Gay Word of the Week: Boogie Wonderland

24 02 2008

“Tok tok, Mare. Merry Christmas!”

Nagbibiro siyempre si Wendy. Matagal pa ang Pasko, pero matagal na siyang nakaabang sa may pintuan ng kanyang kaibigang si Cheska. Hindi kasi nito sinasagot ang kanyang paulit-ulit na pagkatok.

“Mare, sayang naman itong niluto kong pochero.  Lalamig ito, sige ka.” Paulit-ulit kinatok ni Wendy ang pinto, at sa puntong ito naisipan lang niyang ipihit ang tarangkahan.  Bukas pala ito.

Madilim sa bahay ni Cheska.  Dahan-dahang pumasok si Wendy habang naninibago pa ang kanyang paningin.  Sinubukang balansehin ni Wendy ang pochero sa isang kamay habang kinakapa naman ng kabilang kamay ang sindihan ng ilaw sa pader.

Wala sa paligid si Misis.  Pinatong na lang ni Wendy ang ulam sa mesa’t pinasok ang nag-iisang kuwarto roon.  Baka sakaling tulog pa rin ang kumare, pero hindi pala.

Nakaupo sa isang sulok ng kuwarto ang kaibigan ni Wendy, punung-puno siya ng mga pasa sa katawan.  Wala siyang imik, hindi siya umiiyak.  Malamang naubos na ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Mare, Mare,” buong awang nilapitan ni Wendy si Cheska.  “Ano’ng nangyari?”

Matagal ang nakakabinging katahimikan bago pa man makapagpalabas ng salita si Cheska.  “Wala ‘to.”

Hindi naniwala si Wendy.  “Sigurado ka bang walang nangyaring Boogie Wonderland kagabi?”

Nagsimulang lumawa muli ang mga mata ni Cheska.  “Ano ba’ng laban ko?  Ano ba’ng laban ng isang binibining tulad ko sa isang tulad ni Rafael?”

“Buwisit na pulis ‘yan,” komento ni Wendy.  “Bakit nag-init ang ulo niya sa ‘yo?”

“Ayoko kasing pumayag sa gusto niya.  Pinipilit niyang ipuwersa ang sarili niya sa akin, pero ayoko.”

“Ano ba’ng nakakatakot kay Rafael,” tanong ng kaibigan.

Nagsisimula nang lumuwag ang pakiramdam ni Cheska.  “Saan ka ba makakahanap dito sa Pilipinas na ang lalake may gasawang ari?”

Doon lang napagtanto ni Wendy na totoo pala ang tsismis:  Kaya pala walang babaeng mangahas na maging malapit kay Rafael dahil natatakot sila sa kanyang ahas.

“Sana tiniis mo na lang,” payo ng bakla.  “Parang sugat lang ‘yan, gagaling din kalaunan.”

Narinig na lang nilang may pumasok sa bahay.  “Mare, baka si Rafael ‘yun.  Kausapin ko siya.”

“Huwag baka masaktan ka,” paawat ni Cheska.

Tinignan lang ni Wendy si Cheska nang may pag-aalala, na tila bang nagsasabing “kaya ko ‘to”.

“Basta kumain ka na lang muna.  Sayang naman kung lalamig ang pochero,” sagot ni Wendy.

Kalaunan, dahan-dahang isinusubo ni Cheska ang ulam, habang inako naman ni Wendy ang mabigat na responsibilidad ng pagiging puta ni Rafael.  Pinapakinggan na lang ni Cheska ang ingay na nililikha ng magpares sa kanyang kuwarto, habang iisang dasal lang ang kanyang sambit.

“Sana hindi lumabas nang gumagapang si Kumare.”

**********

Boogie Wonderland:  noun.  Domestic abuse.

Etymology:  From the Tagalog onomatopoeic word “bugbog” (repeated punches).

Advertisements

Actions

Information

9 responses

24 02 2008
Lyka Bergen

Di ko pa naranasan ang Boggie Wonderland. Di ko nina-is na maging isang “Alice”.

24 02 2008
mrs.j

i agree kakaloka!

x links te?

25 02 2008
empressmaruja

@ mrs. j – Sige, Mare…add mo muna kets 🙂

25 02 2008
eloiski

boogie wonderland!
kaloka! wawa nmn. .

25 02 2008
goddess

hay.. memories..

26 02 2008
manilenya

ako naranasan ko na lol!! Boogie Wonderland pala yun ngayon alam ko na hehehehe!

27 02 2008
chuchucaracas

ay type ko yang rafael na yan hahaha

10 03 2008
reyna elena

binasa ni melai ang boogie wonderland? hahaha!!!

13 03 2008
farouche

Im getting addicted sa page mu! 🙂 like reading perezhilton. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: