Adik…Adeeeek!

6 11 2007

May bagong kinakahumalingan ang bakla!

Maliban sa Para Para dancing, admiring Simon Atkins, at PEDROS, adik si Maruja sa pagbutingting sa Wikipedia. And don’t get me wrong, hindi nagkakalat ng lagim ang watashi.

Research freak kasi akets, at nafi-feed ng Wikipedia ang aking jilig sa pagsasaliksik. Deadma sa sey ng ibang jutaw na wiz reliable ang Wiki most of the time (bakit wiz sila tumulong, tutal kahit sinechiwa nga puwedeng sumali devah?).

Project ni Maruja sa Wikipedia ang pagsasaayos ng ilang mga bayograPIya ng mga jutaw sa Pinas na kailangan ng matinong article. Sinimulan kets sa mga taartits, madali kasing mag-research ng shoobis ditraks sa dami ba naman ng mga entertainment writers sa Pinas.

At huwag ka, both English and Tagalog ang drama kets. Isa ring dahilang kasi kung vahket adook si Marumar sa Wikipedia ay dahil I believe that puwedeng gamitin ang Wiki bilang gamit sa pangangalaga’t pagpapalawig ng wika, espeyshalee ang mga endangered na language. Tignan halimbawa ang Wikipedia ng Lea faka-Tonga, ang language ng mga taga-Tonga somewhere out there in da South Pacific, o ang Wikipedia ng Gaelg na isang endangered language ng Isle of Man sa Ingglatera.

Wish ko lang ganyan din ang progress sa Tagalog Wikipedia. Ewan ko ba, mas interesado pa ang ibang mga jutaw na mag-edit churva ng mga articles in Eynglis kesa sa Tagalog. Ayan tuloy, nagpag-iwanan ng Cebuano Wikipedia sa paramihan ng artikulo (considering that Tagalog/ Filipino is the national language of the Philippines, it is quite a concern).

Naku, napagjiwanan ko bigla ang pagsulat ditets.Ā  Naadik na naman!


Actions

Information

6 responses

6 11 2007
tryme316

correction mare: FILIPINO is the national language, which includes the major LANGUAGES (not dialects, take note) such as tagalog, cebuano, hiligaynon, etc.

yez, yez, yez, ganyan ka broad ang definition ng FILIPINO LANGUAGE. ergo, matatawag natin itets na META-LANGUAGE. (tama ba ako mike tan?)

dialect? kung ang language ay cebuano, ang dialects nito ay boholano, siquijodnon, etc.

ang cheswisang baklush, isa bang language or dialect? chos!!

7 11 2007
empressmaruja

Mare, wiz ko naman sinabi na dialect ang ibang mga wika ng Pinas. Concerned lang akets na mas kaunti ang articles na Tagalog dahil mas kinakarir nila ang paggawa ng articles sa Eynglish.

7 11 2007
tryme316

yez, d mo nga sinabi about dialect. na carried away lang ako sa definition ng language at dialect.šŸ˜‰

pero sinabi mo kasi na “nagpag-iwanan ng Cebuano Wikipedia sa paramihan ng artikulo (considering that Tagalog/ Filipino is the national language of the Philippines…)”

anyways, paano ba raraket jan sa wiki?šŸ˜‰

7 11 2007
kengkay

empress, alam mo, biglang gusto kitang bigyan ng isang malaking ismak — kasi may kausap din akong ka blog at balak naming ipush ang pagkakaron ng mas maraming tagalog speaking na blog… di ba mas maganda? baka may idea ka din, magtulungan tayo.

7 11 2007
Sirena Down Under

Hey, Kumaru (short for Kumareng Maruja!), suminsay (Batangas word for visit) ako saglit sa iyong bagong kinahuhumalingan at ako’y agad nakumbinsi na maganda nga at dakilang adiksyon iyan. Kailangan ko lang sigurong tumambay nang matagal-tagal doon para maunawaan nang husto kung paano makakatulong sa pagpapalawig ng Tagalog at pangkalahatang kaalaman. O devah, nahawa agad ang lola! Sulong!!!

7 11 2007
Kiks

matagumpay nga ang wiki mode chuva na yan.

a friend from the states told and taught me this wiki chuva thing.

at ang galing. parang blog. pero mas bongga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: