Gay Word of the Week: Bakal Boys

9 03 2008

Kakaunti pa lamang ang mga tao sa loob ng mall kahit tanghali na, kung kaya’t mapakalamig ng lugar pagpasok ni Edwin.  Kahit na napalawak ng lugar dahil halos walang tao, sagana naman ito sa mga hinahanap niya.  Pagdating sa pinakatuktok na palapag, kung saan matatagpuan ang mga mumurahin arcade at maiingay na videoke machine, naroon ang napakaraming Bakal Boys na tila may mga hinihintay.

Nilibot ni Edwin ang palapag na iyon, tila may hinahanap.  Imbes na sa mga bintana ng mga tindahan tumitig, diretso lang ang kanyang tingin ngunit sa kabilang dako nakapukaw ang kanyang atensyon.  Mabuti na ang hindi mahalataan ng guwardiya.  Sa gilid ng kanyang paningin, nakikilatis niya ang bawat isang Bakal Boy.

Iba’t iba ang estilo sa pagbusisi sa kanila.  May ilang binabase sa kanilang suot, ang iba nama’y nahahalina sa kanilang pangangatawan, at may mangilan-ngilan na katulad ni Edwin na pinagbabatayan lang ang pagkilatis sa isang malaritwal na sitwasyon:  Kailangang magkatitigan muna silang dalawa, ngingiti ang bakla, at kapag ngumiti pabalik ang lalake lalapit ang bakla na tila ba nakasalubong ng kaklase mula hayskul na matagal nang hindi niya nakikita.

Ganito ang mismong nangyari kay Edwin habang kinukuwento ito.

“Uy! Musta na,” bati niya sa isang lalakeng halos kasing tangkad lang niya, moreno ang balat, at matikas ang pangangatawan.  Hindi kasing uso ang suot nitong asul na t-shirt at kupas na pantalong maong kumpara sa iba pang mga kaedad niya sa paligid.

“Okey lang, okey lang,” kumpiyansang sagot nito.  Pinapakita pa rin niya ang kanyang puting mga ngipin.  Halatang hindi siya naninigarilyo, isang bagay na pinandidirihan ni Edwin.

“Pasensiya na ngayon lang ako nakarating.  Traffic kasi eh,” nagkukunwari siyempre ang bakla.  Ang batas sa kalakarang ito ay ang hindi pagiging halata, kaya nga nakapantalon at polo siya, hindi lantad ang pagkembot ng kanyang balakang, at tinitignan ang mga kuko nang nakaharap ang palad sa kanya.

“Walang problema ‘yun.  May kasama ka,” tanong ng binata.

“Wala,” nangangapa sa pagsagot si Edwin.  Hindi pa rin niya gamay ang palakad dito.  “May hinihintay ka ba?”

“Dapat may kasabay ako ngayon, kaya lang mukhang inindyan ako eh.”

“Ay, kawawa ka naman.  Gusto mo kumain muna tayo sa foodcourt?  Tanghalian na.”

“Mamaya na lang siguro,” nahihiya ang binatang banggitin ang susunod na sasabihin.  “Kapos ako sa pera eh.  Puwede bang makautang?”

“Walang problema,” sagot ni Edwin.  “Saan mo ba kailangan?”

“Hindi nakapagpadala ang Nanay ng pangmatrikula eh,” nakayuko ang binata.

“Ano ka ba?  Huwag kang mahiya,” pangiting sambit ng kausap.  “Magkano ba ang kailangan mo?”

“Kahit one-five na muna.”

Matagal nag-isip si Edwin.  Tinitigan niya ang binata’t mukha namang sinsero ito sa kanyang sinasabi.  Ayaw niyang maulit ang unang pagkakataong sinenyasan lang siya ng “okey” na akala niya’y sumisimbolo sa “tatlong daan” na ‘yun pala’y hihingan siya ng “tatlong libo” noong nakapatong na ang lalake sa kanya.

“Sige,” sabi ni Edwin.  Kinuha ni Edwin ang kanyang pitaka, na ikinagulat ng binata.  Naglabas siya ng salapi, dahan-dahang nirolyo, at palihim na ibinigay sa kausap.  “Kahit hindi mo na bayaran,” dagdag pa niya.

“Paano ka,” tanong ng lalake na may bahid ng pag-aalinlangan.

“Kung gusto mo, buong maghapon lang tayo mag-usap.  Mukhang mas nanaisin ko na lang na maging magkaibigan tayo,” pangiting sabi ni Edwin habang inialok ang kanyang kamay.  “Ako nga pala si Edwin.”

“Jerome,” sagot ng lalake.  Iniabot niya ang kamay ni Edwin at nagkamayan.

“Kumuha na ako ng kuwarto,” sabi ni Edwin.  “Doon tayo mag-usap.”

**********

Bakal Boys – (noun) male prostitutes hanging out inside a mall

Etymology:  From the Tagalog word “bakal” (steel), referring to the steel railing where the Bakal Boys like to idle.


Actions

Information

10 responses

9 03 2008
momel

Ahhh, so that’s what they are.

Nice. I can use the term.

He hee, muah!

9 03 2008
Fau Rafili

marami akong kilalang bakal boys. pero tila yata napakalaki ng singil ng bakal boy na yan.

9 03 2008
wei vines

bakal boys: literal naman samen to: magnanakaw ng bakal para ibenta sa junk shop… hahah!

9 03 2008
Maldito

baka may dala talaga silang bakal..bulitas?lols.

10 03 2008
reyna elena

Bakal Boys ha? Hmmm… saan sila kamo? Uuwi ako sa Mayo! hehehe! Makapag-tambay nga dyan! Ngayon kung me kilala kayong trusted na bakal boys hehehehe alam nyo na ang email nang reyna! HAHAHA DALIIII!!! Tumatanggap ba sila nang Paypal???

Bakal is also bikol term for “buy” kaya getz ko na sya when i saw the headline.

10 03 2008
foobarph

wow maru! bagong term ito ah! apir! ^_^

10 03 2008
harryparker

BAKAL BOYS? FOR STRAIGHTS, ITS JUST A BOY HAVING A SUPER HARD WEAPON FOR THE SATISFACTION OF OUR GIRLS… and GAYS? HEHEHE!

13 03 2008
farouche

i love it!🙂 i mean the term bakal boys..🙂 some of my friends call them, colbam. or soemthing like that🙂 and pump-up-the-jam

13 03 2008
neilxxx

bakal boy???? hmmmm nko dito samin hindi bakal boys ang tawag jan….kundi desperado boys yan…hahaha

13 03 2008
potpot

where can we find these boys? i want to meet them.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: