“Umattend ng kasal”

3 02 2008

Dumating akets sa aming office sa forever-hindi-pedestrian-friendly na Ortigas Center na nakapolo, slacks, at balat na sapatos. At dahil karamihan ng mga katrabaho ko’y nakapantalon, naka-sneakers o naka-sandals, hindi shocking na nakatingin ang mga utaw kay watashi espeyshalee ang mga teammate ko.

Naghinala sila na baka nanggaling akets sa isang job interview kaya ganoon ang get-up kets.

“Saan ka galing,” tanong ng kaopisina ko.

Sinabi ko ang aking pinaghandaang sagot kapag tinanong ako nito: “Umattend ako ng kasal.”

“Talaga? Saan ‘yung simbahan.”

Ngumiti na ako. “Sa Ortigas din.”

Nagulat si officemate, “Saan ginawa ang reception?”

Biniro ko pa. “Sa Emerald Avenue.”

Tumambling siya bigla. At dahil baka matuluyang ngang maniwala si officemate sa biro kets, kumanta si watashi.

“Biro lang. Kakagaling ko nga sa job interview.”

Biglaan lang ang lahat okchualee. Hindi ako ang naghanap ng trabaho, sila ang tumawag sa akin na nasayla ang resume kets sa isang job website at may interview akets kinabukasan. Gusto ko sanang wiz puntahan, kesyo nilalagnat akets o tinamaan ng bagyo sa tiyan, kaya lang baka maging blacklisted ang beauty kets sa job website na ‘yun. So ayun, sodom gumora ang beauty kets.

Matatanggap ba ako? Malamang hindi, kasi may tanong sa interview na “What makes you happy?”

Binase ko ang sagot kets sa isang commercial: Ano’ng meron ang taong happy?

“Pera.”

Walang kaabog-abog.

Advertisements

Actions

Information

9 responses

3 02 2008
koreanmine

malay mo di ba, yun namn talaga nag papasaya sa tao 😀 bk gawing honesty point sau yun 😀

4 02 2008
Té la mà Maria

very good blog congratulations
regard from Catalonia Spain
thank you

4 02 2008
mandayamoore

gusto ko ang sagot mama. kung sa akin ka nag-apply, tanggap ka

4 02 2008
aries

agree… unless beaucon ang interview na yan…

4 02 2008
kalansaycollecotr

ay anong trabaho naman iyan ateng?

susyal si ms. spain te la maria naintindihan niya ang wikang indio at kinongratulate ka niya ng buong puso! hehe

anyway good luck sa bagong career. shet ako ilang buwan na lang sasabak na sa mga ganiyang factor!

4 02 2008
Rye

🙂

5 02 2008
Kiks

anuvey, walang halong pagiimbot.

pasok! semifinals round na!

6 02 2008
empressmaruja

@ koreanmine – Kunsabagay. Honesty is the best policy nga pala.

@ Té la mà Maria – Gràcies per les seves paraules bones. Vostè també té un gran Web site. (I hope my online Catalan is okay.)

@ Mandaya – Ay go! Kung may budget akets, gogora kets sa bukid!

@ Aries – Sana nga beaucon na lang ‘yun.

@ kalansaycollector – Basta may kinalaman sa pagsusulat.

@ Rye – Thank you, mare.

@ Kiks – Sana pasok din akets sa Grand Coronation!

6 02 2008
chuchucaracas

tama naman ang sagot mo ning. kesa naman magsinungaling ka at sabihin mo ang nagpapasaya sayo ay equal human rights at endangered species protection. para sakin 100 points ka dyan. kaya naman tayo nagwo-work ay para sa pera.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: