Maruja Sunday Specials #13

15 10 2007

Gamot sa Sipon

The whole week, nagkaroon ako ng matinding lagnat. At dahil praningning kets, akala ko dengue. Kaya nagpa-platelet count akets para siguradong wiz bumaba sa 1000 platelets per liter ang dugo kets. In ferrness, wiz truly ang hinala kets. Mabuti naman.

Kaya lang, after naman gumaling ang lagnat kets, sipon naman ang hinarap kong problem. And after ilang lagok ng Decolgen at Bioflu, napag-isipan kets na iisa lang ang paraan para malunansan ang sipon na itets.

Plano kong humada.

Gumora akets sa krumbayang 48 years ko nang wiz napupuntahan. Sagana ang bukirin sa mga mhinchu. Pero sa halip na ako ang mabiyayaan ng katas ng kalikasan, ako pa ang namigay ng kapangyarihan sa ibang judinggerzie. And not just once, twice pa!

Kaya ayan, lumala ang sipon kets.

**********

Intermission Number: Bollywood Presentation #1

I was introduced to Bollywood through a gay college friend who insisted that he has Indian heritage, kahit na ang Mujay, Pujay, at maging mga lolo’t lola niya ay wiz kalahi ni Sushmita Sen. Kasi nga naman, unmistakable ang Indian features sa fez niya: bilugan ang mata, super matangos ang nusey. (At one time, may pinakilala siya sa aking pinsan na aakalain mo nga ring Indian ang girlalu.)

Dahil feeling niya kailangan niyang maging in-touch sa kanyang heritage, laging siya ang Miss India sa mga pujent (at umarbor pa siya talaga ng sari from our Indian batchmate as his national costume), plus majilig siyang manood ng Bollywood movies kahit na wiz niya knows kung anek itets.

Akets naman, natutuwa sa production value ng bawat Bollywood movie. Sheer entertainment talaga, and I’m sure kayo rin. Simulan natin mula sa pelikulang “Ang Kawawang Cowboy”.

**********

May Sunog

Habang natutulog isang gabi ang aking mga shupatid (at akets naman ay nasa office), bigla-bigla silang ginising ni Pujay.

“May sunog! May sunog!”

Dali-dali namang bumangon ang dalawa. Nakalabas silang tatlo nang walang kagalus-galos. Paano naman kasi, hindi naman bahay namin ang nasusunog, at hindi rin bahay ng neighbors.

Nagliyab ang isang kotse ng kapitbahay. Binatuhan daw itets ng molotov bomb.

Ang nakakawindang ay kung sinets ang kapitbahay na nasunugan ng tsekot, ang pamilya “Clarete” (wiz truliling nemsung). Sila na marahil ang pinakatahimik sa aming kalye. Wala kaming naririnig tungkol sa kanila maliban sa kung anik-anik ang mga trabaho nila (ang isang anak dentista, ang isa naman abogado). Tuwing New Year, habang ang buong village ay nagpapaputok, ang pamilya Clarete naman ay nag-iingay gamit ang mga bells.

Bells talaga ang drama!

Pero apparently, hindi world peace ang drama sa balay. Ang anak na abogado kasi, dahil sa linya ng work niya, may nasasagasaang mga utawski.

At para hindi madamay ang buong family, pinalayas ang abogado sa balay kinabukasan.

**********

Intermission Number: Bollywood Presentation #2

Isa sa pinakajikat na Bollywood stars ay ang former Miss World na si Aishwarya Rai (ang kasabayan ni Sushmita noong nag-win naman siya sa Miss U). For a time, ang Sushmita-Aishwarya “rivalry” ang Nora-Vilma ng India. Well, nag-win si Velma ditets.

Kuha ang production number mula sa kanyang pelikulang “Pajenera Kech, Me Laban Ka He?”

**********

Si Senyora

Lahat yata ng neighborhood may resident na chikadora, pero sa kaso namin wiz siya kinagigiliwan.

Wiz ko knows ang nemsung niya, pero tawag ko sa kanya si “Senyora.” Isa siyang landlady na pinapaupa ang dalawang unit sa ibaba ng kanyang apartment unit, at walang tumatagal na tenant doon. Bukod kasi sa baradong poso negro, talakera ang lola niyo. Ang jilig makialam sa affairs ng ibang balay, at nega ang balita niya lagi about the neighbors.

Maloloka ka na lang na kasagutan at kasigawan niya ang mga tenant niya, at kinabukasan masasaylalu mo na lang na nagbabalot paalis ang mga umuupa.

At pati kami hindi pinalampas! Naikuwento ni Nyora kay Pujay na imbyerna siya sa aming makyopatid dahil never namin siya binabati kapag nadadaanan. Explain ni sisterette kay Pujay, nginingitian naman niya sa Senyora kasi nakakajiya namang idedma niya ang neighbor after makitaan siyang bumabati ng Good Morning sa ibang mga kapitbahay while on her way to work.

Ako talaga, never ko siya binati. Kasi naman, baka kung kaibiganin ko pa siya ako pa ang pagdiskitahan ng nega presscon niya. Hmp!

**********

Intermission Number:  Bollywood Presentation #3

Uso sa Indian movies ang mangopya ng ilang concepts from the West, gaya ng production number na ito mula sa pelikulang “Katakuttakot Chuvanels”.  Hulaan niyo kung saang music video inspired ang movie.

**********

Ang “Love Life” ni Maruja

Maraming naintriga sa statement kets the last time na hindi porke single pa rin kets ay wiz ibig sabihin na loveless ang lola niyo.

Ano ba kayo?  Natural lang na bawat jutaw ay may kanya-kanyang love story, pero sa kaso kets tuwing nakukuwento may mga maririnig na lang akong sumisigaw ng “HINDI ‘YAN TOTOO!”

Kasi sa trulili lang, kahit nga akets may pag-aalinlangan kung nagkaroon nga ba ako ng love life.  Ang alam ko lang, may nakilala akong mhinchu noong unang panahon at medyo naging significant siya sa buhay kets.  Naging friends kami kahit na sobrang magkaiba kami.  Knows niya na crush ko siya, pero ang alam ko akets lang ang may feelings sa kanya.

Well, inabot ng ilang taon at dahil may mga nangyari, na-realize ko na shit…mahal pala niya ako.

Medyo hindi sanay kets sa ganoong scenario, hindi ko alam ang gagawin ko.  May ginawa nga ako, pero naging ugat iyon ng hindi naming pagkakaunawaan.  Napahiya siya, napahiya rin ako, todo crylalou kets (at birthday ko pa ‘yun kinabukasan).

Eventually, everything was patched up pero things were never the same.  We parted ways na hindi kami nag-usap (although kinulit-kulit ko siya noong Baccalaureate Mass).

Grabe, antagal na noon.  Sabi ko nga kay Svelte, para “high tide, low tide” ang emotions kets sa mhinchu na ‘yun.  May time na sobrang miss ko siya, may oras naman na gusto ko siyang kalimutan.  Hay…ewan.

Sayaw muna tayo…

**********

Intermission Number:  Bollywood Presentation #4

Knows niyo ba na hindi lang Bollywood ang ginagawa sa India?  Dahil maraming wika doon, bawat region ay may kanya-kanyang movie industry gaya ng Tollywood (Telugu) at Kollywood (Tamil).

Example na lang ang production number na itets na Bhojpuri language ang gamit, mula sa pelikulang “Jompal Kya Manyak.”

At ‘yan, mga amiga, ang Indian-Indiana Jonesan mode ni Maruja.

Kainis, may sipon pa kets.


Actions

Information

9 responses

15 10 2007
chase

Hahahha i love this post especially with Bollywood intermissions. Well darling almost every place here in the Phils. have their own share of “Senyora”. My mom almost whacked a “Senyora” once with a 2×2 stick in a matching sexy bathrobe.

16 10 2007
Misterhubs

Pagaling ka mare.

16 10 2007
Sirena Down Under

Hay naku, Empress Maru, knows na knows ko yang drama ng mga pag-ivig na naburot (hindi nagtagumpay). Pero wag kang mag-alala, Kumare. Keep on picturing in your mind a happy ending. In the end, ikaw pa rin ang tatanghaling Reyna Emperatriz of all! G’dday!😉

16 10 2007
reyna elena

HAHAHA!!! Unang-una, wala kang karapatang magkasakit Empress: Andito ka para gawin kaming mga sipsip-prenic ever sa mga kahagakhak mong mga entries! Kelangan ka namen Empress!

Alam mo relate ako ever sa #1, kase my neighbors are Indians (as in talagang mga tiga Bombay, India) at guapo yong anak Empress! Pucha di ko lang mahada dahil tapat nang bahay ko! EEEE!

Anyway, they introduced me to these Bollywood Music and Movies at talagang enjoyable ever, inuman pa kami. The father always invites me. AKo naman kahit na ga bundok ang snow, lakad ever sa balay nila para lang makita junakis! Wiz kwento ever lang kahit halik di ko magawa! Type ko talagang kumain nang curry! HAHAHAHA

16 10 2007
patrick

may saket ren AKETS. pero workchina paren.

how’s my attempt at gay lingo? Ü

marami pang MINCHU jan. donchu worry.

16 10 2007
mandayamoore

pagaling ka. isinga mo ang sipon. huwag lulunin ang namumuong plema. lalo kang magkakasakit niyan.

16 10 2007
ris

medyo nag-nosebleed ako sa post mo empress. hehe. virgin pa kasi ako sa lingo na yan at nakaka-first base pa lang yata ako kasi “chenes” lang ang ginagamit ko! hehe

pero seriously, nakakatuwa yung mga bollywood movies no? kung formulaic ang pinoy movies, ano na tawag mo sa bollywood??

16 10 2007
ruff

I luurve Aishwarya Rai!! Kc lagi cyang lumalabas sa mga celebrity lookalikes ko! Bwahaha! Talk about inflating ego.😀

Pagaling ka empress. Chicken soup sweetie. It never fails!🙂

17 10 2007
blue harajuku

ako nagpabunot ng ipin.. huhuhu pagaling ka empress! GOLIMAR! GOLIMAR!

haay katawa tawa talaga yang mga bollywood na iyan hahaha! pero di ko type AB ang mga indian beauty. pwera na lang yung nag bakasyon kets sa New York dun sa kapitbahay ng tita ko sa queens, eh bombay. Yung lalake dun aaaaay! sobra sa kagwapuhan! yung kagwapuhan niya ay tumatalsik graveh! kaya ayun, inisip kong pumunta ako ng india hahahahaha!

basta pagaling ka mare. dapat no drowse medicine sa umaga at forte sa gabi, para mahimbing ang tulog…zzzzz….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: