Maruja Sunday Specials #10

9 09 2007

5 Things You Need to Know When Reading Maruja’s Blog

Dumadami ever ang mga readers ng blog ketch. Mga virgin kumbaga, mga Mare. Although veyri thankful ketch na dumadami ang umaanib sa aking kagandahan at kariktan, may mga jutaw (konti lang) na maaaring nahihiwagaan kay watashi at sa blog na itets. Anekitey napasok nila? Sinechitey Empress Maruja?

Kung kaya naritets si Teacher Kimberly para magturo ng basic lessons. Teacher Kimberly, kayo na po muna ang kumoda!

Good morning, mga kids!

Good morning, teacher. Mabuhay!

Ako si Chenelyn Kimberly Labatete, pero mas gusto kong tawagin niyo akong Teacher Kimberly.

Walang tatawa, makuha kayo sa tingin! Totoong apelyido ko ‘yan!

Narito ako ngayon upang ituro sa inyo ang basics sa pagbabasa ng napakagandang blog ni Empress Maruja! Tandaan, mga kids, hindi ito basta-bastang blog. Enchendes?

Oh-po!

Okey simulan natin ang leksyon…

1) Nag-iisa at katangi-tangi si Empress Maruja – Marami mang Rickey sa mundo, pero iisa lang si Rickey sa blogosphere. Marami mang Bryan sa Pilipinas, iisa lang si Bryanboy. Marami mang Maruja sa tabi-tabi, iisa lang ang Empress. Upang makasiguro na ang binabasa ninyong blog ay orihinal na Empress Maruja, tignan kung isa siyang “Sulawit.” Susong may lawit.

2) Bawal ang seryoso – Tutal, hindi sineseryoso ang mga bakla dito sa Pilipinas. Kung nagkaganoon man, dapat sana nanalo si Danton Remoto noong nakaraang eleksyon. Kung nagkaganoon man, dapat hindi nilalagay ang mga bakla bilang mga payaso sa telebisyon. Kaya kapag sinabi ni Empress Maruja na “si Lucas Gil ay isang diyos,” hindi nangangahulugang magtatayo siya ng simbahan para sa kanya. Ang mahal nun! Ching!

3) Bawal ang bastos – Hindi porke hindi sineseryoso ang mga bakla dito ay ibig sabihin puwede niyong bastusin ang mga bading? Lahat ng uri ng panlalait at pambabastos kay Empress Maruja at sa mga kalahi niya mula ngayon ay tsugi…hindi lang burado, kundi tsugi, chukchak, banned magpakailanman.

4) Ang lahat ay pantay-pantay – Ang lahat ng dumadalaw sa blog ni Empress Maruja ay pantay-pantay. Walang mayaman o mahirap, walang babae o lalake, LAHAT AY BAKLA. Huwag niyong pilitin si Maruja na tawagin kayong Pare, Dude, Ate, Sister, o iba pa. Lahat kayo ay KUMARE ni Maruja. And finally…

5) Magpakita ng pagmamahal – Heto ang isang simpleng math equation na likha ni Maruja: COMMENTS = LOVE. Pagkatapos magbasa, pinapayuhan ang lahat na mag-iwan ng komento. Tandaan ang mga hindi magandang comments ay…

Tsugi po!

Yes, mga kids! Ang tatalino niyo! Narito uli si Empress Maruja para ipagpatuloy ang kanyang kuwento.

**********

The 12th Floor Jologs Strike Again

Kaloka naman si Teacher Kimberly! Simulan na natin ang pagkuwento, ha?

Minsan habang nasa office ketch, may chika ang aming bagong team leader kay watashi. Umariba na naman kasi ang mga J-Logs ng 12th Floor.

Papuntang 27th floor si Mr. Team Leader at nakasabay niya sa elevator ang mga nagrereyna-reynahan sa building. Mga chakaroonees na porke una silang nag-opisina sa building akala nila sila ang may-ari.

(Notes: Hindi sila ‘yan. Hindi sila maganda utang na loob!)

May-I-make-parinig ang drama ng mga bakla sa saliw na “Akala mo kung sinong mga mapoporma,” “Dami namang nakikisiksik sa elevator natin,” at ang nakakalokang “Bakit ba kasi andaming nakiki-office dito”.

At dahil all by his lonesome (in short, walang kakampi) si Mr. Team Leader, deadma na lang muna siya.

Pagsapit ng 12th floor, nagsilabasan sa elevator ang isang batalyon ng mga Gawad Kalinga beneficiaries sabay BLAG!

“Aaaaaay!” Sabay-sabay ang mga maldita.

Ang cellphone ng isa nila kasama, nabasag sa lapag.

Ayan, Carmi tuloy.

**********

Looking Back and Getting Updated

Papalabas na akets ng office building nang may nakasalubong si watashi na isang pamilyar na fes. Nasayla naman akets ni menchu at biglang napangiti.

“Hey! I know you,” sey ni Kyle (wiz truliling nemsung).

“Hey there, Kyle,” bati rin kets. Inggliserong Dagupeño si Koya, kaya duguan ng ilong ang usapan.

Medyo mas kyota siya kesa ketch, at mas makyongkad. Pareho kami ng kolehiyong pinasukan, pero magkaiba kami ng major. Isa siyang heartthrob sa campus.

Nagkasalubong uli ang landas namin nang sinubukan niya ang pagiging mawdel, habang aketch naman ay nagtatrabaho sa isang ahensya. Kalokah nga eh. Kasikatan ng F4 noon, kaya ang buhok niya Hwa Zi Lei na Hwa Zi Lei. Ang baduy, swear.

At heto nga nagkita kami muli many years after, this time balik na ang hereret niya sa dating katinuan, medyo tumaba na siya, pero in ferrness biway at papalicious pa rin.

“What have you been doing here,” tanong ni Kyle.

In-explain ko sa kanya ang aking ganap. Kakagaling lang daw niya sa isang job inarvu (sayang wiz sa amin, buti na lang hindi sa 12th floor).

“What’s wrong with you,” tanong niya.

“Oh nothing,” sabi ketch. “I’m just stressed out.”

Ang totoo, medyo ilang ketch. Hindi gaanong involved si watashi kapag makipagkamustahan sa mga utaw na wiz masyadong close. Kaya lang, guwapo siya. Sayang naman, di ba?

“So what happened to your modeling,” aketch naman ang nagtanong.

Sey niya, “I stopped around two years ago. I realized that I have to make a decent living, you know?”

Tawanan na lang kami.

“I haven’t been around the scene for about three years or so,” seiko wallet. “It is such an exciting industry to work in, but the money is indeed not that prolific.”

Ang sarap balikan at alalahanin ang mga masasayang ganap sa buhay, devah? Hindi niyo masisisi ketch kung punung-puno ng kulay kung magkuwento si watashi ng mga nangyari kay Empress Maruja noong nakikipagsalamuha pa siya sa mga magaganda’t makikisig.

Kaya lang, majirap naman kung forever aketch nabibihag ng nakaraan. Tanggap ko na tapos na ang chapter na iyon. Next page na kumbaga.

Nabasa ko noon ang isang article sa diyaryo tungkol sa pagdagsa ng mga Brazilian sa local modeling industry. At least naa-update ketch kung anek ang nangyayari doon. Pero ang kinagulat ko ay ang ahensyang nagpapadala ng mga Brasileiro ditets ay mga nakatrabaho ko minsan.

Si Jonas na isang beauty pageant scout at talent agent ay may sariling modeling agency, ang Mercator. Si JL naman na dating aspiring model at naging agent din ng aking ex-boss, in-apply ang mga natutunan sa palakad ng industriya at ngayon may sarili na rin ahensya, ang Chameleon International.

I’m happy na maganda ang negosyo nila, knowing kung gaano ka-competitive ng industriya (sa dami ng ahensiya pero kakaunti ang trabaho, kakaunti lang talaga ang tumatagal ditets).

“Maybe I’ll see you soon,” sey ni Kyle.

“Sure thing, I hope I see you work here,” sagot ko naman.

Advertisements

Actions

Information

13 responses

9 09 2007
9 09 2007
Kei

Sige, hindi ako magrereklamo kahit puro picture ng babae ginagamit mo tuwing kasama ko sa runner-ups ng bunnyman hunt. Okay din lang kahit mare. 🙂

9 09 2007
Kiks

Dahil love (flashing the sign language chuva) kita…

itatatak ko sa kalendaryo, sa disyembre, with matching photographer, aakyat ako ng building nyo, dun sa 12th floor, at personally magdedeliver ng isang kahong puno ng ipis…

tapos hahanapin ko si kyle sa top floor kung malaman kong secret agent sya…

tapos pupuntahan kita sa floor nyo at ibibigay ang pichur.

san nga yan?

9 09 2007
mandayamoore

talagang may rules sa pagbabasa at pag-iwan ng comments. akin na lang si kyle– wala sa rules yon ha

10 09 2007
Rye

sino si kyle?!?! AA ba yan?

10 09 2007
pat

“Sure thing, I hope I see you work here,” sagot ko naman.

-pa-sweety ka maru.

Hindi ko kaya makipagsmall-talk kahit ka-college. Lalo na pag hindi ko crush.

10 09 2007
gorjess

i love u ate maruja hehe

11 09 2007
andianka

ahahaha! kelangan ba talaga ng instructions sa pagbasa ng blog mo? madali namang magets ang mga dapat at di dapat at ang iyong style. ang saya nga eh… 😀

eway, just leaving a comment to show some love. naman ikaw oh! kita mo ngang lurker mo lang ako..hahahaha!

as for the office feuds.. talaga atang natural yan. laging may feeling sila ang nauna, sila ang reyna. o diba? whatever! karma na lang talaga… ehehhe.

ciao!

11 09 2007
empressmaruja

@ Kei – Yes naman, Mare. Remember, pantay-pantayness.

@ Kiks – Ay Mare! Huwag naman tayong ganyan. Be nice with the animals, CHING!

@ Mandaya – Okey na okey, Mare!

@ Rye – Wiz siya AA, Mare! Pero nakatrabaho mo na siya sa USTe.

@ Pat – Ewan ko ba, Mare. Ganyan ako kapag guwapo ang kausap. Girl akets bigla.

@ Gorjess – I love you too, Mare!

@ Andianka – Kailangan ‘yan, Mare. Akala talaga ng iba girl talaga kets!

11 09 2007
antuken

buti na lang hindi ko na-experience ang ganyan… hindi kse building ang office ko… factory… hehe… so wala mga nanlalait at nambubully sa elevator… (i’m showin some lovin ha)

11 09 2007
blue harajuku

heres my love, empressita! hehehe

pwede magpasa ng rule, kumare (ano ito, senado?) biro lang..

ako din punta ako sa 12th floor, magdadala ako ng mga hoodlum-looking na mga friends ko with dala dalang water balloons sabay pagbabatuhin sila hahaha!!

sayo na si kalbo with carlalu, kumare. akin na si kyle daleee!! hehee

12 09 2007
Raymond Lee Quijano

pusa… marami akong lingwaheng natutunan ngayon. hehe

12 09 2007
pakakai

..hi mare grabe sobrang like ko talaga basahin un blog mo..enjoy aketch…hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: