Bisita Vista sa Semana Santa (Part 4)

15 04 2007

Nakatambay ang pitong binata sa pinakadulong swimming pool. Tinawag kami ng isa sa kanila.

“May lighter kayo,” tanong niya.

Si Siren lang ang sumusuba sa amin at kusa niyang inoffer ang kanyang lighter sa binata. Nag-agawan ang iba sa pagpapasindi, ngunit isa sa kanila ang lumabas mula sa pool upang lapitan kami. Nang sumindi na ang kanyang yosi, nagpasalamat sila at nagpatuloy kami sa pagrampa.

Akala ko may prospect na ang mga maria, pero pinaalalahanan ako ni Siren. “Dansur ang mga ‘yun. Presyong Maynila.”

Oo nga pala. Nagkaroon ng variety show sa resort kaninang hapon. Akala ko dumayo ang Wowowee dahil ang mga tugtog na ginamit halos pareho. ‘Yun pala ang host si Mel Feliciano, dating choreographer na ngayo’y isa sa mga sidekick ni Willie. Hindi namin ito pinanood dahil puro jologs puno ng tao ang sentrong pool na pinagdausan ng palabas. Sa itsura at porma nga ng mga binata–mapuputi ang balat, mga buhok na animo’y pinagtripan, at malamang paboda ang bayad sa nyolor para makatipid–hindi mo sila mapagkakailang mga dansur.

Nagpalipas kaming tatlo ng oras sa parkeng may videoke machine sa gitna, at nakita na naman namin sila. Si Thunder at ang kanyang mga alaga na nagkakantahan.

Nag-cheer kami nang pabulong: “Thunder Thunder Thunder Cats…Hooooo…”

Naisipan naming mag-videoke na rin para naman ipamalas namin ang aming mga kyolent, kaya lang ang Thunder Cat maramot. Kung hindi “Your Love” ng Alamid ang kinakanta, “Bring Me to Life” ng Evanescence, at talaga hinahayaan lang niya ang mga binata niya na maghulog nang maghulog ng barya habang pumipili pa kami ng kanta sa songbook. Kapag nakakapili na kami, kailangan pa naming maghintay dahil hanggang sampung kanta lang ang nakapila, lahat ‘yon sa grupo lang ng matanda.

Nakapili na ako ng kanta, ang laging opening number ko: “Last Thing on My Mind” ng Steps. Kaya lang kakaiba ang machine. Naghuhulog ako ng barya, tapos pipindutin ko ang number combination, pero walang lumilitaw na kanta. Eh ang Thunder Cat deadma sa amin, hindi tinuro na pili muna ng kanta bago maghulog ng barya. Ayan, apat na 5 peso coins ang nasayang. Hmpf!

Statement ko na lang, mas sanay ketch sa mga sosyal na videoke bar na de-remote ang pagpili ng song.

Noong turn ko nang kumanta, heto ang lumabas.

Buwisit. Pang-ilang bangas na ‘yan ah.

Pagkatapos hintaying matapos ang isa na namang round ng “Your Love” at “Bring Me to Life” na para bang heto lang ang dalawang kanta sa mundo, sa wakas ay turn na ni Siren.

Special request ng kamag-anak ng may-ari ng resort habang naghihintay kami. Graba, palaliman kaming tatlo ng boses, pero si Svelte one key higher ang birit. Kalokah!

Hintay na naman kami dahil sila na naman ang kumanta, hanggang turn naman ni Svelte. Pagkanta niya, nagsimulang mag-walk ang tropa ni Thunder Cat. Ubos na yata barya nila. Che!

Una sa repertoire ni Svelte ang Hanggang Ngayon ni Kyla, with matching falsetto at ad lib kung ad lib. Iniiba ang mga nota para mas mataas. Kaloka!

Tuwing kanta niya, nagpapalakpakan ang mga utaw mula sa mga kalapit na nipa hut.

Habang kumakanta kami ay padaan-daan si Thunder Cat sabay tingin sa amin.  Insecure ang matanda kasi baka nawala kami’t maya-maya’y kapiling na namin ang kanyang mga binata! Susme! Kanya na lang noh! Baka kung saang shuwetrax pa galing ang mga nutrinella ng mga boylet niya! Che!

Hindi ako nagpakabog sa kantahan, back to back ketch:

At

“Thank you very much,” bati namin sa crowd na naipon sa videoke. “We’ll be back for our second set!”

Nagsara ang resort at naiwan kami sa labas.  Buwisit, kami na nga ang may “de luxe” na kuwarto, kami pa ang bawal pumasok para mag-night swimming, habang ang “standard room” na nasa loob puwedeng maglabas-masok.

At ang malala, magbabayad pa kami uli ng entrance fee kinabukasan.

Kaya ayan, nakakrumbay kami sa labas, nagbabaka-sakali pa rin.  Habang sumuko na sa pressure ang dalawa, ako kumoryo.  Labas ako’t balak mag-GRO sa nag-iinumang mga tricycle driver, hindi naman ako pinansin.

Tumambay na lang ako sa guard house, pero alam ko naman walang ganap ditey.  Uminat aketch at nagpaalam sa kanila nang ang isa sa kanila’y nag-alok na masahe.

Ala nga namang tanggihan ko noh?

(Final part ang susunod, promise!)


Actions

Information

5 responses

15 04 2007
15 04 2007
Xerendipity

ano kaya ang Final part empress? haayyy… such a thrill…

15 04 2007
Trippy

Huy!! interesting ah!

16 04 2007
JF

OMFG! Sobrang suspense! Sana naman it won’t take a week for the final Part. Love ur blog!

3 05 2007
goddess

HAPPY RANDOM THURSDAY!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: