Maruja Sunday Specials #8

19 08 2007

Wala Akong Maisip?

Sa unang pagkakataon, wa ko knows kung paano ko uumpisahan ang Maruja Sunday Specials ni watashi. Wiz ko namang seylalu na waing maisip ang lola niyo. Siguro masyado iniisip kets ang mga ganap kets noong last week. Siguro kinakabahan din kets dahil sumali na naman kets sa isang writing contest.

Eh ang lola niyo pa naman, kapag may writer’s block naghahanap ng pampalipas-aliw. Pampagana kumbaga. After 48 years, balik-sulat at balik-blogging ang ganap.

O siya, kanta muna tayo…

*********

Wala Akong Babalikan?

Sunud-sunod ang mga fashion show sa mga mall, lalo na noong mga nakaraang araw. Yesterday nga dumaan ako ng Trinoma (yes, malamig na siya pero chaka pa rin ang on the way from SM) at nakita ko ang pagset-up ng fashion show ng Bench at Kashieca. Habang papalayo ako sa stage nasaylalu ko naman si Precious Adona, ang huling nakyonggal sa Be Bench na model search sa ABS-CBN. Dati siyang alaga ng aking ex-boss noong may modeling agency pa siya at nakasama ko si Presh sa maraming trabaho (ayokong tawaging “raket” ang mga ‘yon, hindi kachipan ang pagmomodelo noh?!).

Gusto ko sana siyang batiin, kaya lang naisip ko huwag na lang. It’s been around three or so years na hindi kami nagkita, at kahit nasa Friendster ko siya napaka-awkward naman kung all of a sudden lalapitan ko siya habang kachika ang iba pang mga maw. Magmumukha lang akong cheap na fan, at hindi pa naman ako cheap noh.

Naisip ko minsan what if bumalik ako sa events, o sa pagrepresenta sa mga modelo? Pinaka-love ko ang events kung tutuusin. May job interview ako minsan at noong pinakuwento sa akin ang una kong trabaho bilang event writer slash model agent, ay…ang kulay ng kuwento, dahil nakasalamuha ko ang mga pinakamagaganda, ang mga pinakamakikisig, ang mga pinakamatatangkad, at ang mga pinakamalikhain.

Compare mo naman noong pinakuwento sa akin ang aking current job, hindi ko alam kung papaano uumpisahin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ano nga ba ‘tong trabahong napasok ko? Hindi naman ako nakikipagsalamuha sa mga modelo, stylists, casters, etc. Hindi naman ako nakakagala sa iba’t ibang lugar gaya ng Baguio, Dagupan, Pila, at Navotas, gaya noong nasa telebisyon pa akets.

Naroon lang akets, nasa office, nasa cubicle, pinipilit tapusin ang lahat ng trabaho bago makapag-blog o mag-browse sa YouTube o magbasa ng aking mga amiga sa blogroll o mag-alaga ng aking Neopets o mag-post sa forums (puwede ‘yan sa office namin, ‘yung iba nga naglalaro ng DOTA).

Other than that? Wala. Sure, may pera. Sure, may pakonsert tuwing Lunes. Sure, may mga benefits, pero masaya ba ako? Well, dahil wala na si Svelte at ‘yung isa kong friend ay nanganganib na ring maglipat ng trabaho dahil nasa graveyard siya (floater, walang account), ano nga ba magiging dahilan ko para hindi ako umalis?

Ang problema, kahit mahal ko ang events, hindi ako mahal nito. After ako umalis sa kumpanya ng aking ex-boss (friends pa rin kami), sinubukan kong maghanap ng ibang events company. Lahat ng pinakasikat na-try ko na: Saga, CTV, Wishcraft, pero mukhang walang gustong magkamali. Siguro babaan ko na lang ang standards ko. Try ko rin kaya sa mga events company na trade shows ang specialty? Wala nga lang masyadong magaganda pero kiber.

O siya, kanta tayo uli. Wala na akong maisip…

**********

Wala Akong Pupuntahan?

Hanggang ngayon ay nababagabag ako sa napanaginipan ko several weeks ago. Sumakay ako sa isang taxi at halos ismooth ang biyahe hanggang may makita kaming malaking construction machine sa daan. So, naghanap kami ng shortcut, ang problema nga lang maraming hukay. Kung anu-anong kahoy at plywood ang ginagamit ng mga obrero para matakpan ang mga butas at makatawid kami, pero in the end hindi na rin kami makatuloy. Na-stuck ang taxi, kaya tinulak nilang pabalik. Ang problema, napalakas ng kaunti ang tulak ng isang sekyu’t ayun…bumagsak sa isang butas ang kyoksi.

Buti na lang hindi ako nakasakay doon, pero nakikip-argumento ako sa kung sinumang bisor ‘yun na “Papaano naman kami makakadaan, tignan mo nga ‘yung kabila?” ‘Yun ang nasabi ko habang tulog ako sa office.

Hinanap ko ang interpretation ng panaginip na ‘yon. Ayon sa mga dream dictionary na nasayla kets sa Internet, heto ang meaning ng dream ko:

Ang pagsakay ko sa taxi ay nangangahulugang may isang bagay na gusto kong takasan, at sa ang daang tinahak namin ang sinasabing magiging daan ko sa hinaharap. Maganda sa simula, ngunit sa kalauna’y makakaranas ka ng mga pagsubok na kahit anuman ang gawin ko…wala akong takas.

Kinabahan tuloy ako. Totoong naghahanap ako ng matatakasan, pero hindi ko alam kung paano, at hindi ko alam kung ano ang tatahakin ko dapat para hindi ako bumagsak ang mga pangarap ko sa butas gaya ng nangyari sa panaginip ko.

Pupunta ako ng Dubai, pero wala akong pamilya.

Pupunta ako ng Amerika, pero mas problemado doon.

So ano ang ganap ko? Forever ako nasa cubicle? Hay…

Ay! Nalungkot ako doon. Pampasaya naman, sayaw tayo ng Para Para…

Hmmm…Ano kaya kung gumawa ako ng sarili kong Para Para video? Bongga kaya ‘yun?

**********

Pasasalamat

Ano man ang mga problema o uncertainty ang kinakaharap ko ngayon, may mga bagay na masaya ako. Halimbawa, ilang araw na lang at two years old na ang Empress Maruja blog kets. Ilang attempts akong nag-blog before, sa Myspace saka sa Friendster halimbawa, pero noong August 2005 nagsimula akong gumawa ng isang maliit na blog sa Blogger/ Blogspot, ang “Random Lives of Empress Maruja.” Dahil dito hindi lamang ko naikukuwento ang mga ganap ko, nagkaroon ako ng maraming amiga sa blogosphere hindi lamang sa Pinas kundi pati na rin sa buong mundo, gaya nina Chas, Jase, Bridget Jones, Ribbiticus, Caulfieldisms (bakit naging private bigla ang blog mo, Mare?), “Tenchu” (alam mo na kung sino ka), at ang Las Tres Estrellas. Siyempre hindi ko rin nakalimutan ang mga amiga ko sa Artistang Artlets gaya nina Goddess, Svelte, at Indian Mermaid (bakit hindi ka na nagba-blog, Mare?).

Ay noong lumipat ako sa WordPress, mas lalong lumawak ang readership ko na umabot pati ang mga kasuluk-sulukan ng Finland, Ghana, Tanzania, at maging sa Seychelles (patunay na lang ang ClusterMaps kets), mas lalong dumami ang readers ko, at mas lalong dumami ang mga blogging friends ko (lahat ng nasa blogroll ko ay mga amiga kets).

Sa anniversary ko na pormal na pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa blog ko at sa lahat ng nag-iiwan ng mga comments (alam niyo naman ako “comments=love”).

At tandaan…Maraming mang “Maruja” sa tabi-tabi, iisa lang ang EMPRESS!

Maghahanda na ako para mag-shopping.  Kaka-suweldo ko lang…


Actions

Information

9 responses

19 08 2007
19 08 2007
jcdaclison

grabe, acceptance speech talaga itetch. anyway, i do loved it when you transferred to wordpress. we became neighbors! and we definitely need more color in the blog world. keep writing, darling! sana naman minsan, magkita tayo, davah? hugs!

19 08 2007
mandayamoore

shopping talaga?

19 08 2007
Kiks

So you went shopping in draga?

19 08 2007
Raymond Lee Quijano

maruuuuuu!!!!! nakuuuuu… pag nagkita talaga tayo kakantahan kita kahit umulan pa ng malakas. hehe, nag enjoy ako dun sa “oohh,, heyy… yeahh… di ko malaman ang.. nadarama… blah blah blah…”

keep this section up, mas maganda siguro kung laging may karaokeng kasama yung post. nyarnyar

20 08 2007
goddess

i love To Wong Foo!

20 08 2007
empressmaruja

@ Bridget Jones – Actually, naa-appreciate ko lalo ang WordPress. Anlaki ng advantage niya compared sa iba, kahit bawal ang ads…hihihi…

@ Mandaya Moore-Orlis – Yes, Mare! Nag-shopping akets. Wala nang lafang sa balay.

@ Kiks – Oh, how I wish! The last time I wore drag, mukha akong Paula Cole (mapanga). Pero infairness, naka-pink akets.

@ Raymond – Ay! Dapat magaling ang sing-along.

@ Goddess – Yes, Mare! Like ko rin itets! Na-miss ko tuloy si Jason London. Haha!

20 08 2007
jase

Hindi mababayaran ang kaligayahang dulot ng nakakatawa at kaaya-ayang posts na na-share mo sa amin!

Mabuhay ang Maruja at ang mga baklang katulad nating lahat!

20 08 2007
Lyka Bergen

Sige nga, mag-para para dance ka nga sa Anniversary moh para aliw. Please!

Tama si Jase. Mabuhay kah!

At true ka, anong nagyari kay Pat? Private na sya ngayon. Welcum kaya tayo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: