Maruja Sunday Specials #12

7 10 2007

Vertday ni Pujay.

Sabi niya, 16 years old “and still kicking” na raw siya.

**********

Intermission Number: Japayuki Presentation #1

Japan, Japan, sagot sa kahirapan! Tignan natin kung sinets sa mga Japayuki na itets ang papatok sa panlasa ng Yakuza! Simulan natin sa Group #1: Darna and the Poponauts!

**********

The Things That Empress Maruja Hates

Kahit naman sinechiwa may mga bagay na wiz nila lykalou blanco. Kahit naman very friendliness is next to godliness ang drama kets, may mae-encounter kets ng mga nagpapatingaling ng tenga ni watashi. Itets ang mga ‘yon…

Ortigas Center – Kahit na nandoon ang office kets, I really don’t like walking my way along the streets of Ortigas. Hindi siya pedestrian friendly, mas binibigyang importansya kasi doon ang mga kotse. Halimbawa, makakatawid ka lang ng kalahating kalye dahil may mga papadaang nagle-left turn. Hindi ka rin makatawid sa ilang mga kalye, kahit na may pedestrian crossing pa itets, dahil walang humpay ang pagdaan ng mga sasakyan. Meron ngang mga traffic enforcer, pero para lang ‘yun sa kanilang matinding problema sa traffic at wiz na wiz sa napakaraming pedestrians. Makes me wish na sana nag-stay na lang sa Makati ang office namin.

People with uber-loud MP3 players – Keri lang kapag sa speaker nila pinapakinggan pero day, ‘yung mga naka-headphones gusto talaga i-share sa public ang kanilang mga koleksyon ng emo rock at heavy metal dahil tumatagos ang sounds kahit na naka-plug na sa tenga nila. Naiintindihan ko namang ayaw nilang makarinig ng kahit anong bakas ng Love Radio at Yes FM habang nakasakay sa FX, pero sana huwag na silang makidagdag sa ingay. If you want to listen to your iPod, keep the sounds to yourself or else I would sing the song really really badly.

Blogs with super-strong spam filters – May mga blog na sa sobrang “sikat” eh feeling nila lahat ng comments sa kanila ay may pino-promote na porn. After mong i-submit ang comment, may lalabas na warning na blocked ang comment mo kesyo ang IP address daw hindi katiwa-tiwala chuchu eklavu. Wala ba silang tiwala sa Akismet? Can’t they monitor the comments manually? At ako naman, tanga, comment pa rin ng comment, nagbabakasakaling baka makalusot eh ayaw talaga. (At tinatamad akong i-email naman ang blog owner to submit the “technical key code” kung anuman ‘yun.) I still love you guys, kaya lang easy on the filters please!

Narrow-minded people – Ito talaga…Tumitililing talaga ang tenga kets kapag may mga jutaw na grabe kung magstereotype. Halimbawa, porke hindi raw pumasa sa isang “admission test” mula sa isang “pambansang pamantasan” ay Bobita Jones daw! GANOON?! (Puwes, tell that to Cristina Pantoja-Hidalgo and Cynthia Roxas-del Castillo…CHE!) O kaya ‘yung mga bumubungisngis kapag nakakarinig ng probinsyano accent. BUWISET! (Day, punta ka ng Amerika’t lahat tayong mga Pinoy pagtatawanan sa accent natin, kahit “khall senna” ka pa galeng.) Susme, lawakan nga ang utak kahit kaunti lang…konti lang.

Ayan, nalabas na rin ang mga sakit sa ulo kets, at malamang mae-encounter ko pa rin itets, especially ‘yung una.

**********

Intermission Number: Japayuki Presentation #2

Ang susunod naman sa ating kompetisyon ay ang Group #2: King Kong Girls!

**********

The Singing Birthday Present

Dalawang beses nag-celebrate ng birthday ang Pujay, una sa balaysung. Nagpa-deliver kami ng KFC at Shakey’s (Kenny Rogers sana kaya lang wala pala ang area namin sa konsepto nila ng “sibilisasyon”).

Ang kanyang “other party” ay ginanap sa aming local carwash kung saan nagtipon-tipon ang kanyang mga dabarkads.

Wiz ko knowsung kung trulili itets, pero statement ni Pujay na dapat daw sana magpapadala ang Mudra ng balikbayan box na may girlalung naka-bold at kakanta ng Birthday Song. Kaya lang wa raw girl na available, lalake lang daw.

Tanong agad kets, “Anong phone number niyan?”

**********

Intermission Number: Japayuki Presentation #3

Sa pagpapatuloy ng ating Japayuki dance numbers, naritets ang Group #3: Bukaka Queens! (simulan sa 3:27).

**********

Nag-iisa

* Ngayon-ngayon ko lang napapansin na after Svelte left the office, akets na lang pala ang judinggerzie doon. Oh please, huwag niyong sabihin sa akin na pinagpala kets dahil sa dami ng mga mhintola doong humaharurot ang testosterone. Your one and only Empress Maruja is not into office relationships…CHORVA!

* Ako na lang din ang nag-iisang single sa balaychina. Dumalaw ditets ang mga juwa-ers ng mga shupatid at naki-celebrate sa birthday ni Pujay. Ngunit subalit gayunpaman, hindi porke wai mae boylets wiz ibig sabihin na loveless ang drama ni watashi.πŸ˜‰

**********

Intermission Number: Japayuki Presentation #4

And last but not the least, naritets ang group #4: Bitamina B6 and B12!

So, sinechiwa sa palagay niyo si Winnie Cordero sa apat?


Actions

Information

16 responses

8 10 2007
reyna elena

mainit ang ulo ko mare, eto nagtatambay sa balaysung mo. i know, ma-e-entertain ako here.

Ortigas:
I live in Pasig and I play at Ortigas. Tama yong sinabi mo mare, kakainis mag-lakad dyan sa Ortigas. Even noon na na-iistay kami dyan sa Discovery, pag-labas mo lang sa likod, tipo bang sasagasaan ka nang mga sasakyan and then as if wala kang karapatang maglakad sa kalye.

Blogs na super-filter:
Di ko na sila binibisita. Irita ako pag ganun ka unfriendly.

Narrow-minded people?
Ay naku, hi-nak kamo ang website ko kagabi. Say mo?!

ANG GALING GALING MO REALLY! Wa biro! Kala ko maganda na yong number 1! Naloka ako sa number 4!!!

MOREEEEE!!!!!! YOU’RE DA BEST!!!

8 10 2007
reyna elena

Empress,

Apologies, pero I love your entry so much, nilagay ko sya sa sidebar ko without your authority. Sampalin mo na lang ako pagdating mo.πŸ™‚

8 10 2007
chuvaness

hello empress, i agree with you sa mga narrow minded people. kala mo kung sinong perfect kung makapang-stereotype..they’re all over…kahit dito sa blogosphere may mga ganyan…

love video #1 – ROTFL…yung 2nd video, panalo!

8 10 2007
patrick

as much as i love some of those super sikat blogs, hassle sobra mag-comment minsan. feeling ko sampid ako pag nabo-block ang comment ko. at ang pangste-stereotype based sa school kase parang baduy. they’re so desperate to brag about something eh wala talaga mahugutan kaya sa school na lang. shet.

8 10 2007
reyna elena

Patrick,

Feel ko together yong sinabi mo about stereotyping nang schools. Gradweyt lang ako sa wala-wala univ sa probinsya, naswertehan lang makapag-aral sa Estados Unidos dahil nga maganda akong tunay. Visit ka sa blog ko, welcome ka dun (hehee! parang marketing na tooo! hahaha!) .

8 10 2007
bryan

sa issue ng UP being the best school or yung better pag UP grad ka, naku ha, lahat halos ng presidente at top politicians e grad ng UP, if they are really good then why the hell everyone i know wants to leave Pinas? (twisted ang reasoning ko noh??, but you know what i mean)

8 10 2007
ruff

marami rin namang presidente sa pinas na uste grad.πŸ™‚ hehehe. napaka-inappropriate ng comment ko noh?πŸ˜‰

hmmm, never me fond of doing lakwatcha along ortigas, parang may pagka dark and twisty ang envt eh. mas maliwanag sa makati pero cyempre mas challenging sa espana. patayan kung patayan dun. so far, hindi pa naman ako napapatay. cyempre pag patay na ako, malamang ndi na ako makakapagcomment ryt? (OMG im so corny)

mas feel ko ang video 1. naiimagine ko cna michael v, ogie and wendell. kamusta naman ang mga “hymenolepis nana” ng mga gurls sa video3? parang naging caruncula myrtiformis na!πŸ˜‰

8 10 2007
JRothschild

“khall senna” LOL.

8 10 2007
nice&sleazy

hehehe
thanks sa pagcomment sa blog ko

natawa din ako sa “khall senna”. hehehe agree ako sa mga may accent na akala mo sakit ang pagiging probinsyano. iisa lang ang sagot ko sa kanila “nagpapawis din ang keps nyo! pakshet!”
iritado kayo sa jologs pwes, ill be the most jologs as i can be hehehe

bakit naman puro bilat ang naka-feature? sana hosto competition o di kaya search for mr. empress hehehe

8 10 2007
tryme316

taga UP aketch, but i agree na makikitid ang mga brens ng aking kauri na nagyayabang ng ganyan.

pero di natin maiwasan yan. as psychology would tell us, stereotyping is one way of coping with the vast information that our brain could not store. that’s why nagste-stereotype tayo para d maguluhan ang utak…to the point na we label negative values for every info– UP=matalino; not UP=bobo– which is so, heller?!!!

at least the UP-UST stereotype lang ang kina iinisan nyo. kaming mga bisaya cope with such labels as hard pronouncers, which is really not true.

at ramdam natin to mga kapatid pag inaapakan ang karapatan ng mga judingerzie!!!

so let it be. kevs kung di totoo. mahirap, pero pag pinatulan natin, the viscious cycle continues…

thank you and good evening.

PS–i lurve the first group! hahahaha!!!

9 10 2007
Lyka Bergen

Win ang Group #1!!!!

9 10 2007
blue harajuku

group one din kets!!!!

you are right pagdating sa khall senna! lol napapadaan ako minsan sa may call center malapit sa mall kung makakatingin sila akala mo kung sinong anak ng jossa! eeew kadirs naman pagmumukha nila mas makinis pa ang durian!

one time nung nag sasummer job ako sa isang resto eh may taga “khall senna” umorder ng pagkain, alam kong nagtatrabaho siya dun kasi mega proud siya sa kaniyang ID ever na sinusuot na parang medal na napanalunan sa Olympics, kahit uwian na. Iningles ingles pa ako akala niya di ko siya titirahin ng ingles ayon naubusan siya ng armas hahahahaa!

haaay empress, i so like your blog! sana di ka na mashado busy para nakakaupdate ka daytona palage.

9 10 2007
reyna elena

LOL @ blue harajuku! I love you! HAHAHA

9 10 2007
Kiks

Pinatawa mo ako ng husto, bakla. For that, me award ka this October.

Tamang kainisan ang nagheheadset ng boombox, makikipot ang utak, nagdisenyo ng Ortigas, at mga nagpapaimportanteng bloggers.

At sino ang love mo?

(I go for Number 1 pa rin. Eh kasi panggrand finals na ang Number 4 no?)

9 10 2007
blue harajuku

reyna elena – i love you too! mwah mwah! hehe

11 10 2007
Sirena Down Under

Naku, Empress, halika dine sa Down Under at feeling mo talagang reyna emperatriz ka dahil pedestrian is king or queen dine. May I pindot ka lang sa poste to signal the drivers na may tatawid at kahit mag-isa ka lang, stop silang lahat to give way to you. Minsan nga, nakaka-conscious tumawid pag mag-isa ka lang kasi lahat ng driver nakatingin sa yo.

Pwes, lakad model bigla ang lola pero super fast forward kasi baka mainip ang mga drivam at sagasaan rin akesh in the end…mwehehe. ;->

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: