Ang Pagladlad ng Kapa

16 08 2007

Isa itech ofeysyal na entry ever para sa Pinoy Blogosphere Wika 2007 Blog Writing Contest. Walang kokontra, mga Mare.

Isang Linggo, nanonood kami ng aking ama ng palabas na “Mel and Jay.” Pinag-uusapan nila ang tungkol sa papaanong tinanggap ng mga magulang ang kanilang mga anak na bakla.

Papalatastas na nang sinabi ni Jay Sonza ang kanyang linya, “Magbabalik ang Mel and Jay makalipas ng ilang paalaala. Anak, Bakla Ka Ba?”

Luminga si Daddy sa akin at nagtanong din, “Anak, bakla ka ba?”

“Plangak!”

“Naman!”

“Trulili”

“Koraktsina!”

“Pasok sa banga, Tita!”

Tinignan ko ang aking ama’t sinabing, “Opo, bakit?”

Natawa na lang siya. Nagtawanan kami.

Ganito lang kasimple ang aking pagladlad sa pamilya na bakla ako, kaswal. Kasi kung tutuusin, alam ng magulang kung bakla ang anak nila, ayaw lang nilang tanggapin o baka tanggap na ng magulang ngunit hindi lang napagtatalakayan.

Kumbaga, nagkakaintindihan na kayo, pero bakit tahimik pa rin kayo sa isa’t isa? Bakit hindi niyo pag-usapan?

Mahirap naman makipag-usap sa mga magulang mo sa pamamagitan lang ng titig, sulyap, ngiti, o paghawak ng kamay, dahil hindi ito sapat. Kailangan nila ng may pinanghahawakan, katibayan kumbaga.

Ito ang kahalagahan ng wika para sa akin. Isa itong kagamitang pangtalastasan upang magkaintindihan at higit sa lahat magkaunawaan ang dalawang tao, dalawang pangkat, isang tao sa isang pangkat, o sa pangkalahatan. At sa panahon ng umuusbong na teknolohiya–mula papel, radyo, telebisyon, at ngayon ang Internet–lalong umuusbong ang kahalagahan nito.

Ngunit sa kabilang banda, may mga pumupunang nagiging nakabubuti lamang ang teknolohiya sa paglaganap ng mga wikang banyaga, lalung-lalo na ang Inggles. Dahil daw dito’y naisasantabi ang paggamit ng wikang kinagisnan–mapa-Tagalog, Sinebuano, Kapampangan, o ano pa man–at mas nagagamit ang Inggles upang maintindihan tayo ng mas nakararaming tao sa buong mundo.

Sa kabila nito, hindi naman natin siguro hangad na ang ating sariling wika ay magamit lamang bilang pang-usap sa mga katulong. Kailangan nating pagyabungin ang ating wikang kinagisnan, at hindi lamang ito sa pamamagitan ng madalasang paggamit. Kailangan din itong palawakin at palaganapin. Hanga ako halimbawa sa mga blager na nagsusulat sa kani-kanilang mga wika. Kahit hindi ko maintindihan ang kanilang ibig sabihin, nararamdaman ko naman ang esensya ng kanilang saloobin.

Kaya huwag nang mahiya, iladlad ang inyong mga kapa, mapapula man na Tagalog, aqua blue na Iloko, fuschia na Tausug, o lime green na Hiligaynon. Ang mahalaga’y hindi mailagay sa tahimik ang ating wikang kinagisnan. Iputong ang korona sa ulo, kumaway sa mga tao’t sabay rampa sa entablado, buong pagmamalaking pinapakita sa madla ang kulay ng iyong kapa.

#

Naibigan niyo ba ang aking akda? Kung gayon, huwag mag-atubiling bumoto! Magrehistro dito‘t i-click ang STAR para maipakita ang inyong suporta sa nag-iisang EMPRESS MARUJA.

#

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: β€œMaraming Wika, Matatag na Bansa”

Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi

Sumali na sa DigitalFilipino.com Club

Sheero Media Solutions – Web Design and Development

Yehey.com – Pinoy to p’re

The Manila Bulletin Online

WikiPilipinas: The free β€˜n hip Philippine Encyclopedia


Actions

Information

33 responses

16 08 2007
Kei

very well said. Panalo tong entry na ito.

17 08 2007
goddess

kailangan manalo ka.. hehehe..

17 08 2007
Reyville of Simply Manila

Ayos ang pag-out. Sang-ayon naman akong dapat ngang ipalaganap ang wikang Filipino, hindi ito dapat ikinakahiya o anuman.

17 08 2007
Reyville of Simply Manila

Natutuwa naman ako sa ginawa mo sa links. Very organized ang paghati-hati ng oras ng pagdalaw. Hindi nga naman kasi laging nabibisita lahat ng links sa isang araw. Maari ba itong magaya?

17 08 2007
Lyka Bergen

Cute! Salamat ke Jay Sonza. Sana mabasa nila ni Mel toh!

17 08 2007
chuvaness

haha, parang that’s entertainment…may groupings

i luv it!

PS
nice work, thanks for sharing it, sana manalo ka!

17 08 2007
empressmaruja

@ Kei, Goddess, and Chuvaness – Anu ba? Ayokong mapreysyur…

@ Reyville – Of course, Mare! Puwedeng-puwede, kasi I like to share.

@ Lyka – Sana nga ano?

17 08 2007
kissfendi

winner!!!;)
I love that grouping. “That’s Entertainment!” as Chuvanes says.πŸ˜‰

Wednesday Edition!πŸ˜‰
Sheryl Cruz at Manilyn?
kiss
Fendi

17 08 2007
svelte

nawa’y mabanaagan ka (actually di ko alam ang ibig sabihin nito, gusto ko lang yung word na mabanaagan)..- star of bicol

17 08 2007
Gean

Nice entry. Good luck.

Mas masarap magsulat sa sarili mong Wika.πŸ™‚

17 08 2007
blue_harajuku

good luck kay empress! natawa ako sa koraktsina..
dapat din palaganapin ang linguahe ng kabaklaan anetch?! charina!

17 08 2007
jase

Matalinong Bakla!

Sa ikauunlad ng Bansa!

Wow!

17 08 2007
Mink

magaling, magaling, magaling

panalo ito

17 08 2007
goddess

@kissfendi: right comment, wrong post ka ata.. hehehe..

17 08 2007
Kiks

Pumapalakpak ala Soxy Topacio

Congratch bakla. Very whale said.

Ga-sperm whale dapat ang laki ng award mo.

I wish for your winningest. And happiness.

(And thanks, favorite group ko talaga ang Thursday group. Kakaibiganin ko silang lahat!)

18 08 2007
ruff

Oooh, nice nice sweet post. What you said, that parents know whether their child is gay or not, is *extremely true. Though I still *havent come out of my “walk-in” closet yet, I have the inkling that they already knew everything about it. If there’s one thing that I’m really proud of having, its the fact that my folks respect me for my decisions in life, without any reservations. They never judge me for who/what i am, and they never define the real me for the things that i do, but with what i have inside.

And this post is a sure winner empress.πŸ™‚ just like BettyπŸ˜€ tnx 4d visit and good luckπŸ˜€

20 08 2007
20 08 2007
  PBS Wika2007 Official Entries by The Philippines According to Blogs

[…] Ang Pagladlad ng Kapa by Empress Maruja […]

21 08 2007
Filipinayzd

Kung makokonvert lamang ang mga komento dito sa mga boto. Pasok ang entring ito sa banga ng mga panalo.

Ibinoto ko ‘to dahil pam-blog ang dating, hindi “kinarir”. Ispringbord ang isang karanasan, may refleksyon, konekt sa tema, may konekt sa audience at iba pang elemento.

Huwag nyo ring kalimutang iboto ang enti ko: http://pintig.pinoyblogosphere.net/story.php?title=Maraming-Wika-mas-marami-ang-mabahong-isda%21-by-Irvin-P–Sto–Tomas

hehehe

21 08 2007
Wika 2007, Time to Vote!

[…] Ang Pagladlad ng Kapa by Empress Maruja […]

21 08 2007
VOTE NOW for WIKA 2007

[…] Ang Pagladlad ng Kapa by Empress Maruja […]

21 08 2007
Miss Wika 2007: Vote for Me Special « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] entry to Wika 2007 is entitled “Ang Pagladlad ng Kapa,” where I compared the pride of one’s native language to an unfurling of one’s […]

21 08 2007
Miss Wika 2007: Vote for Me Special - ‘Anyone Can Blog’ | Pinoy Bloggers Society (PBS) - PinoyBlogoSphere.com

[…] entry to Wika 2007 is entitled “Ang Pagladlad ng Kapa,” where I compared the pride of one’s native language to an unfurling of one’s […]

22 08 2007
kissfendi

hoy bomoto ako ano ka?! ako yata ang naunang bumoto!!! May I vote ulit teka!

;kiss
Fendi

22 08 2007
Reyville of Simply Manila

I just voted for u. Good luck. I hope you’ll bring home the bacon.

22 08 2007
Raymond Lee Quijano

susme, i-bubuto kita day. ^^

23 08 2007
chase

I will vote of course!

25 08 2007
Shari

Hehe, you’re really lucky that your parents accepted the truth “casually.” Karamihan kasi sa mga kilala ko, pag nagladlad sila, kulang na lang pugutin ang ulo nila.

True, palawakin at payabungin ang wikang kinagisnan.πŸ™‚

25 08 2007
toni

Naku, I didn’t make the deadline! Pasensya na.

This is really beautiful writing. You hooked me right from the start and kept me reading. Engaging! I hope you win!

1 09 2007
ederic

Nadale mo roon sa “Ang mahalaga’y hindi mailagay sa tahimik ang ating wikang kinagisnan.”πŸ™‚

6 09 2007
Miss Wika 2007 Grand Coronation Night « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] we now call on Candidate number 22, Miss Empress Maruja and her entry “Ang Pagladlad ng Kapa“, representing Burning Red Filipino Gay […]

6 09 2007
Miss Wika 2007 Grand Coronation Night - PinoyBlogoSphere.com - Pinoy Bloggers Society (PBS) | “Anyone* Can Blog”

[…] we now call on Candidate number 22, Miss Empress Maruja and her entry “Ang Pagladlad ng Kapa“, representing Burning Red Filipino Gay […]

15 07 2008
ali

really

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: