Ipagpilitan ang Fitted

5 01 2008

Peborit clothing apparel kets ang Oxygen, di kyulad ng milyung milyong Pinoy na makasayla lang ng Bench sa t-shirt baysung na ang mga bekla. Vuhkit ko lyka itets? Una, lyka kets ang mga design ng mga kyumit na parang “from-khall-senna-straight-to-the-pardhee” ang drama. Another thing is that, lyk na lyk kets ang pagkagawa ng mga clothes nella. Minsan may pagka-deconstructed ang dating o kaya super linis chuva.

Meron nga lang isang sabit ang Oxygen, for me at least. Kasi, as you can see…medyo fitted ang mga kyumeet nila. Yeez, mga mare, filinggerling ang lola niyo na MEDIUM fa rehn ang body size niya, na kapag nakasuot siya ng medium-size na t-shirt ay feeling kets FITTED itets.

Ditets akets sinavon ni sisterette. Huwag daw akets bumayla ng mga kyumit na straight out of the rack.

One time kasi, during our “exchange gift” chu ni sisterette, sodom gumora kami sa Oxygen TriNoma. May nasayla akets na gandarang polo na nagkakahalaga ng tumataginting na P1,490. Nag masayla ni sister ang floral print ng polo (na may matching jiganteng graphic felt print chu sa likod…kaya mahalya), statement talaga niya: “Ayan, mapagkakamalan ka talagang bakla sa polong ‘to.”

Ang siste, nang jinukat kets sa fitting room, natawa na lang ang sister.  “O, fitted ba,” tanong niya.

Doon at doon ko lang na-realize na hindi ko na talaga mapapanindigan ang MEDIUM, kahit pa LARGE.  “May XL kayo nito,” tanong ni sister sa sales lady.  Wa raw.

At dahil diyan, napilitan kaming maghanap ng iba pang matinong polo sa Oxygen.  Deadma na sa design, basta may XL.


Actions

Information

11 responses

5 01 2008
Pepe

Haha! This entry is funny! Sa XL lang din pala ang bagsak. Hehehe…

Tsk… I missed AA’s Christmas party. Dami daw ninyo doon (The Goddess of Himalayas et. al.)

5 01 2008
Momel

:))

so it all boils down to the size preference.

Ha ha haa!

5 01 2008
Raymond Lee Quijano

sabi nila yung mga nagsusuot ng mga fitted eh feeling sexy. hehe

5 01 2008
Kiks

kay maruja, size DOES matter.

6 01 2008
gaypinoy AJ

Sabi Sabi, ang size daw ng mga damit ng mga vaklursh ay SS. Super Sikip!

6 01 2008
Lyka Bergen

You know what?…. Bet ko rin yun design and fit ng Oxygen eh. Katulad na rin ng FandH. Dami nga ang binili ko ng umuwi dyan… Ang problema, di ko na sila gamit ngayon. Isang suotan lang Misis! Kakainis! Madaling ma-fade ang mga kulay. Ang mga butones, sira na.

Mas bet ko pang people R People kahit medyo me kamahalan. Teynks!

7 01 2008
ika

mahal mahal naman kasi sa oxygen. OA.
prinsipyo ate, prinsipyo.

7 01 2008
mink

sa UK UK marami Xl. hehe
Happy new year Empress

8 01 2008
JRothschild

I don’t like fitted clothes. It’s too confining.

9 01 2008
Vanessa

whahahaha🙂 natawa ako ha!

10 01 2008
KurastDocks

funny. hehehe.

nangyari na rin sakin to. pinpilit na kumasya ang Medium. ahahaha.

i didn’t know this is universal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: