanggang sa ilang minuto pa’y nagsidatingang parang magic ang mga tindero ng payong. P100 ang singil sa isang pirasong payong na sirain at madaling mabali. Try akets tawaran ng P90 pero pasaway din si Manong.

Hawak ang payong na tinatagusan din ng ulan sa ilalim, naghanap akets ng masisilungan. Sa kinatatayuan ko, ang pinaka-logical na gawin ay tawirin ang Roxas Boulevard at makisilong sa mga gusaling naroon. Huli na nang malaman kong may namuong baha along the way. May “mukha namang sandals ang aking sho-es” pa akong nalalaman.

Pumasok ako sa Chowking at umorder ng pagkain para magkaroon ako ng rason para magtagal doon. Nilabas ko ang aking nyelfon, mga papeles at iba pang gamit na nabasa sa ulan. In fairness, hindi sila nasira. Ang problema ko na lang… good luck sa pagpapatuyo.

(Itutuloy)

Advertisements

Actions

Information

5 responses

5 05 2008
ate sienna

modir, gusto yang mga ganyang hada. wala kasi dito nyan eh. pero chakaness naman na inulan ka. harinawang wag kang datnan ng colds en cough.

6 05 2008
paolo

Lolz! “bakla ba yan” ..provided a mental picture of how she might have looked like. =)

6 05 2008
kalansay

susyal!!!

6 05 2008
Lyka Bergen

Eksenadora ang mga taga-Cebu! Oo na! Kayo na na naman ang mananalo! Contest ba ito? Chos!

12 05 2008
linglingbells

sayang naman at inulan yung aliwan fiesta 2008… pait tuloy ikaw, nabasa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: