Ang Walo Ni Maruja

3 11 2007

Medyo makakalimutin akets, kaya pasensya na JRothschild kung nadelay akets sa pagsagot sa meme mae.

Ang Walong Bagay Na Patungkol Sa Nag-iisang Maruja:

1. Gusto ko man magsinungaling, hindi akets pinaglihi kay Marimar. Sey ni Mujay noon, majilig daw siyang lumapchina ng santol noong nasa tiyan pa niya akets, hoping maging mashuti ang junakis. Well, in ferlalouveloso, may kaputian ang anak pero hindi wiz siya girl gaya ng inaasahan ng family. Kaya ang Maria Margarita Kristina ay naging Maruja. Take note, dapat mababa ang boses habang binibigkas ang “Maruja.”

2. May pagka-bad girl si Maruja noong dalaga. First year high school akets nang binarkada si “Totoy Rubber,” ang siga sa village na nakatira sa isang abandonadong building na kinonvert into a squatter colony. Punk ang drama ng lolo mo. Minsan, sumama ako sa gimik niya kasama ang iba pang mga punks not dead, kumbaga akets ang muse. Nilakad namin ang EDSA hanggang Megamall, nahuli’t muntikang makulong for jaywalking, nakarating sa Angono, tumambay nang sandali sa concert, at hinatid ni Totoy pauwi dahil ayokong magbatak. Kinabukasan, nilagyan akets ni Pujay ng scarf papasok sa school. May chikinini kasi akets. Leche siya.

3. Nagpakita akets sa TV nang ilang beses. May one time na kaming mga magkakaklase sa college umappear sa Wow Mali.  Propesora kasi ang isa sa mga produ.  Pinagsalita kami nang diretsong English in one minute nang walang bakas ng umm at ahh. Loss ang lola niyo. Wiz talaga winner ang oral English kets, pero ‘pag written…day, that would have been a completely different scenario. (‘Yan din ang isa sa dahilan kung bakit wiz akets umapply sa mga call center.)

4. Isa akong gourmet. Majilig akets tumikim ng mga pinakakakaibang mga putahe basta wiz siya buhay at wiz itets balut. Nagsimula ‘yan nang magpunta ang buong family sa Aristocrat. Habang ang lahat ay nag-order ng Coke, ako naman ay Four Seasons.

5. Paminsan-minsan, naiisip ko kung ano kaya kung magbalik-modeling agency ang drama kets. Kaya lang, nasusundan itets ng thoughts kung kakayanin kong mag-survive sa halagang P10,000 kada buwan, na minsa’y delayed pa.

6. Naniniwala akets na ang bawat bakla sa mundo ay may nakilala’t naibigang mhin na nagngangalang “Mike”.

7. Wiz akets excited sa Pasko. Magastos siya, at lahat ng effort ko with Pilates at Yoga’y mawawala sa tatlong rason: Noche Buena, Family Reunion, at Media Noche.

8. Nagkaroon akets ng “SUBU” (as opposed to FUBU) mula dalaginding pa akets. Huli naming encounter was one year ago. Umutang siya ng P300.


Actions

Information

5 responses

3 11 2007
Kiks

Magbrisk walking ka sa umaga – for an hour. It will help.

At bakla ka, tunay si Mike sa buhay ko. Swiss-english ang bakla at modang UNCHR chuva. Bukod pa kay puppy love papang in grade school.

At SUBU talaga ha. Gourmet ka nga!

Chu!

4 11 2007
JRothschild

LOL! Ako wala pang Mike na dumating sa buhay. Di na rin ako excited sa Pasko pero I use it as an excuse for shopping! May tanong ako Empress…Why was your friend called “Totoy Rubber?”

4 11 2007
The Zen Bitch

impressive talaga ang posts mo.

naniniwala ako sa item #6. kahit na ang name ko ay michael din (or mike to my friends), may minahal na din akong ‘mike’ many years ago. sadly, patay na siya since 1995.

4 11 2007
ribbiticus

haha! thanks for sharing! at least, medyo nakikilala ka namin ng paunti-unti. madalas ba kayo sa aristocrat dati? baka nagkakasabay ang mga pamilya nating kumain doon noon? 😉

23 11 2007
baklush

hay. winner ang #6 neng. truliling may mike (o myk, o mayk o kung anikanik pang spelling) sa buhay ng bawat bakla.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: