Bisita Vista sa Semana Santa (Finale)

20 04 2007

Ginising ko sina Siren at Svelte. Alas-sais na kasi ng umaga’t kailangan naming mag-prepare for our final swim.

“Ano’ng nangyari,” tanong ni Svelte habang nag-iinat. “Success?”

“Wa,” sagot ketch.

Imbiyerna talaga ako kagabi. Flopchina ang beauty namin, pati ang effort kong maka-booking ng sekyu as my last resort wala rin.

Pero in ferrview, panalo ang masahe niya.

“Noong nakatulog ka, saka siya pumasok sa kuwarto,” kuwento ni Siren. “Nakakaloka nga ungol ni Maruja habang tulog. Parang tinitira.”

“Ganoon,” react ketch.

“Baka nilalabas lang ni Marj ang frustrations niya,” say ni Svelte.

After mag-moment sa benyo, bumabey kami nina Svelte ng hotel patungo sa kanilang restaurant para mag-breakfast. Umorder si Svelte ng Spanish Omelette habang aketch naman ay American Breakfast na mas mahal. Pagkahain ng lapok, imbyerna na naman mae.

Ang American Breakfast ketch ay isang scrambled egg, ISANG PIRASONG TJ HOTDOG, at toast. One-twenty na ba itey?! Pero siyempre, kailangan class kaya eat ko pa rin ang nag-iisang hotdog na para bang Hungarian sausage itey. Kumpara niyo naman sa mas murang Spanish Omelette ni Svelte na gawa sa tatlong itlog, with matching black olives and tomato sauce, all for the low low price of P60.

Kaloka talaga ang Grotto Vista: CHEAPER IS BETTER.

Sumunod si Siren sa restaurant after mag-moment, umorder rin ng Spanish Omelette.

Pagkatapos lafangin ang punyetang American Breakfast, lumapit ketch sa counter. Umorder aketch ng Omelette with Asparagus. Fifty-five lang.

Nagbayad na naman kami ng entrance fee para makapasok. Nakita na naman namin si Bert, sweet pa rin kay Svelte.

Krumbay uli ang Tatlong Marya sa swimming pool #5. Paupo-upo lang sa gilid ng pool habang nakababad ang mga paa sa tubig, malandi as usual. Walang ibang inatupag kundi ang umokray.

“Saan ka naman lulugar? Kyonta kang pool na naka pantalon AT sinturon,” comment ketch sabay nguso doon sa mukhang adok na aktong magda-dive.

“Saang perya namang galing ang bimsu ng isa,” tanong ni Svelte nang dumaan ang isang babaeng nakasuot ng swimsuit na ang pangibaba’y paldang pa-zigzag ang hemline.

“Ay,” nagulat si Siren. “Dumaan ang mga diyosa.” Pumasok sa pool area ang tatlong babaeng animo’y pupunta ng Boracay sa kanilang suot: simpleng bikini tops at maiikling puting shorts. Karag-karag nila ang kani-kanilang mga jowang mayayaman. Lahat ng mga manyak sa pool nakatitig sa mga gelay.

“Bading ba ‘yun,” tanong ketch kay Siren patukoy sa mukhang parlorista sa isang tabi ng pool.

“Gaga, babae ‘yan.”

After ng ilang moments, nagpamalas si Svelte ng kanyang kyolent bilang Broadway singer. Kaya niyang kantahin ang bawat awitin mula sa Chicago, Dreamgirls, at iba pa habang sumasayaw sa swimming pool.

Maya-maya pa’y nag-speech na ang bakla.

“Oh heed, the great unwashed. I command you to pay respects to Empress Maruja. Worship Maruja and she will make you rich. She will give you jobs.”

Kaway-kaway na lang ketch sa great unwashed. Wa namang pumapansin kasi abala ang mga utaw sa kani-kanilang mga ganap.

Nag-lunch kami sa restaurant nang pinag-usapan namin si Bert.

“Hingin mo kaya ang phone number niya,” suhesyon ketch kay Svelte.

“Wala akong maramdaman eh,” sagot niya. “Alam mo ‘yun, kung gusto mo ‘yung tao mafi-feel mo ‘yun.”

“Ano ka ba, makipagkaibigan ka na lang kaya,” hirit ni Siren.

Pero kung tutuusin, effort ang long-distance friendships. Magastos magpadala ng sneakers noh kumpara sa kunin niya mula sa yaya mo.

Natapos ang aming bakasyong grande. Nag-impake kami’t nag-check out, sumakay sa tricycle patungo sa sibilisasyon. Baon namin ang mga masasayang ala-ala’t mga nakakaaliw na eksena.

Gaya ng mga nakasalamuha namin.

Bumili kami nina Svelte ng pizza bilang merienda namin sa resort. Habang hinihintay naming maluto, nagtanong ang isang tindera doon.

“Ate, hindi ba wala kang kasalanan kapag nagkagusto ang isang lalake sa ‘yo?”

“May kasalanan ka,” sagot ko. “Ang kasalanan mo ay maganda ka.”

O kaya ang mga one-liner namin.

Patungo kami ng aming cage kinatanghalian at napadaan kami sa malaking pool ng resort. Puno ng mga tao as usual.

Sambit ni Svelte para mag-alisan ang mga tao, “Siren, ihagis ang mga ahas.”

“Opo, senyora,” sagot ni Siren.

At siyempre, ang mga plano para sa kinabukasan.

“Hindi ka pa nakakatuntong ng Puerto Galera,” napatanong si Siren sa gulat.

Tumango na lang ako.

“Hayaan mo,” sabi ni Svelte. “Planuhin natin ‘yan for November 1.”


Actions

Information

11 responses

20 04 2007
20 04 2007
John H. Rothschild

Nakakaaliw naman ang storya. Sayang walang sex scene. Sa Puerto guaranteed cguro ang sex scene😛

20 04 2007
chase

I was waiting for the sex scene too! lol! But at least you still manage to enjoy the vacay without some bookings.

By the way, I didnt go to Paris. What made you asked me? lol

20 04 2007
jaynir

alam mo neh, kahit wiz booking kayo enjoy naman ang mga vadingash….

i remember nga noon with my vakleush friendship – talagang pinakulo namin ang dagat while on the way sa Boracay! Mazaya fag maraming vadingash! Takotchina ang mga jolakish!

20 04 2007
Trippy

Panalo ang bonding ah. Sayang sana nalasing si Svelte.

20 04 2007
Lyka Bergen

Sa pangalang Bert pa lang, na turn off na ketch. At di ko alam na makasalanan pala aketch! (Maganda kasi ako).

20 04 2007
noname

i really enjoyed your story… it was fun!

20 04 2007
thesvelte

Ba’t naman sana nalasing, Trippy?🙂

21 04 2007
Trippy

Svelte: May nagkwento sakin, mas matapang ka daw pag lasing eh. Heehee.

21 04 2007
Xerendipity

I was expecting something… heheheehe… well, it’s funny parin! Ganda ng adventure!

3 05 2007
goddess

HAPPY RANDOM THURSDAY!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: