Bisita Vista sa Semana Santa (Part 3)

12 04 2007

(Take note that Part 2 is updated from the previous post.)

Pinili ni Svelte ang “De Luxe” na kuwarto dahil bukod sa iyon lang ang puwede namin kunin ay mukhang sosyal pakinggan ang “de luxe”.

Nagkamali pala kami.

Ang liit ng banyo. Sa sobrang liit halos magagalusan na ng pinto ang lababo.

Ang liit din ng bintana. Pagbukas mo ng kurtina, mamamangha ka sa kongkretong pader na katapat nito.

Wala ring cable TV. Sayang at gusto ko pa namang panoorin ang Mr. World. Ang tanging konsuwelo lang ay malamig ang aircon.

Inihanda namin ang mga gamit. Naglabas ng speaker si Siren upang ikabit sa kanyang iPod para i-share ang kanyang naggagandahang house music sa buong kuwarto.

Si Svelte naman ay nagpahiga-higa muna with matching posing.

“Napansin mo ba ‘yung bading thunderu na may mga kasamang mga binata,” tanong ni Siren.

Hindi ko napansin.

“Alam mo, feeling ko pimp ‘yun, dala-dala ang mga alaga niya para rumaket,” sabi ni Siren.

“O baka naman manager ng dancer group,” sagot ko.

Ang aming “hotel” ay nakapuwesto sa labas ng resort, kaya medyo malayo mula sa mga pool ang aming kuwarto. Pagpasok namin sa gate ay nagkasalubong sina Svelte at ang porter na si Bert.

“May kuwarto na kami,” kuwento ni Svelte.

“Talaga? Saan,” pangiting tanong ni Bert.

Pagkasabi ni Svelte ng aming room number ay nagkangitian ang dalawa. Naka-drawing ang inggit ang sa mukha ng lola niyo.

Bumalik kami sa kinatatambayan naming pool, umupo sa mga pool chair at nag-abang nang kaunti na maging hindi nakakapaso ang araw. Sa kalagitnaan ng aming beauty rest, bulong si Siren. “Ayun siya.”

Natagpuan ang thunder gay sa pool. Confirmed na may binatang jowa’t hatak-hatak ang barkada nito.

“Hay naku, hindi ako magiging ganyan pagtanda ko,” deklarasyon ni Siren. Maging ako ayoko rin.

Ampangit naman kasing tignan na ang isang matandang jokla ay sumisipsip ng lakas mula sa mga binata. Kung tumanda akong single, malamang bu-booking ketch sa halos ka-edad ko, o kaya mas bata nang kaunti. As long as legal age.

Kinagabihan, makalipas ang ilang oras, naisipan naming tumambay muna sa loob ng resort. Nag-ikot-ikot kami ng resort, baka sakaling may isang barkadahan din ng tatlong lalake na naghahanap din ng tatlong baklang maging kapareha. Wala.

“Bakit hindi mo kinausap si Bert na mag-stay,” tanong ko kay Svelte.

“Hanggang alas-kuwatro lang ang duty niya,” sagot niya.

Hmp…Ayaw mag-share. Chos!

Sa paglalakad namin ay may tumawag ng aming atensyon.  Mga binata.  Maraming binata.

(itutuloy…)


Actions

Information

12 responses

12 04 2007
12 04 2007
Joms

Hehe, nagiging interesting ang kwento ah!

12 04 2007
jase

bery exciting !!!

12 04 2007
mauipacquiao

binata, maraming binata. ano kaya ang ginawa ng isang DALAGANG katulad mo? abangan…

12 04 2007
oboids

wow…parang may show-down na parating..can’t wait..more more!

12 04 2007
thesveltedramaturgy

yan na ba yung mga dancers, empress.🙂

13 04 2007
migs the manila gay guy

aba pasok ka sa banga, sexing maruja!

13 04 2007
chase

God it is like reading a three part novel. Bongga ha!

13 04 2007
Talamasca

Ampangit naman kasing tignan na ang isang matandang jokla ay sumisipsip ng lakas mula sa mga binata. Kung tumanda akong single, malamang bu-booking ketch sa halos ka-edad ko, o kaya mas bata nang kaunti. As long as legal age.

OMFG I can’t stop laughing!!! Oh and I think I peed my pants. LOL!

13 04 2007
pat

baka mga manggagancho yung 3 binata. or sobrang panget nila. just guessing.

13 04 2007
Xerendipity

Maruja, ala pa bang update? I’m eager to know what’s next …

14 04 2007
JF

My Gulay!!! Anu vah LOLA ! Tagal ng update mo! Syado mo naman kaming suspense! Continue the story na! Pleaseeeeeee!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: