Maruja Sunday Specials #7

12 08 2007

Pagmamalasakit sa FX

Para makapunta ng Ortigas para magtrabaho, sumasakay ako ng FX dahil mas mabilis ito sa MRT. Besides, limang mintong walkaru lang from the office ang hintuan sa FX kumpara naman sa 48 years kung manggagaling sa MRT ang byuti kets.

Usually sa likuran akets sumasakay dahil ‘yun na lang ang bakante kapag nasa terminal na kets. Kaya lang, ‘yun din ang pinakamasikip at pinakamainit na bahagi ng FX (maramot kasi sa aircon ang mga nasa gitna).

Kaya kapag nagkaroon ng oportunidad na maka-ride kets sa harapan ng FX, eh di go agad ang lola niyo. Natural, nandoon ang pinakamalakas na aircon eh. Kahit medyo masikip, ina-adjust ko na lang ang aking mga wonderful legs para hindi tumama sa kambyo.

Noong Martes, nakasakay uli ako sa harapan ng FX papuntang Ortigas, katabi ang isa namang makyongkad na mhin at ang driver. Dating gawi, pinipilit na iwasan ng aking palo-palo legs ang kambyo.

Kalagitnaan ng biyahe, kumoda ang driver. “Sa susunod nga kapag sasakay kayo, hatiin niyo ang katawan niyo. Nahihirapan akong kumambyo.”

Nagalit ako sa kanyang insulto. Lumabas ang aking Inner Joshua.

“Isampal ko sa ‘yo ang pera ko eh,” bulong kets.

“Ano’ng sabi mo,” tanong ng dribang. “Wala,” sagot kets.

“Nahihirapan lang kasi akong kumambyo,” hirit niya. Sumabog na ang galit ko.

“Eh bakit kailangan mo’ng manlait? Na hatiin ang katawan namin?”

Kahit galit na galit na ako, pinipigilan ko pa rin ang aking boses na maging malakas. Nakakatakot pakinggan, parang aswang.

“Nagmamalasakit lang kasi ako…”

Hindi ko na pinagbigyang magsalita pa ang mama. “Masuwerte ka nga’t sumasakay pa kami dito eh. Customer kami kung tutuusin, tapos ganyan ka kung umasta? Sumasakay ako dito para makapunta sa trabaho’t hindi ko kailangan ng kahit ano’ng insulto mula sa ‘yo!”

“Kung insulto pala ang tingin mo doon, eh si sorry na lang,” sagot niya.

“Sorry ka diyan…ulol.”

Hindi ako tumatanggap ng patawad, lalo na’t nasaktan ako nang labis. The damage has been done kumbaga, at kahit idikit-dikit pa natin gamit ang sorry niya naroon pa rin ang mga lamat.

“Mag-ingat ka’t madulas pa naman ang daan,” sabay balibag ng pinto pagbaba.

Habang naglalakad ako patungo sa office, hindi pa rin humupa ang galit ko.

“Malasakit? Pagmamalasakit pala ang tawag doon? Puwes, bibigyan kita ng pagmamalasakit…Umuwi ka sa probinsya mo, dalhin mo na rin ang lahat ng pamilya mo, dahil kayong mga mahihirap nagiging palamunin lang namin!”

Mabuti na lang at hindi ko ‘yon nasabi. Ire-regret ko rin ito.

**********

Had I Known, Mare

Nakuwento minsan sa akin ni Svelte nang nakita niyang muli ang kanyang pseudo-ex jowa. Hindi raw siya nagpakita, bagkus ay lumayo’t hindi nagpakita.

Philosophy niya kasi, kapag nagkita kayo ng ex mo, kailangan maganda ka. Kailangan ikaw ang pinakamaporma’t pinaka-well-groomed sa paligid.

Gulatin mo ang ex mo, kumbaga. Either ma-astound siya sa iyong bagong look o manghinayang na kung bakit pinakawalan ka.

At siyempre, huli na nang ma-apply ko ito sa aking buhay.

Had I know tungkol doon, Mare, malamang I didn’t look losyang on that fateful day of January. I wouldn’t have looked too rugged with my loose long-sleeved olive green shirt, paired with an unshaven beard and an unflattering 41-inch waist.

If only I knew about this, he would probably be more shocked…and it’s on the positive this time.

Had I known, Mare. Had I known…

**********

O. P.

Dati, noong bago pa sa office si Svelte, nirereklamo niya kung papaano hindi siya pinapansin ng kanyang mga teammates. Hindi ko naman ito maintindihan kung bakit, kasi naman sa team ko bonding kami kahit papaano. Sabay-sabay nga kami kung mag-lunch, at minsan sabay-sabay nga rin kami kung umuwi.

Siyempre, dahil friend ko si Svelte, sinasamahan namin ng isa kong dating teammate si Kumare na mag-lunch para hindi siya O. P. sa office. Tandem kaming tatlo sa breaktime talaga, maging sa mga kachikahan (kahit masyado kaming out of touch sa mga kaganapan sa office).

Kaya noong wala na si Svelte, at isama pa ng paglipat sa dayshift ng aming katandem, ako naman ngayon ang Out of Place dahil nga naman ilang buwan din akong hindi sumasabay sa mga ganap nila.

Wala na akong kasabay sa breaktime, at kung kasabay ko naman sila hindi ako maka-relate sa mga kuwento nila. Hindi naman ako nanonood ng mga TV series na hilig nila. Hindi rin naman ako mahilig mag-paintball na gawain nila tuwing weekends.

At ala nga namang mag-open up ako ng discussion tungkol sa mga hilig ko, gaya ng mga tsismis sa local showbiz, foreign movies, Temptation Island, anthropology, etc.

Ngayon naiintindihan ko na ang kalagayan noon ni Svelte.

**********

Spirit Dancer

Nakita ako minsan ng aking younger brother na sumasayaw ng Para Para sa bahay.

“Ano’ng ginagawa mo, nagtataboy ng bad spirits,” tanong niya.

**********

Da New n’ Improved Blogroll ni Empress Maruja

Binabasa ko ang lahat ng blogs na nasa aking blogroll, and as much as possible nag-iiwan ako ng comment para naman maipakita ko kung paano ako natuwa, nalungkot, o naibigan ang kanilang mga tsika. At hindi ako nagko-comment ng mga gaya ng “blog hopping po,” “first to comment,” o ang pinakanakakairitang “first ba ako?’.

Kaya lang nitong mga nakaraang araw, nare-realize kong hindi ko na mabasa ang ibang mga blogs dahil sa sobrang dami na ng nasa sidebar. Idagdag pa na blocked ang Blogger sa office namin (at napipilitan akong gumamit ng proxy para lang makapag-comment, ‘yun nga lang sobrang bagal ang connection).

Kaya ko naisipan ang isang magandang ideya para mas organized ang pagbasa ko sa aking blogroll. Hinati ko sa limang grupo ang mga link. At heto na sila:

MONDAY GROUP

Adobong Comatose, Blue Harajuku, Bridget Jones is a Man, Cyclopean Archives, Electric Itlog, Indian Mermaid, Life Funtastique, Postcard Headlines, Red Itlog, The Arabian Paladin, at United SEA.

TUESDAY GROUP

Adventures of an Exiled Aristocrat, Bryan Miseducated, D’ Bull, Enter the Laughter, Fruity Oaty, Just About Everything, Mandaya Moore-Orlis, No Access to Prozac 2.0, Project Manila, Reyna Elena, The Dan and Rye Show, and Unwritten Thoughts.

WEDNESDAY GROUP

Aries: Warrior Princess, Can’t You Read, Dazed Blu, For Crying Out Loud, Kiss Fendi, Manila Gay Guy, Pinoy Blogosphere, Pulsar, Simply Manila, The Goddess of the Himalayas, Underside, and Wifely Steps.

THURSDAY GROUP

At Bakit Bawal Ang…, Caulfieldisms, Derelict Mag, Gwapito, Kwir A-The-Ist, Maui Pacquiao, Pinoy Gay Blogs, Queer Chef, Sirena Down Under, The Investigative Blog, and Writinerary.

FRIDAY GROUP

Bakla Ako, May Reklamo?, Chuva of the Chenes, Desert 69, Hush and Listen, Las Tres Estrellas, Misterhubs, Pond Perspective, Quixotic Adventures of Q the Conqueror, The Svelte Dramaturgy, The Unbearable Lightness of Being, and Your Headphones.

Tapos, dapat may production number kada Sabado ang bawat groups. CHING!

Unahan na lang sa pagpili kung sinu-sino kayo diyan!

Advertisements

Actions

Information

12 responses

12 08 2007
Lyka Bergen

Oh mash! We are glad na kasama namin si Megan at Svelte sa Friday group!

Abangan ang production number naming nasa Friday Group… Ang Tap Dance na naka Tutu. Sa music na…. Macarena.

(Ang sa gitna,…. si Svelte).

12 08 2007
Kei

I’m happy kasi kahit wala akong kilala sa monday group, kasama pa rin ako sa blogroll mo.

Kelan kaya praktis ng pro number namin?

12 08 2007
chase

Hahahha now it reminds me of That’s Entertainment! Ching!

12 08 2007
chase

Btw, you should have slapped that driver!

12 08 2007
reyna elena

empress,

tawa ako nang tawa dun sa FX story mo, especially the 48 years it would take para lang makarating sa anda factory! grabe!

anyway, cool ka lang! mainit dyan kaya naman minsan mainit ulo nang mga fx drivers! s

keep those stories cumming! nakakaloka! sumakay ka pa nang ibang FX!!! hahahaha!!

13 08 2007
goddess

diba sa that’s entertainment, ang laging nanalo ay ang WEDNESDAY GROUP? hmm..

xempre ako yung naka-fuschia! goddess inspired ang gownlallou..

13 08 2007
ruff

Hmm, empress, diba pinaka-special ang Friday group? πŸ˜€

Love love love this post. Re the ex-es, too bad pag nakikita ko ung mga ex-es ko akech ang nagtatago, parang kriminal. And parang nagtatago pa rin ang aking Inner Joshua. Paano ko kaya ito mailalabas? Hehehe πŸ™‚

See ya soon dear empress.. πŸ™‚

14 08 2007
Sirena Down Under

Ako yung pinakamatangkad sa Thursday Group, ha? Sige na naman, pagbigyan nyo na ako…;-)

14 08 2007
Mink

Magandang ideya yang groupings na yan ah..

15 08 2007
blue_harajuku

aba monday group pala ako! hehehe kasabayan ko sila ara mina, donita rose, romnick sarmienta etc.. hehe di ko alam, guessing lang yan..
nakakainis din minsan ang mga drivers ng jeep kasi pagsasabihin mo ng estudyante po, nabibingi ng isang saglit! haaayz…

16 08 2007
megan

holy shet, ngayon na lang ako nakabisita. erf.

tarush, friday group! ang alam ko special yan, hindi special child ha! πŸ˜€

ms. maruja, san kayo sa ortigas? ortigas din kasi ako e… baka mamaya nagkabanggaan na tayo sa Ministop o sa Starbucks, hehehe…

16 08 2007
megan

sana wag na magblock ng mga nakakaaliw na sites ang mga company no yun na nga lang kaligayahan ng sambayanang manggagawa e… hay. :S

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: