Maruja Sunday Specials #3

15 07 2007

Harvest Moon

Any monument, magre-resign si Svelte sa opisina. Tinanggap niya ang full-time job mula sa isang NGO. Say nga ni bekla, “Nasa puso ko talaga ang pagtulong sa mahihirap.”

At sa nalalapit niyang paglisan sa office, may isang bagay na matagal namin pinaplano pero wiz matuloy-matuloy.

“Ano ba Maruja, kailan ba tayo aani,” tanong ni Kumare.

Matagal naming planong mamukid…este, mamooking sa massage nyolor. Meron siya kasing puntahan somewhere in the QC na may “Bring a Friend Program” with matching add 2-ham for extra body scrub. Wa pa doon siyempre ang peysung sa nyerbiz.

Si Svelte supposed to be ang organizer, as in either kaming dalawa lang o with matching bitbit pa ng mga jokla para the more the manier.

“Hay naku,” react ketch. “Kelan mo ba gusto?”

“Basta within the month,” sey ni Svelte.

“Aba go lang ng go ever. Alam mo naman tayo, kailangan ng ample dosages ng bitamina C at zinc.”

Laff kami ever, knowing na ‘yun ang mga sustansyang nakukuha sa “katas ng kalikasan.”

Ang problem, matutuloy naman kaya itey? Hoy Mare, dapat tuloy ito huh. Mahirap mamukid mag-isa.

**********

Fly Fly Kung Saan Man

Nachika-mae sa chat ang aking ex-boss sa office isang gabi. Matagal na niyang sinara ang kanyang modeling agency at ngayon’y nagtatrabaho sa Dubai bilang events manager.

“Dapat nandito ka noh,” say ni Ex-Boss. “Andami nilang hinahanap na kagaya mo.”

Mga kagaya kong bekla? Wiz, mga writer for advertising and events.

“So kamusta naman ang mga lalake diyan,” ask key.

“Ay marami, Maruja,” reply niya. “Iba’t ibang nationalities pa. Jowa ko ngayon Kano.”

“Naku, baka makabuo ka diyan ng United Nations.”

Tawa si Ex-Boss. “I can do that.”

Sa trulili lang, matagal ko nang naiisip kung fl-fly aketch to distant lands. Hindi naman sa nagsawa na ketch sa bansa natin, pero knows ko na hanggang nandito ako si Pinas wiz ako go-grow-glow-and-go. Tinuro sa akin ni Ex-Boss kung paano makahanap ng trabaho sa Dubai.

Nang kinuwento ko itey kay Svelte, wiz siya agree.

“Sa Singapore ka na lang,” sey niya. “At least kapag na-miss mo ang Pinas, isang oras lang na flight ang lapit.”

Saka madali daw maghanap ng work doon, according sa kanyang batchmate na pupunta sa Lion City. “Kailangan nila ng mga bagong skilled workers kasi nga mababa population growth nila. Apply ka ng visa doon para makahanap ka ng trabaho doon. Pagpunta mo doon, may one year ang palugit para maghanap ng work. Kapag tinanggap ka, ang employer mo ang bahala.”

Nang nakuwento ko itey sa aking sister, wiz rin siya convinced.

“Lagi ka yatang naghahanap ng paraan para lumayo ka sa pamilya mo,” sey ni Sisterette.

Matagal nang plano ng family na pumunta aketch sa US para sundan sina Mama at Kuya. Huwag niyo akong maliin, okey lang sa akin ang Tate (nakapunta na ako doon), pero everytime na sinasabi sa akin ng Pujay ketch na mag-Amerika na ako may asim sa aking fez.

“At least doon, magiging fashionable ka,” sey ni Pujay sa akin kamakailan. “Pero siyempre kapag sa trabaho kailangan disente ka. Paano na lang ang mga batang tuturuan mo.”

Walang pagbabago sa mukha.

“Alam mo, marami ring mga guwapong bakla sa States,” sey ni Daddy.

Nanlaki ang aking mga mata. “Pa,” react ever ketch.

Pero sa loob ko, natuwa ako sa statement niya.

Advertisements

Actions

Information

6 responses

15 07 2007
15 07 2007
aries

ay ang supportive ni father dear…

ay sekan the svelte’s motion! lion city ka nlng kung gusto mong mag miss international!

15 07 2007
reyna elena

lion city ka na lang, para i can stay at your place para maghanap na rin ako nang work sa lion city! kalimutan mo na mga kano! 2 years lang ang ganda-lifespan nila, piktapos nun kelangan ilagay mo na sa nursing home, taz yong mukha crisscross na nang edsa, c5 at south superhighway. mga eysyanz guapo everlasting.

16 07 2007
Pulsar

Goodluck sa inyong pamumukid. Hehehe.

16 07 2007
Kiks

Singapore City is way too small. Ayaw ng mga bakla sa isa’t isa, or at least that’s what I know. I loved the place one time but it made me scrimp for whatever little space I have. Hong Kong is better and fancier, I think.

BUT, better na rin ang Singapore – malapit lang sa Malaysia at Thailand. Travel by land or air ka lang bakla, andun ka na!

AND…. aaaaay, how i love thy father – best supporting role ba talaga?!

So, Tate ka na?

17 07 2007
empressmaruja

@ Aries – Bata pa lang ako tanggap na ako ng Pujay, kaya nga minsan feeling ko sobrang blessed ako.

@ Reyna Elena – Ate, target ko naman ‘yung medyo mabata-bata, huwag lang bababa sa 18 at baka masama ako sa “Sexual Predators List”. Eeeeh…

@ Pulsar – Salamat. Balitaan kita kung success.

@ Kiks – Ang alam ko nga medyo hindi bigay na bigay ang gay community doon with all the restrictions chu chu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: