Mga PagbaTITI #2

20 03 2008

Kumakaway ang kamay ng inyong lingkod. Pagpasensyahan na kung medyo mamasa-masa. Eyneeweys, may mga bago na namang babaTITIin ang Empress Maruja:

Una na diyan, si Kumareng Val Zubiri (member ng “Kapwa Ko Mahal Ko” Chicago Chapter) na umeffort talagang magpadala ng e-mail at may-I-invite ang lola niyo na bisitahin niyo ang kanyang e-book na pinamagatang “Valentino Zubiri: Nude Drawings and Paintings from 1995 to 1996“. Kayo ha, nabasa lang ang salitang “nude” sodom gumora na agad sa link. Huwag ganoon, hindi pa tapos ang watashi sa pagbaTITI. (Pajiram na rin Mareng Val ng isa mong drawing. Naluka ako sa form nitets.)

Kaway din kets kay biway-ever na si DJ Dense Modesto (DJ as in “disc jockey”, hindi ‘yung sosyalerang utangerang binabara ni Brian Gorrell) dahil may-I-link ang inyong kagandahan sa kanyang super-shalang Multiply site. Salamat kay Janina San Miguel at napansin ako ni Pogi.

Nagpapasalamat din akets sa mga may pakana ng GLAAD (Gay and Lesbian Alliance Against Defamation) dahil may-I-link din silasa kanilang blog ng aking post tungkol sa “Gayest Show on TV“. Thank you so much (I think that’s enough Eynglish for now).

At kahit hindi niya ito maiintindihan, binabaTITI ko na rin ang aking kachikang Venezuelanang si Luis dahil sa wakas nagkaroon na uli siya ng love life.  Mantakin niyo, 27 ang lola niyo’t nakasungkit ng Daisy…Daisy Ocho (habang ako naman majilig sa majojonta dahil “ang lalake’y parang alak, habang tumatanda lalong sumasarap”).  Buong pagmamalaki niya talagang pinakilala sa akin ang bagong juwa-er.  (Hanapin niyo ang juwa sa photo, madali lang ma-knows.)

Speaking of juwa-ers, as usual flopchina na naman ang lovelife ni Empress.  Wiz na kasi nag-reply ang Irish community worker na talagang dinuguan ko ng ilong dahil sa Ingglisan sa chat.  Kebs…Holy Week naman, ilayo ang sarili muna sa karne.


Actions

Information

2 responses

20 03 2008
Lyka Bergen

Flopchina ang Lovelife? Apiiiiir!

20 03 2008
Empress Maruja

@ Lyka Bergen – Ah mmm, Mare… ah mmm…🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: