Inuman with Pujay (Part 2)

17 05 2007

Basahin muna ang Part 1 para maka-relate, mga Mare!

Nakarating na kami sa the place to be, and Carwash na malapit sa balaysung para kumain at, malamang, makipag-inuman with Pujay.

Hindi naihanda ang mga pansit na pre-order ng Papa. Kinain na raw ng co-owner nang magutom. Kaya ayan, nagpaluto uli ng pancit at ang dapat sana’y magarbong kainan ay naging pika-pika ng tokwa’t baboy, calamares, at spicy tapa habang nanonood kami ng karera ng kabayo sa super-laking TV.

At least, naka-order aketch ng nag-iisang Japanese item sa menu: gyoza.

Nagtanong ang Papa kung gusto naming uminom. Kami ng sisterette, go. Nag-Smirnoff Ice kami, sosyal. Pinalabas naman ng Pudra ang kanyang reserved na Generoso Brandy.

The family that drinks together, stays together talaga ang drama, habang pinagmamasdan naming mamigay ng mga tropeo si Rosanna Roces sa karerang sponsored niya (with his apo tagging along) at ang sunud-sunod na low-budget, local political advertisements ng Maynila.

Paisa-isa ang pagdating ng mga lafang dahil iisa lang ang kalan ng bar na puno ng mga magkukumpare’t mga makokyondang magjowang nagde-date. Take note, ang isang lola, naka-spaghetti strap! Pabirong pinaalalahanan ni Pujay ang isang waitress na mainipin ang kanyang mga anak. Kapag mabagal daw ang dating ng pagkain, nakasimangot kami.

Dumating din sa eksena ang ex ni sisterette na siya mismo ang nag-aya. Nakisabay ang ex-turned-friend sa aming salu-salo.

Kinagabihan ay hindi pa rin tapos ang pag-order namin ng pulutan at inumin. Nag-suggest si Papa na sa labas namin ituloy ang family dinner. Nangangati na ang kanyang vocal chords makakanta sa karaoke. Paglipat namin sa labas ay inihanda na ng waitress ang mga kakantahin ng Pudra gaya ng “Just Once.”

Jikat ever ang aking Daddy pagdating sa karaoke. Kaya niyang kantahin ang “My Way” nang pabaligtad ang lyrics gaya ng “Near is end the now and/ Curtain final the face so I and.” Nagawa niyang tawagin ang “ihip ng hangin” at “buhos ng ulan” habang kanta ang “Doon Lang.”

Actually, gusto rin ni Maruja na kumanta sa videoke, kaya lang medyo maiiba ang repertoire ng lola niyo. Medyo nakakailang namang kantahin ang “The Last Thing on My Mind” ng Steps sa isang lupon ng mga matong manginginom. Kailangan pang-mhin. Hindi lang pang-pamhin, dapat mhinchula talaga.

After ng matagalang paghanap ng kanta sa song book, inihanda ko ang aking karaoke skill para sa aking opening number…

Amazing ng Aerosmith

Doon ko lang nalaman na matagal pala ang instrumental nito sa dulo. Medyo nakakainip makita ang score…

Aba! Gulat ang Pujay! Hindi naman ketch kagalingan pero nagawa kong i-100 ang karaoke, na bihirang mangyari (daw) sa machine na iyon.

Pero hindi pa doon nagtatapos, dahil may susunod pa akong kanta…

Wonderwall ng Oasis

At ang score…

Actually, may sikreto sa karaoke para mataas ang score mo kahit gaano man kapangit ang kanta mo:

* Una, kailangang malapit ang iyong mao tse tung sa microphone para sagap ang buong voice. May kinalaman din dito ang popular belief na kaya lang 100 kasi malakas lang ang boses. Well, medyo totoo ‘yon pero…

* Dapat tiyempong tiyempo ang iyong boses sa bawat nota ng karaoke. Kapag eksakto ang timing mo, 100 (o 99) ang labas.

Kahit mahina ang boses mo, kahit wa ka talagang pag-asang maging next singing sensation, basta sundan lang ang mga ‘yan at maganda ang iyong kinabukasan sa karaoke.

Bumuhos ang plato-platong sisig, hotdog, tapa, vodka ice, at San Mig Light sa mesa. Lumalalim na rin ang gabi at medyo namumula (daw) ang fez ketch kaya nag-decide ang Pujay na mauna na raw kaming mga junakis. Inihatid kami ng driver namin at ng ex ni sister pauwi sa amin.

Malamang balak mag-table ni Pujay ng waitress. Charing!

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: