Maruja Sunday Specials #4

22 07 2007

Nang Minsang Nagwala at Nanggalaiti sa Galit

Sumakay ako ng taxi isang araw, papunta ako ng Maynila. Ambilis ng biyahe namin, halos walang katrapik-trapik.

Kaya lang, sa pagkalawak-lawak na daan ay may nakaharang na malaking construction machine. Ginagawa pala ang kalye, kaya kailangang mag-shortcut ang taxi.

Ang problema, ang nag-iisang daan na puwedeng gawing shortcut ay puro may hukay. Dali-daling nilapat ng mga construction workers ang mga kahoy na gagamitin para pantawid sa taxi. Ilang hukay at butas din ang tinawid ng taxi hanggang sa hindi na talaga makadaan.

Bumaba ako ng sasakyan habang tinutulak ng mga construction workers at maging ng iba pang mga tambay ang taxi pabalik. Ayos na sana ang lahat nang biglang natabig nang malakas ng security guard na naka-blue ang sasakyan at nahulog ito sa napakalalim na hukay. Napakamot na lang ng ulo ang sekyu.

Sabi ng bisor sa construction kasalanan ko raw at pinilit kong idaan ang taxi. Nagalit ako.

“PAANO NAMAN AKO MAKAKADAAN, EH TIGNAN MO NGA ‘YUNG KABILA!”

Nagulat ako sa aking nasabi, kaya ako napadilat.

Luminga ako sa aking paligid, nag-inat nang kaunti, at nagpatuloy sa trabaho.

**********

Ang Mga Jologs sa 12th Floor

Noong bagong lipat ang aming opisina sa Ortigas mula Makati, may isang bagay na napansin namin sa aming office building: May mga nagrereyna-reynahan.

Sila ang mga empleyado sa 12th floor.

Mapapansin mo na ito simula nang papasok ka palang sa building, nakatambay na ang mga ito’t halos harangin na ang lahat ng hagdang paakyat ng lobby.

Pagpasok sa gusali ay makakasalubong mo ang dagsaan ng mga papauwing mga taong mas maingay pa sa amin ni Svelte, at halo-halo sila: babae, lalake, bakla, tomboy, butiki, baboy.

Sasakay ka ng elevator at nang papasara ito’y may isang sisigaw mula sa labas. “Hoy, hintayin niyo ako mga leche!”

Kapag pinindot mo ang floor na mas mababa sa 12, may kakaibang reaction. Parang mga naiinip sabay sabing, “Dami namang stopover.”

Napuno na ako. Lumabas si Joshua.

“Kung gusto mo damihan ko pa,” sabay pindot ng 9, 10, at 11, habang papalabas ng elevator.

Aware na malamang ang buong opisina sa ugali ng mga tao sa taas. Ang tawag ko sa kanila, “Mga Jologs ng 12th Floor.” Trabaho doon ng karamihan ay ang magkunwaring mga “girls on cam” habang ka-chat ang mga malilibog. Hindi nila mukha ang pinapakita sa webcam, kundi video ng mga Amerikanang nagta-type kunwaring may ka-chat.

Matagal na kasi sigurong sila ang nag-iisang kumpanya sa building, kaya nang nagkaroon ng iba pang mga opisina medyo feeling nila sila ang reyna. O baka naman bahagi na ng kultura nila ang pagiging jologs.

At hindi lang sila reyna-reynahan, mga maninira pa ng gamit. Bawat elevator sa building ay may mga sunog na buton, pinaso gamit ang yosi. May mga vandal pa sa pinto, susi ang ginamit bilang panulat.

Hay naku, ibang-iba talaga ang kanilang sub-culture. Hanggang ngayon nga’y iniisip namin ni Svelte kung saang housing project sila galing. Malamang Gawad Kalinga.

Sabi na lang ni Svelte, “Ang masasabi ko lang Mare, iba tayo.”

**********

MEME na, Baby!

Kalokah! Kakasagot ko lang ng Tag mula kay Rye ay may back-to-back-to-back na tag ang lola mo!

Gibsung ng Las Tres Estrellas ang double tag na “Write 3 or more pointers about the stuff you wonder about if you were of the opposite sex” at “Write 6 weird things about you“, habang provide ever ni Writinerary ang meme na “Eight random facts/ habits about you.”

Hay naker, any monument papagora na aketch ni Pujay to the market para bumaysung ng sabon at alcohol, at nakikikulit ever ang sisterette na makikigamit ng computer para mag-Friendster, kaya consolidate na itey!

Ang title ng tag ay “Eight weird random facts about you if ever you become the opposite sex.” O devah, bungga as in bunggaloo! Start na itey!

1) I would probably become pregnant by 13. Malamang magiging malandifa ang lola niyo simula’t sapul, kasing landi ko noong trese anyos aketch.

2) I would probably become a lesbian. Dahil nga naging dingga aketch, it’s a possibility na baka mag-“love your own” ang drama ketch.

3) I would probably become a cam girl. Kalandian and technology rolled into one. Aba! Akong ako iyan! Papakita ketch ang bubas sa mga minchu pero nakakyokip ang niplette, kasi teasing chu-chu. Pero siyempre may bayad ‘yun, P20 kada minuto.

4) I would probably have a monthly wax. Kailangan ma-eliminate ang balbonic powers ni Maruja, kaya gora ever sa nyolor for some good Brazilian waxing.

5) I would not probably have a really serious boyfriend. Ewan ko va, pero wai akong mag-commit kahit gaano ko gusto. Basta ang alam ko, after the bed, chu…bye na!

6) I would probably do everything to become a star. Aba! Hindi ba’t isa na akong star…let?

7) I would probably try modeling. With my connections in the industry noon, malamang I sinubukan ko na kung magiging successful model ketch, ‘yun nga lang kapag hindi ako mukhang Rolando Navarette with long hair.

8. FINALLY. I would probably become a girlfriend of Simon Atkins. Hoy! Hindi masamang mangarap noh?! Sabi ko sa inyo, I have the power to tame a man’s heart. CHOS!

O ayan! Walo! Eight! Oito! Finish na itey! ‘Yung mga gustong maki-tag, go na ever!

O siya! Next week na lang ang mga nabiting kuwento gaya ng mga kaswalan sa family at ang matinding akusasyon na si Maruja ay isang Gawgaw Queen. Galit na ang Pujay! Ghesalamatbaboo!


Actions

Information

12 responses

22 07 2007
22 07 2007
Kei

Natawa ako dun sa mga Jologs sa 12th floor. At parang alam ko na kung saan building sa Ortigas yan. Wahehehe! Sa Tycoon ba?

At talagang wish mo maging gf ni Simon Atkins ha. Ingat lang, dahil baka maraming sumabunot sa iyo.🙂

23 07 2007
Kiks

This is a fresh respite from the downloaded-4-free HP07. NAKAKALOKAA, bukod pa sa katotohanang tila type natin pareho ang Atkins Diet, you got that chutzpah to be a girl on cam without being any of those chakagurlz sa 12F! Ano pala ang meme? Zuri Cruz, long tym na detached na moi sa orld na iterlz!

23 07 2007
Kiks

winner, winner! parang trilogy ang dating ng entry na ito. parang tatlong mukha ni maruja – mula sa kanyang dream state hanggang sa kanyang bitch episodes hanggang sa wish-upon-a-maruja meme mode. trulili, a fresh respite from a downloaded HP07. BUNGGAKADAY, pero pwede bang one night only with Simon?!

23 07 2007
Kiks

nakakainez, bakit ganitu? nagkakaerror sa aking pagpost tapos lalabas sila pareho, a few hours diff. siiiigh… yun lang!

23 07 2007
JRothschild

LOL! You should have pulled a La Greta and said “What are these people doing in MY elevator?” LOL.

23 07 2007
Reyville

Kaloka ang taxi story. I have a post about elevator etiquette. Here’s an exerpt:

The elevator is where people with different orientations flock together. So whether you are the most popular person in your neighborhood, a member of a royal family in the United Kingdom of Tondo, or Gretchen Barretto, you can make this world a better place if you can act in such a way that other people would feel respected or valued as a divine creation or at least as human beings.

Be Generous. We all know that you’re in a hurry and needs to Bundy as soon as possible, but you have to stretch your patience a bit longer by pressing the open-the-door button if you see somebody approaching the elevator. Don’t embarrass the poor soul to everybody else around by letting the door closed itself when he is just a few seconds late.

Always Face The Door. No matter how crowded it is inside the elevator, make sure that you’re facing its doors while it is taking you to your ultimate destination. Never face the rest of the crowd unless you want them to discover a new planet next to Planet Zit in the universe disguised as your face.

Don’t Fart. If you feel that something odd is gaining power inside your tummy, you can save yourself from embarrassment by letting that fart out before going in for the ride. Or if you’re inside the elevator already, try to hold on for a second. Please be considerate to others as this is undeniably gross.

C’est la vie.

23 07 2007
Lyka Bergen

Pregnant at age 13? Ang landi mo Lolah!

23 07 2007
Q

Pregnant at age 13 -> Idol! ako mga 15 pa :)) Pero, sunod-sunod na ang baby ko niyan. Hahahaha.

Kung ako yun kinatay ko na ang bwiset na construction ewan. Kung ayaw nila na dumaan ang kotse, ede sana hinarang nila, devah?

24 07 2007
empressmaruja

@ Kei – Naku, wala akong babanggiting pangalan ng building.

@ Kiks – Bakla, glitch lang siguro ‘yun.

@ JRothschild – Ay naku, kung hindi lang sila mas marami malamang nakoda ko ‘yan.

@ Reyville – Winner ang etiquette lesson!

@ Lyka – Hoy Mare, ano na naman ang kawarlahan ninyo ni Ekra? Hay naku wai bang peace talks ‘yan?

@ Q – Mare, panaginip lang ‘yun. Ang malala napa-sleeptalk ako while working.

19 08 2007
Maruja Sunday Specials #8 « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] ngayon ay nababagabag ako sa napanaginipan ko several weeks ago. Sumakay ako sa isang taxi at halos ismooth ang biyahe hanggang may makita kaming malaking […]

9 09 2007
Maruja Sunday Specials #10 « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] Minsan habang nasa office ketch, may chika ang aming bagong team leader kay watashi. Umariba na naman kasi ang mga J-Logs ng 12th Floor. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: