Maruja Sunday Specials #15

29 10 2007

Ang Sangguniang Kabataan, Bow!

Dahil tomorrow ang Barangay Elections, very “neighborhood” ang drama natin.

Grabe huh! Ang mga ganap sa campaign period ng elections sa aming community ay daig pa ang aming annual fiesta na dumaan lang at lumipas. (Ganoon naman talaga ang mga fiesta sa Maynila, nagkabit lang ng banderitas happy fiesta na.)

Napuno ang paligid ng mga xeroxed na posters at mga tarpaulin ng mga candidate. Ang jowa ng aming incumbent Mr. Chairman ay ang tumatakbo for Barangay Captain. Kalaban niya ang matagal nang kumakalaban kay Mr. Chairman pero laging runner-up ang beauty ni Sir.

Ano’ng nangyari ngayon kay Mr. Chairman? Ayun, tumatakbong Kagawad.

Pero ano itets? Bakit may mga nanggugulo sa kasiyahan ng Barangay Elections. Ano itets na mga poster at banner na may mga picture na parang jinugot sa Friendster? Aneki? Sangguniang Kabataan Elections din? Anekiteks?

‘Yun va ‘yung training ground para sa mga junakis ng mga politiko para sa paghulma ng kanila illustrious political career? ‘Yun va ‘yung ginagamit na front para sa small-scale na money laundering?

Hay naku, feeling ni watashi, feelingger lang huh, para lang ‘yang mga butterfly chuchu sa mga show na directed by Louie Ignacio. Panggulo. Magulo na nga ang pulitika, makikisawsaw pa ang mga kyotang ‘yan sa pagkamal ng limpak-limpak na salapi? Kalurka!

**********

NEWS REPORT: Al Jazeera English Launches

Mag-iisang taon na ang English version ng Al Jazeera Network. Pinapanood ko ang mga reports nitets sa YouTube at nakakawindang ang kanilang mga report. Halo-halo, pati ang mga kyopik na never heard mo sa CNN, BBC, at lalung-lalung-lalo na sa Fox naritets. Kakapalit namin ng cable, and thank the gods mayroon itets.

Kalokah ang studio noh?

**********

Miss Friendship

Ang jirapey talaga na akets lang ang nag-iisang judinggerzie sa office, at mas majirapey na wainess masyedong akets amiga doon. Kyosokey lang kets sa office, jupo ever sa kyuvikelli, magputa, and after 48 years fly akets pauwi.

At dahil wa nga akets masyedong kausap sa aking team, it’s not surprising na akets ang odd-girl out sa group.

One time nga, papagora na akets sa aking station at may nakaharang na teammate sa jupuan kets habang naglalaro siya ng Nintendo DS. Ako naman, Miss Friendship, seiko wallet “Excuse me Kuya Pogi.”

Sey na lang niya, “Wiz ka namin knows.”

Ganoon? ‘Yun lang ang lumabas sa aking diplomatic na bunganga. But come to think of it, truly naman. I can’t blame them, wiz naman akets makahabol sa mga kyopikey nila. Wa ko knows kung saan sa Internet mapapanood ng mga latest na Prisonbreak, Smallville, at Heroes episodes. Wa rin akets involved sa paintball. Wiz naman sila interested sa aking mga juicy na Pinoy tsismis at mga Hollywood chika. Wiz ko rin naman knows kung kakayanin nila ang aking pagbulalat ng mga random trivia chuvalu. Know niyo ba na may bagong town sa Laguna na ang name ay Rizal, at may barangay Antipolo pa itets?

Parang hindi bumabagay na mukha akets anti-social sa pagmumukhang itets. Hmph, abangan nila’t eeksena kets sa Halloween. Wish ko lang mapansin akets.

**********

NEWS REPORT: Veronica Pedrowsa, reporting for Al Jazeera

Dalawa ang Filipino reporters sa Al Jazeera English, isa na roon si Veronica Pedrosa na dati nang nasa CNN at BBC. Naritets ang kanyang report tungkol sa “Forgotten War” chuva ng Pinas.

Natural, dahil sa kumukutikutitap na bangayan sa Bahay ni Kuya, talagang makakalimutan itets.

**********

Pinoy Blog Superstar Update

Mga amiga, within the week ay lalabas ang mga nominees for this month’s Pinoy Blog Superstar. In the meantime, update lang ni watshi ang blogroll para ma-accommodate ang mga gustong humabol sa contest. At gagawa pa akets ng logo, noh!

Basta, feeling ko magiging sabunutan itets sa kili-kili. Ganoon katindi ang kumpetisyon, mga Mare!

P.S. Kung kasama kayo sa 92 blogs na naka-link sa byutiki kets at wa pa kayo sa blogroll ni watashi, magparamdam naman kayo.  Ang hirap maghalungkat sa Google.

**********

NEWS REPORT: Unheard But Interesting Stories

One thing that makes Al Jazeera English stand out is that they feature news reports that you would never have heard from other major news networks.

Here are some reports that have stirred the interest of many viewers. First, we hear about Tender Mavundla, a Pop Idol contestant from South Africa. She is HIV positive.

Itets naman ang “People Power” sa Bolivia kontra droga’t kriminalidad. Nagsunog sila ng mga bar at disco.

And finally, ang conundrum ng Guam. Ano kaya ang feeling na tumira sa isang US territory na wiz ka naman recognized as an American, pero kinukuha ka for the US Army?

Kung wa kayong Al Jazeera English, puwede rin kayong mag-watch sa kanilang YouTube Channel o sa kanilang website, Double-U Double-U Double-U Dot Al Jazeera Dot Net Forward Slash English.

Advertisements

Actions

Information

8 responses

29 10 2007
JRothschild

Guam is a US Territory and Protectorate. They are US Citizens but cannot vote in Congress or the Presidential Elections since it is not a State. All Guam has to do is ask for statehood and the US will accept it. Guam receives plenty of Federal funding yet does not pay Federal income taxes. In short Empress, Al Jazeera’s programming is as biased as CNN, Fox, ABS, GMA , etc. etc. I don’t trust the media anymore. Ching!

29 10 2007
Reyville of Simply Manila

HAHAHAHA. Kakaiba din ang drama ng baranggay eleksyon dito sa ‘min. The difference, hindi ko sila kilalang lahat kaya binoto ko na lang lahat ng nakatira dito sa village namin at sa mga neighboring subdivisions. Ayan sila sa labas at nagbibilang na yta, overlooking lang kasi d2 ang tennis court. HeHe.

29 10 2007
Carl

i wish elections still make difference

29 10 2007
tryme316

for me, wagi talaga ang al jazeera. with veronica pedrosa at yung isang pinay na pinaka head ng malaysia bureau nila. unlike cnn na napaka ethnocentric, puro kapakanan ng america ang laman ng report, al jazeera is the alternative.

30 10 2007
goddess

punyetang set yan!
panalo ang panoramic tV!!!
at parang pang iron chef ang buong studio ah!!

30 10 2007
Bryan

last SK election na ba to? dinig ko e ma abolish na cya…

keri ang set… kulang nalang ay ataol, parang funeral chapel

ba yun

1 11 2007
Lyka Bergen

Bongga ang accent ng Veronica Pedrowza!~ Hilaw na hilaw! I lyk!

6 02 2008
Gay Word of the Week: TODA Queen « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] edad na 35, lola nang maituturing si Aniceto, mas kilala sa barangay bilang si Nice. At dahil kulang ang kanyang kinikita sa parlor bilang beautician, hindi niya […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: