Maruja Sunday Specials #18

25 11 2007

Truly, medyo napapabayaan kets ang kagandahang blog ni Empress Maruja habang nagkakaroon siya ng mainitang diskusyunan sa Wikipedia kung ang Wikang Filipino at Wikang Tagalog ay iisa. Para me, dapat magkahiwalay itong pinapayabong kesa hayaang mashira ang Kyogalog nang dahil sa Eynglish. (Ay…maraming tataas-kilay diyan)

At nang pinakilala naman sa akin ang magandang proyektong tinatawag na “Wiktionary Tagalog“, ay…go…attempting to save the Tagalog language ang drama at first pero pagawa-gawa ng mga entry mula sa ibang wika gaya nitets.

Obviously, medyo hindi naging balanse ang oras between the blogging time and the wiki time, at nakakalimutan tuloy ng ibang mga betch na MAS nauna akong nag-blog, na noon pang 1997 kilala sa nemsung na Maruja. Wala ‘yan sa pa-dotcom dotcom chuva. Gaya ng dati kong sinasabi, hindi ko ito pinulot sa isang kanto at sinabing, “Magmula ngayon, Maruja ang itatawag nila sa akin.”

Nga pala, may ginawa akets sa mga bangas comments kanina. Remember, ika nga ng nag-iisang Paolo Mendoza, THIS BLOG IS NOT A DEMOCRACY. Che…

**********

MUSIC BREAK: “Manila (Ewan Pearson Remix)” by Seelenluft

Anchaka ng original nitets, pero bunggaloo ang remix huh!

Nga lang, aside from the title and its one-time mention, the song is not about the Icky Madi-LIM City.

**********

Things I Learned in Wikipedia (that I wouldn’t learn elsewhere)

Tanggalin ang mga chakaroo vandals at mga bangas na fanboys na kuntodo promote ng kanilang mga peborit na shows, may magandang maidudulot talaga ang Wikipedia at Wiktionary. It is still a good research material in my view (or what others may claim as a “reference material”).

In fact, I learned a lot of things in Wikipedia that I would not have any idea about (or I must have slept while in class).

* The word “ani” can have as much as 24 definitions in 15 languages, including Tagalog.

* The Eskayan language in Bohol is one of the few remaining Philippine languages that uses its own system of writing of up to 1000 syllabic symbols.

* Not all MRT stations are wheelchair-friendly.

* The official shade of blue in Philippine flag changed over the years.

* Several short-lived countries were formed after the collapse of Spanish rule in the Philippines, including Republic of Zamboanga.

O devah? Very effective chorvee ang Wikipedia if you know where to look.

**********

MUSIC BREAK: “Guillotine” by Urbandub

Forgive me for loving their music. I just couldn’t help featuring them again.

After watching this video on MTV, I realized that all their music videos have a common theme. They are all suggestively violent.

**********

Diskusyunan sa Jupis

It seems everyone in the office are planning to jump ship. Well, hindi naman really namemeligro ang jupis, pero medyo nagiging noticeable na ang budget cuts. Halimbawa, kinaltas ng kalahati ang Night Differential namin, kalahati na lang ng mga ilaw ang bukas sa workplace, at ang hand dryer sa mga C.R., wa na.

Narinig kets ang aking team leader at isang katrabaho habang kunwari busy-busyhan ang lola niyo. Pareho silang nagko-comtemplate.

“Kailangan by the end of December makapag-decide na ako,” dinig ko mula kay team leader.

“Ako nga eh nag-iisip na rin,” sey ni officemate. “Noong tinanggap ko ang trabaho dito, akala ko makakapag-ipon ako. Hindi pala.”

Ektuali, iniispluk nila ang nasa aking isip noong mga sandaling ‘yon.

**********

MUSIC BREAK: Local E live at Warehouse 135, Makati

Swear, na-miss ko itets, ang clubbing (kahit ‘yung krumbaya lang with matching blowjobs, ‘yung cocktail drink huh!). Hindi na makapag-limyerda ang lola niyo dahil panggabi ang work at borlog akets the whole Saturday.

Sigh…time for a change…

**********

Bonding Time with Pujay

Kahapon, pagkatapos makapagshopping ng mga lafok si Empress Maruja’t inilatag itets sa mesa para ayusin kung saan-saan paglalagyan, very proud si Pujay dahil san wakas ay mapupuno na naman ang refang.

“That’s my boy,” sey niya. “Este…that’s my girl!”

Klap klap palakpak lang akets bago nagbyutiki rest, 14 hours straight ‘yun.

Paggising kinabukasan, chumika si watashi kay Pujay.

“Pa, kelan niyo ba talaga balak na sodom gumora kets sa (ibang bansa)?”

Nagulat ang Pujay, dahil matagal ko nang iniinsist na may pag-asa pa ang Pilipinas, na uunlad ang family sa piling ng napakababang piso.

Dagdag kets, “Kasi titignan ko kung puwede mag-fly ang inyong junakis sa Dubai o sa Singapore halimbawa.”

“Kausapin muna natin ang Mom mo,” sagot ni Pujay sabay bato ng kanyang paulit-ulit na litany.

“Anak, kasi sayang ang talino mo dito. Hindi mo naman kasi kailangang magtagal sa ibang bansa. Ipon ka lang doon ng anim na buwan tapos gastusin mo dito. Kung ang Mommy mo nga kayang kumita ng kalahating milyon kada taon, ikaw pa kaya?”

“Sige po, Pa,” sey kets sabay tuloy sa pag-blog.

**********

Siyanga pala, after nitets aayusin ni watashi ang blogroll. Madagdagdagan itets ng mga blogs na interested para sa “PINOY BLOG SUPERSTAR”. Pag-iisipan ko pa kung mababago ang groupings (malamang). DONE!

Advertisements

Actions

Information

3 responses

25 11 2007
ruff

aba aba, bago na nga ang groupings ano? 🙂

correction mother, All MRT stations are *NOT* wheelchair-friendly. but that’s just me. 😀

26 11 2007
reyna elena

Ei!! off topic: if you’re into meme, i tagged you here: http://reynaelena.com/2007/11/26/the-twelve-months/ Ok lang kung bz u. 🙂

2 12 2007
Be The Blog Awardees

[…] Empress Maruja – She’s got the Bunny Hunt, she’s got the Sunday Specials! I’m telling you, tanggal ever ang depression mode ko when I am in her blog, especially yong mga youtube posties nya. How could she find time na salaain ang da best of the best?! Hmm! Lotsa boys working for her??? Kelangan ma-CIA toooooo!!! Marami pa sa listahan nya ang almost minefields of fun na bibisitahin ko pa! […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: