Empress Maruja, ang Usisera ng Aliwan Fiesta 2007

29 04 2007

UPDATED, mga bakla!

Aliw na aliw ang lola niyo kagabi dahil sa wakas ay natupad na ang kanyang pangarap na makajonta sa Aliwan Fiesta. Tinaguriang “Festival of all festivals,” ang Aliwan Fiesta ay isang malaking gathering ng mga pista mula sa lahat ng sulok ng Pilipinas.

Ang mega-highlight ditech ay ang street dance competition ng mga festivals na kasali. Day, ngayong taon 26 na festivals (yata) ang nakadalo, ang iba pa nga’y nanggaling pa sa kasuluk-sulukan ng Shariff Kabunsuan (bagong province ‘yan, along with the Dinagat Islands).

Nag-beg off si Svelte na sumama sa akin dahil sa kanyang mga appointments churvey, pero aketch talaga kailangan makadalo by hook or by hook.

Dapat sana’y pupunta aketch ng Aliw Theater nang maaga, kaya lang may mga last-minute pautos pa si Pujay at siyempre kailangan i-pamper ever ko ang sarili mula sa isang linggong trabaho gamit ang malaking inflatable pool na nakalagay sa aking hardin. Binabad talaga ang katawan ketch with matching palo-palo of the water gamit ang mga binting nag-ala sireyna.

Nakarating ketch ng alas-5 ng hapon. Day, tama pala sabi ni Svelte na dinudumog itey. Dumog as in dumog as in wa na space para key. Pero I believe in the saying, “All it takes is a little bit of assertiveness.” Mega siksik ketch sa bleachers na nagtanong ng mga utaw kung may espesyo pa silang mabibigay, kiber sa mga makyondang kulubot na warla sa ganda ketch, na kesyo huwag magpumilit. Che! Ayoko ngang aksayahin ang aking magandang panahon sa pakikipag-away sa mga matatanda.

Kaya hayan, tingkayad kung tingkayad ang beauty ketch.

Buti na lang at nagmagandang-loob si “Charming,” baklang head writer ng kiddie show na kasama aketch. Binigyan ako ng production pass, kaya lang by that time nakasayaw na ang aking bet na mag-win: ang Dinagyang Festival. Pagkatapos ng mahaba-habang lakarang at pakikipagpatintero sa mga gardang at mga bouncer, nakapuwesto aketch sa bandang likuran ng stage. Pero carry pa rin, marami pang grupo ang sasayaw, saka huli na para magmagandang pumuwesto sa harap.

Bet kong mag-win ang Dinagyang dahil naloka ketch napanood ko ang bahagi ng kanilang routine sa sports show na Game Plan. Gulatan kung gulatan ang drama, at mas lalo ketch natuwa sa sayaw nila nang mapanood ko nang buo sa YouTube:

Ang malaki nilang threat ay ang Sinulog contingent ng Cebu City.

Sa totoo lang, ang pinakapinapanood ditech sa Aliwan ay ang mga grupo mula sa Visayas at ARMM. The rest, halos chaka, lalung-lalo na ang Metro Manila.

Isa sa mga panggulat na grupo na nasayla key ay ang Alikaraw Festival ng Hilongos, Leyte. Natuwa aketch sa theatrics nila sa set. May malaking “tree trunk” na pinalakol at nang nabuwal ay nakaukit sa kahoy ang imahe ng Santo Niño; naghatak ng malaking berdeng tela’t tinakpan ang mga dansur at naging bundok ang set; sumikat ang araw sa likod ng puno’t lumitaw ang babaeng may hawak sa Santo Niño, pasayaw-sayaw habang umiikot ang araw sa kanyang likuran.

Day, chakrita talaga itechiwang digital camera ketch. Naturingan pa namang imported at amoy-Amerika nang pinadala ni Mujay. Siguro mahina lang ang flash at tumatalab lang itech kapag tag-araw o kaya kung malapitan ang kinukunan (pangit ang zoom nitey). Pero kiber, memories din ‘yan. Galing pa ring Amerika ‘yan.

As expected, halos hinakot ng mga grupo mula sa Visayas at Mindanao ang mga premyo sa Best in Float at Best in Dance. Nakapalad na makapuwesto ang Panagbenga ng Baguio bilang isa sa pitong runner-up sa Best Float, habang ang Disposorio Festival ng Hagonoy, Bulacan nama’y nag-second place sa Best Float at runner-up din sa Best Dance.

It’s the moment of truth. Sinechi kaya ang mag-win sa Best Dance?

Pero siyempre, may mga pang-filler at pampahaba ng oras.

* Nag-papageant muna sila with the candidates wearing their national costumes. Ang representative ng Maynila, sa sobrang laki ng kanyang peacock na yari sa malalaking pamaypay ay nasagi sina Miss GenSan, Miss Hagonoy, at Miss Pasig sa iisang rampahan.

Congrats kay Miss Jane de la Cruz ng Hagonoy for winning Reyna ng Aliwan. Ang layo ng mararating natin kapag Tagalog ang answer sa Q & A. ECHOS!

* Back to back performance sina Grace Nono at Bayang Barrios. Akala ng mga jologs sa audience nasisiraan daw sila ng bait.

* Nag-perform din ang mga artista mula sa Starstruck na sina Prince Stefan, Jewel Mische, at Paolo Avelino.

Si Prince mas guwapo sa TV (nakakapanghinayang).

Si Jewel ang ganda sa personal. Ka-fez talaga si KC Concepcion.

Si Paolo Avelino ang tinilian ng mga gerlet sa audience. Mas guwapo pala siya sa personal, kahit nga ako napatili.

* Nag-perform din ang Bayanihan Dance Company. Sinayaw nila ang kanilang ipinampanalo sa isang kompetisyon sa Mallorca, Spain. World-class talaga.

Ayan, tapos na ang mga kaechingan. Heto na ang mga winner:

Third place: Alikaraw Festival of Hilongos, Leyte.

Sabi ko na nga ba it’s the battle between Sinulog and Dinagyang.

Second place goes to…

“Sinulog,” sigaw ketch.

Second place: Dinagyang Festival of Iloilo City.

Palakpak lang ketch habang si Charming ay napapasayaw na sa napipintong pagpanalo ng kanyang mga kababayan.

Congratulations to Sinulog Festival for their back-to-back championship in Aliwan Fiesta.

Kinabukasan, nalaman ketch na puwede mo lang ipresenta ang iyong Media ID para maka-access sa loob. Hay naku, dapat next year prepared ketch. Sabi ko na nga ba may silbi pa rin ang media ID ko.

UPDATE: Para sa mga gustong makasaylalu ng mga matitino’t gandarang pictures ng Aliwan Fiesta, puntahan ang mga sumusunod:

MASTER BETONG

RED SAGO

SEÑOR ENRIQUE

and ENRICO DEE of Byahilo.

Advertisements

Actions

Information

16 responses

29 04 2007
bikoy

pinaka-nagustuhan ko yung contingent ng hilongos, leyte

30 04 2007
eric

andun ka rn pala! ahehehe ako nag lakad ako from quirino to CCP. pakshet part ng trabaho. bwahahah

30 04 2007
jase

ka excited naman! gusto kong makapanood!

30 04 2007
empressmaruja

Don’t worry ateh. May next year pa.

30 04 2007
Lyka Bergen

Second lang ang aming Dinagyang Fest? Tse! Juice ha! Ang Sinulog performance ay parang cheering chu-chu ang datetch! Ching! Pero in fairness, may rhythm sila, as in sabay sabay compared sa Iloilo’s Dinagyang.

At teka Lola. Saan ang Shariff Kabunsuan na yan? Interesting ang name ha!

Feel ko ang Grace Nono ever. Kaya lang wala na akong balita sa bruhang yan. Meron pa nga akong autograph nun. May bagong album ba ang Lola?

Haaaay! Thank you for sharing ha! Charoooots!

30 04 2007
master

Mas energetic lang ang Cebu, pero mas nagustuhan ko ang Tribu Ilonganon ng Dinagyang. Salamat sa linkbank.

30 04 2007
empressmaruja

@ Lyka – Dating first district ng Maguindanao ang Shariff Kabunsuan. Diyan tatakbo ang dating spokesperson ni Erap na si Didagen Dilangalen bilang governor (yata).

Huling album naman ni Grace Nono ay noong 2002. Isa rin siya sa mga composer sa documentary na “Imelda.” Recently nagtayo siya ng traditional arts and crafts store.

30 04 2007
Fendi

I want that boy right there ! How much is he? I can offer pay per inch!
Bleh! ;P
kiss
Fendi

30 04 2007
Isang Nagbabaga at Nag-uuminit na Paglilinaw « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] The Legend of Maruja ← Empress Maruja, ang Usisera ng Aliwan Fiesta 2007 […]

1 05 2007
1 05 2007
eric

may pics na ko di ko pa na a upload lahat. eheheheh

see u next aliwan!

1 05 2007
empressmaruja

@ Eric – See you next year, too. Mas prepared ako next time.

2 05 2007
eric aka senor enrique

Maraming salamat sa special mention 🙂

7 05 2007
christine joy

Yah,Bikoy,ako din,pinakagusto ko din!!!!hehehe.

8 05 2007
spongebabe

nagpunta din ako nung aliwan! pero bakit parang ang konti ng booths nila ngayon? tas wala pang aliwan t-shirt. parang di masyado napaghandaan.

20 05 2007
ris

galIng ng tribu namin… tribu alikaraw will gonna laNd to the first…. sooN hehehe!!!!! from.djris01@yahoo.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: