Maruja Sunday Specials #1

1 07 2007

Nagpa-Checkup ang Maruja

Bihira makagala ang Maruja tuwing weekend, kaya naman nang nagkaroon ako ng opportunity na makalabas ay go na go na key.

Sa aking paglilibot ay may nasayla ketch na isang signboard. “Free Check-up” daw.

Ay! Go ako! Umaariba talaga ang aking kakuripotsina!

Lapit akey sa girlalou na nagbabantay, inquire agad about da free check-up ever. At in-accomodate naman ang Maruja. Pinalatag ako sa kanilang kagamitan, kalikot siya ever ng mga knobs, unti-unting gumagalaw ang machine, and after one minute tapos ang check-up.

Naglabas ang machine ng diagnosis at binasa ito ng girl.

“50/50 ka,” sabi niya.

“Po?” Nagulat ketch.

“50/50. Nearsighted ka,” sabi ng optometrist sabay gibsung kay watashi ang print-out ng resulta.

Kaya pala kung makatitig ako sa computer ay super lapit ng mga mata key, lalo na kapag nakakasaylalu ng mga kachuvahan sa XTube.

Minsan na akong nagpakonsulta sa mata at ang sabi astigmatic daw ketch. Kaya lang, ‘yung libreng salamin na ginibsung kay watashi parang walang namang effect.

Kaya noong pag-uwi ko, sinukat ko uli ang aking glasses. Biglang luminaw ang paligid.

**********

Ang Audition, Noon at Ngayon

Bago niyon, dumalaw muna ketch sa aking paaralang pinagmulan. Dahil Sunday, walang mga utaw pero maririnig mo na mula sa labas ang nakakabinging ingay.

Auditions kasi ng aking theater organization noong kolehiyo, and after so many years ngayon lang ako angbalik para makikumustasa sa mga juget and hopefully makasaylalu ng mga ka-batch.

Sad to say, ako lang ang pinakamatanda sa crowd. Hindi natuloy si Svelte dahil may out-of-town commitment habang si Goddess ay may tree-planting event (Miss Earth ikaw ba ‘yan?).

In ferlalou, mababait naman ang mga bata. In-acknowledge naman ketch with matching ask sila kung willing daw ketch magturo chuva. OK naman, pumayag ketch.

Kaya lang habang tumatagal, nagiging hindi ako comfortable. Siguro kasi ang init sa audition venue at kung anu-ano na ang nasa isip ketch. Eventually, lumabas ako ng building upang magpahangin at doon ko naisip na huwag nang bumalik.

May bumagabag kasi sa akin.

Nakuwento ko ito kay Svelte habang lumalafang kami sa office canteen.

“Hindi ako kumportable habang creative introduction nila,” say ketch. Ito ang tradisyunal na bahagi ng audition namin kung saang ipapakilala mo ang iyong sarili sa pinakamalikhaing paraan. Usually, gagawa ka ng kilos, sasabihin mo ang pangalan mo at dadagdagan ng isang catchy na one-liner.

Tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon ang aking creative intro. Ginaya ko ang transformation sequence ni Sailor Venus.

Sabay sabi ko ng, “Ako ang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Ako si Empress Maruja, at sa ngalan ni Venus parurusahan kita!”

Si Svelte naman pasimplehan ang drama: “Hi! I’m Svelte, and I’m pregnant! Ulk!”

Itinuloy ko ang kuwento. “Binabara ng mga members ang mga auditioneers habang nag-iintroduce, with matching ‘Ows? Talaga?’ May kumanta sa introduction, kinabog naman ng isang member at kumanta rin ng mas mataas. Super ibang-iba na ang org mula sa kinagisnan natin. Para na siyang kuwan…”

Hindi ko maisip kung ano ang tawag doon, hanggang may binanggit si Svelte.

“Parang frat?”

Korek. Parang naging frat na nga ang org namin.

Advertisements

Actions

Information

3 responses

1 07 2007
Rye

ganun na?

2 07 2007
pat

feelingero talaga ang mga younger members ng orgs na pinanggalingan naten kase feeling nila inapi sila nung sila ang nagtry-out kaya mas malala sila pag wala ng seniors. puro ka-feelingan na tuloy ang kinagisnang org.

3 07 2007
goddess

anong favorite channel mo sa Xtube? hahaha!

yup, ako nasa tree planting sa nueve vizcaya!

tiya, ndi naman cguro frat. nagkakatuwaan lang. pero xempre, things change. don’t worry. it ain’t for the worse.

july 3 ngayon!! happy anniversary AA!! see you sa 30th anniversary!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: