Regine Velasquez: Sssssinner or Sssssaint?

21 05 2007

Hindi dahil sa tamad na akong mag-post tungkol sa tsismis kung kaya’t matagal nang walang ganap ang…

EMPRESS BALITA…Balita…balita…

Ang totoo niyan ay balak ko siyang gawing podcast, pero siyempre kailangan kong siyang paghandaan dahil alam niyo naman ang watashi…kailangan lahat BONGGA.

Bongga with matching confetti at back-up macho dancers. CHAROTEE!

O siya simulan na ang tsismisan!

Tsuktsakvavoom…

Sa isang exclusive interview sa June edition ng Yes Magazine, umamin ang singer na si Ogie Alcasid na inlababu siya sa kanyang co-host sa Sobrang Okey Pare, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Ayon kay Ogie, matagal na silang hiwalay ng kanyang asawa na si Michelle Van Eimeren, dating Miss Australia na nakilala ng singer nang ganapin dito sa Maynila ang Miss Universe noong 1994.

Matagal nang natsitsismis ang relasyong Ogie-Regine.  Kahit na ilang beses nilang itinanggi sa press, sabay bigay ng walang-kasing-showbiz na “We’re just friends,” hinding-hindi maitatanggi na ang kanilang mga kilos sa isa’t isa.  Gaya na lang ng pagsama nila sa iisang hotel room sa Reno, Nevada, o ang kanilang paghawak-kamay sa ilang mga public events.

Dahil diyan, hindi masyadong naging bomba ang pag-amin ni Ogie (na feeling ni Maruja isang pampadagdag-kita lang itey ng Yes Magazine).  Sa sobrang kaka-deny ng dalawa’y namanhid na ang taong-bayan.  Hindi naman kami uto-uto, ano!

Sa pag-amin ni Ogie ay naungkat din ang isyu tungkol sa diumano’y pagkahumaling ni Regine sa mga lalakeng may sabit, gaya nina Ariel Rivera, Ronnie Henares (di sa akin galing ‘yan), Robin Padilla (na okey lang dahil Muslim siya), at iba pa.

Sabi ng kanyang mga tagahanga’y walang sukatan ang pag-ibig.  Hindi raw kasalanan ng dalawa kung nagkaibigan sila.  Ngunit sa kabilang banda’y hindi pa rin maiaalis ang katotohanang legal pa ring kasal si Ogie kay Michelle, at wala pa rin siyang pinagkaiba sa isang ahas.

At hindi lang ‘yan.  Umiikot ang mga sabi-sabi na umaapela ang ABS-CBN sa Yes Magazine na itigil ang pag-publish ng interview ni Ogie sa takot na mag-flop ang kanilang pelikulang “Paano Kita Iibigin” kung saan katambal ni Regine ang Pambansang Closet Queen Papa na si Piolo Pascual.

ANG SAY NI EMPRESS:  Sssssinner o sssssaint man ssssssi Regine, wala na tayong magagawa.  Sssssikat pa rin sssssiya.

Advertisements

Actions

Information

23 responses

21 05 2007
Lyka Bergen

Sinner with an Angelic Voice. Yan ang bruhang Regine! Tse!

21 05 2007
21 05 2007
Q

Maskina ilang retoke ka pa, duling ka pa rin Regine! Nyahahahahahhaaha.

Food for thought: Ba’t tipo ni Ogie yung mga mas matangkad sa kanya?

21 05 2007
Kuya lumier

palink naman po http://kuyalumier.blogspot.com
thanks!
I change my recent URL http://kuyalumiersblog.blogspot.com for convinience.

21 05 2007
pinoyurge

hi empress… my first time here and i like it i swear… keep it up po

21 05 2007
empressmaruja

@ Lyka – Sabi mo ‘yan. CHAROTEE!
@ Q – Siguro to compensate sa “insecurities” ni Ogie Doggie pagdating sa height.
@ Kuya Lumier – Link mo muna ketch para i-link ka rin ni watashi. Sorry, Mare, pero policy ko ‘yan.
@ Pinoy Urge – Salamat sa iyong pagdalaw. Balik ka pa!

21 05 2007
Roland

seperated na pala sina uge at michelle e bakit di parin legal? Fan po ako ni Regine Velasquez at inaamin kong nalungkot ako sa balitang ito dahil totoo naman pala na may relasyon sila bakit pa sila deny ng deny. Pero kung maligaya naman si ate Regz suportahan ko na lang siya. Pero papatayin ko si uge kapag pina-iyak niya si regine!

22 05 2007
Misterhubs

Ang pangit siguro na magiging anak nila

22 05 2007
goddess

sinabi naman ni ogie na hindi pa siya sinasagot ni regine.. pero yun lang nga, dun na rin hahantong ang lahat.. bad timing.. baka magflop ang movie ni ate.. ganda pa naman (based sa trailer..).. kung hiwalay na pala ng matagal na panahon si ogie and michelle, may problema ba kung maging sila ni regine? sa mga nagsasabing sinner sila, “HAWAAN NYO AKO NG KALINISAN NINYO!”

22 05 2007
jase

Ekytually, bagay sila! Parehong shoondak! Ching!

22 05 2007
Q

Gad. Sa comment ni misterhubs, naiimagine ko na ang anak nila: Average height, medium skin tone, duling, magaling kumanta (unfortunately), pango, in other words, except for the duling part and the singing part, resembling about 90% of the Philippine population.

22 05 2007
Jake The Miserable

Ay napansin ko ngang ang hsss sound ni titah Regine. Tama ka itech, hindi na masyadong chorva ‘yung pag-amin nila.

23 05 2007
Fendi

I love Piolo even he’s gay. I could give him a nice swirljob! 😀

23 05 2007
Neil Es2pido

Nainis ako nang mabalitaan ko yung issue na they have this closeted affair. I mean, pano na si Michelle? Si Michelle pinagpalit kay Regine matapos ang lahat? Wala lang, naiinis kaming lahat dito sa bahay (mula sa mom ko hanggang sa bunso kong kapatid) kapag naririnig namin ang tungkol sa kanila…

24 05 2007
Dakilang Pasaway

Panu ba nasusukat ang tamang pagmamahal???

24 05 2007
thesveltedramaturgy

ang masasabi ko lang ay the world is not enough (wala lang akong masabi actually)

24 05 2007
Karen

bad timing nga yung revelation kuno ni ogie.

25 05 2007
regzkel

pasensya napo.. hindi ko po alam kung anong magiging reaction niyo pero kasi po nasasaktan din po ako, kaming mga fans ni regine pag may ganyan. Pasensya napo, pero sana po hayaan nalang natin sila, sigurado naman pong pinagisipan nila to bago nila gawin. Siguro kong fan din po kayo ng ibang artist ipagtatanggol niyo rin siya katulad ko. Pasensya napo. Mahal na mahal ko po kasi si regine, katulad po siguro ng pagmamahal niyo sa mga mahal niyo sa buhay. Salamat po.

26 05 2007
chine

at least it’s out, they dont have to hide anymore. im glad they found each other. there are too many miserable couples—in the philippines especially, who stay together for the sake of the kids, for the sake of “respectability” in the community, for the sake of wanting to appear “perfect” in the eyes of society. whereas behind the scenes they fight a lot, are barely civil to each other, and sleep with people other than their spouses. hypocrites all.

30 05 2007
revir j

Pangit si ogie parang unggoy, bakit nagustuhan sya ni regine…mas bagay sila ni ariel kaso may asawa na nga lang si rivera

21 06 2007
mylene

ako hindi ko idol si regine thats much pero ang masasabi ko lang marami tao sa mundo may kanya kanya tayo opinion diba pero kahit marami tao sa mundo iisa pa rin ang gusto natin manyari sa buhay natin maging masayang mayminamahal sa buhay kaya isipin lang inyo kahit gaano mansila ka sikay at kahit na artista sila tao din sila dito sa mundo kaya stop giving this bad comments pls just be happy for them.

22 06 2007
reyna elena

mga atcheng! (apologies to empress) hindi ko binasa post kasi nai-irita ako dyan sa babaeng yan no? fake boobs, fake everything! i love her nong nadiscover pa lang sya sa bulacan ang innocent girl and everything – aba! singKUNTA anyos na sya! di pa uma-arte nang gaya nang edad nya?! pede ba! pucha, baka malaglag na lang yong suso nya nito!

19 11 2007
Nikka

Sobrang maldita talaga yang babaeng yan. Matauhan na sana mga fans nyan kung anong klaseng pagkatao ang iniidolo nila. Nakadismaya na makita at marinig ang home wrecker na ito!
Kung ako ang mga advertisers pangit na mag aksaya ng pera sa tulad nya na ang image na pinapakita ay taong walang moralidad. Bastusin na kerida!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: